First Snow (Lay: One-shot)

1.4K 64 22
                                    

All rights reserved. No plagiarism. Do not distribute without my consent. 

***

Mahirap 'pag nakalimutan mo ang dapat mong tandaan. Pero mas mahirap 'pag lagi mong natatandaan ang dapat mo nang kalimutan. -Lay

 

~~~~~~~~~~~~~~~~

 

(Brenna's POV)

 Malungkot akong nakangiti habang pinagmamasdan siya mula sa malayo. 'Di pa rin siya nagbabago. Siya pa rin ang Lay na nakilala ko. Ang Lay na makakalimutin. Ang Lay na may dala-dalang notepad.

 Napayuko ako nang mapatingin siya sa direksyon ko. Hindi niya dapat ako makita rito. Baka kasi magdulot pa 'yon ng problema. Kaya mas pinili kong umalis na lang kaysa manatili pa rito. Sapat na ang matanaw ko siya mula sa malayo.

 "Sa'n ka na naman galing Brenna?" Tanong sa 'kin ng kaibigan kong si Camille.

 "Dyan lang sa tabi-tabi." Walang gana kong sagot.

 "Asus! Alam kong galing ka sa Plaza para panuorin siya." Sabi nya sabay irap. Ito ang problema sa mga kaibigan eh. Kahit na anong pagsisinungaling ang gawin mo, alam na alam pa rin nila kung ano ang totoo.

 "Tiningnan ko lang kung okay sya. 'Di naman niya ako nakita eh." Tugon ko saka inilapag ang mga dala kong pagkain.

 Andito ako ngayon sa condo naming dalawa ni Camille. Masyado kasi 'tong malaki kaya napagpasyahan namin na dalawa na lang kaming umupa rito.

 "Ang engot mo talaga kahit kailan Brenna! Haler! Gusto mong malaman kung okay lang siya? Geez. Pa'no magiging okay 'yong tao kung----"

 

"Tama na Camille. Paki-zipper lang 'yang bibig mo kung ayaw mong ako mismo ang gumawa nun, literally." Pagbabanta ko kaya lumaki ang mata niya. Ang OA talaga ng bruhang 'to. 'Di porket crush nya si D.O, eh kailangan na niyang gayahin ang mata nito.

 "Ang harsh mo! Buti nakatagal siya-----" Hindi na nya naituloy yung sasabihin niya kasi pinasakan ko na ng apple ang bunganga niya. Masyado kasing madaldal.

 "Hay naku. Uso mag-move on teh! 'Wag kang mag-push and pull. Itinulak mo siya palayo at ngayon, gusto mong hilahin na naman sya pabalik." Sabi nya saka kumagat sa apple. Dapat sana sili na lang ang pinakain ko sa kanya para matahimik sya.

 "Tumigil ka kung gusto mo pang makakain mamaya." Sabi ko saka inilagay sa ref ang ilan sa mga pinamili ko.

 "Asus! Nasabi mo na sa 'kin 'yan dati nung kinukulit kita na magkwento tungkol sa nangyari. Pero pinakain mo pa rin ako. 'Di mo 'ko matiis eh. Parang sya, 'di mo rin matiis." Natatawa nyang sabi. Ba't ba ang mga kaibigan palaging naghahanap ng paraan para mainis ka?

 Hindi ko na lang pinansin yung sinabi nya. Nag-concentrate na lang ako sa pag-luluto. At nang matapos akong magluto, inihanda ko na 'yon para makakain kaming dalawa.

First Snow (Lay: One-shot) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon