FOL

20.2K 552 89
                                    


FACES OF LOVE
Version of RubyeGT


"Mare, okay ka lang?"

Nilingon ko ang bestfriend ko at nagpakawala ng isang pilit na ngiti, saka alanganing tumango. "Of course."

Totoo naman iyon. Masaya naman talaga ako. After ten years, heto ako at tinatahak ang pamilyar na daan patungo sa lugar kung saan ako lumaki at nagka-isip.

I was seventeen nang tanggapin ko ang alok sa akin ng kapatid ng Mama ko na mag-aral at manirahan sa ibang bansa. Hindi naging madali para sa akin na mag-adjust sa bagong environment doon, idagdag pa ang mga bagong taong nakapaligid sa akin,  ngunit sa kalaunan ay nasanay na rin ako. Parang hindi ko na nga matandaan ang pakiramdam noong huli akong tumapak sa lugar na ito.

Well... ayoko na rin namang alalahanin.

If I only have a choice.

"In fairness, Mare, lalo kang gumanda." nangingislap sa kasiyahan ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. "Naku, naku, naku, tingnan lang natin kung hindi lumuwa ang mga mata ni--"

"Kumusta pala si John? Bakit hindi mo isinama sa pagsundo sa akin?" agad na putol ko sa sasabihin sana niya.

Ayoko na ngang maalala 'di ba? Psh.

Mabilis namang tila nakalimutan ng kaibigan ko ang sariling tanong at naghugis puso ang mga mata nang mabanggit ko ang pangalan ng mapapangasawa niya.

Inlove na inlove, eh.

"Hay naku, gusto nga sanang sumama, kaya lang sabi ko ako na lang muna ang susundo sa'yo. Siyempre, na-miss naman kita, no. Ang tagal kaya nating 'di nagkita, puro video call lang... siyempre iba pa rin yung sa personal. Buti nga pumayag sina Tita na ako na lang ang susundo sa'yo, eh. Ikaw naman kasi, kung hindi pa 'ko ikakasal, wala ka pang balak bumalik dito." kunwa ay nagtatampong lumabi pa ito.

Alanganin akong ngumiti. "Alam mo naman 'yung reason, 'di ba?"

Ipinaikot nito ang mga mata at bumuntong-hininga. "Oo na. Pasalamat ka, cute 'yung reason mo." sagot nito bago matamis na ngumiti. "Kumusta na nga pala siya? Bakit kasi hindi mo pa isinama? Eh, 'di sana nagkita na kami in person, hindi 'yung puro sa screen lang."

"Next time." nakangiti kong sabi. "Excited na rin siyang makita ka, in person."

"Sinabi niya nga sa akin 'yan noong huli kaming nagka-usap." anitong abot-tainga rin ang ngiti. "Anyways, sa inyo ako matutulog, ha. Para naman makapag-bonding tayo ng matagal, bago man lang ako ikasal."

Inangatan ko siya ng isang kilay. "Pinayagan ka ba?"

"Nino?"

"Ng fiance mo, sino pa?"

Muli, ang gawi niyang pagpapaikot ng mga mata. "Bakit naman hindi niya ako papayagan, no? Ikakasal pa lang kami, hindi pa kami mag-asawa. Pwede pa nga akong umurong sa kasal namin kung gugustuhin ko!"

"Weh?" naka-angat pa rin ang isang kilay ko.

"Siyempre, joke lang, no!" sagot nitong may kasamang bungisngis.

"Luka-luka ka talaga." natatawang sabi ko.

"Ahmm..." unti-unting napalis ang ngiti nito. "Oo nga pala Mare, kinuha kasi ni John na isa sa mga groomsmen si..." tila nananantiya ang tingin sa akin. "...Raffy, okay lang naman 'di ba?"

Bahagya akong natigilan sa sinabi ng kaibigan ko, bago maya-maya ay pilit na ngumiti. "O-okay lang, no. Kasal n'yo naman 'yon."

Medyo inaasahan ko naman na talaga iyon. Alam kong magkaibigan ang mapapangasawa ni Gillian at si Rafael.

Faces of Love (Completed)Where stories live. Discover now