Nique's POV
Nandito kami ngayon ni Celine my bestrfriend sa veranda para pag-usapan yung nangyare kanina. Tsk. Sa tagal ng panood ko sa bawat debut ng k-idols, ngayon lang ako sumeryoso habang nanonoood. Sino ba naman kasi ang di seseryoso kung yung ex mo eh mapapanood mo sa tv. At di lang yun, iniwan mo sya para sa kpop tas dun mo lang din pala sya makikita ulit. Grabe talaga magjoke si universe oh. Di ako matawa eh.
"Bessss, pano ba yan? Gusto kong mahalin yung EXO kaso nandun si Han"
"Gaga! Luhan na sya ngayon, ayan kasi iniwan iwan pa namomroblema ka tuloy"
"Luhan eh Han naman pangalan nun. Tsaka andaya, ako lang tumatawag ng Lulu sa kanya dati eh."
"Aba, di mo na sya pagmamay-ari ngayon no. Kaya magtiis ka jan dahil simula ngayon, marami ka ng kaagaw sa kanya."
"Ehhhhh! Akin lang si Lulu ko- ARAY NAMAN BES!"
Sakit ng pagbatok nya sa akin. :(
"HOY BALIW NA BABAE NA INIWAN ANG BOYFRIEND PARA SA KPOP, HINDI NA SAYO SI LUHAN KAYA MAGTIIS KA JAN. Kung di ka ba naman kasi isa't-kalahating tanga edi sana proud ka sa kanya ngayon kasi yung dapat na boyfriend mo eh isa ng idol ngayon na maraming taga-hanga."
"Proud naman ako kaso di ko lang talaga maiwasan na malungkot at manghinayang. Hayy. Ngayon na lang ulit nagsink-in sa akin lahat na sobrang tanga ko pala talaga at iniwan ko sya. Huhu. Edi sana maraming maiinggit kasi akin lang yung idol nila huhu bes akin na lang ulit si lulu my laaaabs"
"Baliw ka na talaga. Kung kailan sumikat tsaka mo hinahabol, eh dati halos araw-arawin ka niyan sa inyo para lang makipagbalikan pa ah tas gaganyan ganyan ka ngayon"
"Eh kasi naman bes ehhhh fine sige na susuportahan ko na lang sya"
"Ayan, magtiis ka. Tanga ka eh!"
"Sakit mo talaga magsalita. True friend"
...
Luhan's POV
Kakatapos lang ng performance namin at grabe di ko aakalain na ganon pala yung feeling kapag nagpeperform ka tapos kahit bago pa lang eh andami na agad yung humahanga sa inyo. Kaya pala ganito si Nique eh. Pero di pa rin mawawala yung sakit na dahil dito ay nagawa nya kong iwan noon.
"Lu-ge, ano na balak mo ngayon?"
"Di ko pa alam eh. Basta gusto ko nang seryosohin 'to. Okay naman ako kumanta at sumayaw dba?"
"Hahahahaha! Patawa ka ah. Sige na nga, oo na. Kawawa ka naman. Ako na nga lang fan mo eh."
"Che, kumain ka na nga lang dun. Baozi ka talaga."
"Sige, ge. Mauna na ko sa dorm natin."
Nagtitingin lang ako sa twitter ng updates tungkol kay Nique. Oo, baliw na talaga ako dun sa babaeng yun kasi kahit social networks eh gumawa ako para lang sa kanya. Nakakaselos kaya yung mga tweets nya kasi puro kpop pero okay na rin yun kasi simula nung nagbreak kami, wala pa siyang nagiging boyfriend ulit maliban dun sa Minho at Leeteuk na yun. Tsk. Kung di ko lang sila sunbaenim eh nasapok ko na sila pero joke lang yun kasi mababait silang lahat. Kaya siguro ako pinagpalit ni Nique.
"@niqueimnida: Dati ako lang nakakarinig ng pagkanta mo, nakakakita ng pagsayaw mo, natawag sayo ng luludeer pero ngayon andami ko ng kaagaw sayo. Hayy universe"
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES AND ONE SHOTS
FanfictionCompilation of my so called short stories and one shots. Slow updates.