Chapter 4

36 3 0
                                    

Ella's Pov
 
 
 
Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Bumangon na ako at ginawa ang morning rituals ko then nagboy form na ako. Pati uniform na panglalaki syempre.
 
 
 
 
Paglabas ko wala pa si Luna. Kaya ako naman ang nagluto. Ang niluto ko na lang ay scrambled egg na hinalo sa sinangag na kanin. At nagtimpla na lang ako ng gatas namin ni Luna.
 
 
 
 
After that nagising na din si Luna.
 
 
 

"Ohayōgozaimasu [good morning]" bati ni Luna at naka boy form na din sya pati uniform.
 
 
 
 
"Ohayō, Luna [good morning, Luna]"sabi ko. Umupo na kami at kumain.
 
 
 
 
Ang uniform nila sa lalaki ay Black na slocks white longsleeves and black coat. Na sa may left chest part ay may logo ng academy.
 
 
 
 
 
Ang uniform naman ng babae ay red na may black linings skirt na 3inch above the knee tapos white longsleeves at black coat din.
 
 
 
 
Ganyan ang amin kase higher section kami.
  
 
 
 
After namin kumain ay lumabas na kami. At nagteleport sa may likod na part ng dorm ng mga lalaki saka kami naglakad papuntang main building. Kaya nagteleport eh kase baka may makakita pa samin na galing sa Lost Forest yun kasi ang pangalan nung forest sa likod ng academy.
 
 
 
 
Kaya sya pinangalanan na Lost Forest kasi sabi sabi sa academy na maraming mga creatures dun na mababangis at may mga lyrin daw dun. Ang Lyrin ay mga creature na parang tao din kaya lang may mga lyre na kayang makapaghypnotise ng mga tao. At sinasabing kinukuha daw ng mga lyrin ang mga pumupunta dito at iaalay sa pinuno nila o kukunin ang kaluluwa.
 
 
 
 
Pero lahat ng yun ay di totoo. Kasi ang Lost Forest ay may mga Lost Souls lang pero mababait sila napagtitripan lang nila ang ibang napasok dito kasi wala silang magawa. Dinadala lang nila ito sa ibang lugar kaya nawawala ung iba pero di naman nila sinasaktan. May mga magic user kasi dati na akala nila ay mababait pero sinira lang ang lost forest kaya mula noon ang Headmaster na lang ng Academy na ito ang pinapayagan nilang makapasok pati na din kami. Saka ung mga creatures sa loob ng Forest ay mga Fairies, Pixies, Mermaid kasi may lake at falls doon, wolves, foxes, gumiho, tigers, lions and phoenix. Pero mababait sila kapag kasi di mo alam ang totoong nangyari sa lugar na yun at naniniwala ka sa mga sabi sabi na nakalat tungkol sa Lost Forest ay di mo makikita ang totoong ganda nito.
  
 
 
 
Kasi ang makikita mo ay isang forest na napakadilim, may mga tuyong puno, lipana ang mga uwak at paniki tapos ung nilalakaran mo ay parang road to forever (kahit wala talagang forever).
 
 
 
 
Pero ang totoong itsura nito ay para syang grassland. Ang grass na nandito ay bermuda. Tapos lipana ang mga flowers at meron silang moon and sun. Tapos wala silang gabi. Meron din itong rainbow na di nawawala.
 
 
 
 
Sagana din ito sa mga gems na may powers, at iba pang herbal herbs na talagang mabisa. Nandito ang mga importanteng mga bulaklak na nakakagawa ng mga iba't ibang bagay.
 
 
 
 
So back to reality na tayo.
 
 
 
 
Habang naglalakad kami sa hallway papuntang room ay may mga naririnig kaming bulungan.
 
 
 
 
"Sino sila?"palaka 1
 
 
 
 
"Baka transferry?" Palaka 2. Walang common sense.
  
 
 
 
"Ay mga gwapo" sabi ni palaka 2. Oo alam naming gwapo kami.
 
 
 
 
"The reyna of bubuyog will make agaw them to us" conyo 1
 
 
 
 
"Yah I am mas beautiful kaya to kanya" conyo 2
 
 
 
 
"Magiging akin ang isa sa kanila" clown 1. Huwag na pre ihagis kita sa mars eh.
 
 
 
 
"Yah sistah, tapos akin ung isa" sabi ni Clown 2. Never in hell.
 
 
 
 
Napailing na lng kami ni Luna. Bahala kayo, mga walang magawa sa buhay. Dumeretso na lng kami sa classroom namin for the mean time. Kasi magiiba ang section namin after ng leveling which is later. Mabilis ba? Di naman, late na kasi kami dito ng 2 weeks kaya ganyan.
 
 
 
 
The Sections are divided into 4. The Class C or the Enhance Section. The Class B or the Inproved Section. The Class A which is the Mastered Section. And lastly the Class S the Elite, Star, Special or Ace Section.
 
 
 
 
Sa Class C napasok ung mga hindi pang offense ung ability or hindi pa enhance ung mga ability. Dito din napasok ung mga taong hindi pa alam ang ability nila. Sila ung mga madalas na nabubully ng mga taga Class B at ung ibang mga pasaway pero matatalino sa Class A.
 
 
 
 
Sa Class B naman napasok ung mga taong kaya ng kontrolin ung ability nila pero iisa or wala pa silang masyadong alam sa ability nila. Sila ung mga mayayabang at maldita. Lagi nilang binubully ang mga taga Class C pero pag lumipat na ang mga ito sa Class B ay minsan tinitigilan na nila.
 
 
 
 
Class A. Mostly sa kanila ay hindi lang magaling sa ability, ung iba matatalino din. Yung iba lang. Pero syempre nasa higher section sila so hindi maiiwasan ung mga bully, pabida, mayayabang pero walang maipagmamayabang at iba pang basagulero pero malalakas maghandle ng magic at marami rami na ding alam sa ability nila.
 
 
 
 
Lastly ang Class S. Sila ung mga royalties well bukod dun sa dalawang sinasabi ni mama at papa. Dahil di sila royalties pero kasali sila sa Class na ito so maaaring hindi lang isa ang bloodline nila. Back to the topic. Tinetrain nila ang royalties simula pa bata kaya ganyan. Pero di naman kasing higpit ng nasa telenobela ang mga magulang nila. Sila ung mga madalas pinapadala sa mission. Di rin sila basta basta nagpapakita at nakikipag-usap sa iba. Well paki-alam ko?
 
 
 
 
Sa sobrang daldal ko nakarating na tuloy kami sa pansamantalang classroom namin. Pagpasok namin ay napatingin silang lahat sa amin pero di namin sila pinansin at naglakad papunta sa mga silya sa likod. Umupo si Luna sa may bintana at sa tabi niya ako umupo. Mamaya pa namang mga 9:00 am ang leveling pero kailangan namin pumasok sa subject namin bago ito kahit nakakatamad talaga.
  
 
 
 
Nang magring ang bell ay saktong pumasok ang prof namin. Lalaki siya. Nilibot niya ang tingin at huminto sa amin. Tapos ngumiti siya. Creepy.
  
  
 
 
"Good Morning Prof. Martin" sabi ng mga kablockmates ko.
  
 
 
 
"Goodmorning. Have a seat. As you can see we have some transferries. Will you kindly introduce yourself infront?" Tanong ni Prof. Martin daw. No choice kami kundi tumayo at pumunta sa harap.
 
 
 
 
"Lune Angelus. Fire. Ice. Teleportation. Mind Reading. Illusion" tamad na tamad at cold na cold na sabi ni Luna.
  
 
 
 
"Ethan Angelus. Water. Electricity. Teleportation. Body Manipulation. Hypnotysm" sabi ko. With my cold voice.
 
 
 
 
Napatahimik naman ang lahat halatang natakot sa amin. Well mas marami pa kaming ability na di sinabi.
 
 
  
 
"O-Okay Mr. Lune and Mr. Ethan, y-you can g-go back to -your seats" sabi ni Prof. Tsk. Naglakad na lng kami pabalik ng upuan namin at tumingin na lng sa bintana. Hayst. Ang boring.
  
 
 
∽∽∽∽∽∽∽

Finished

Author's NOTE:
To all my reader (kung meron). Sorry po kung ngayon lng ulit ako nakapagupdate. Busy po kasi sa school dahil last Grading na at maraming kailangang ipasa at gawin. Pero babawi po ako baka po this Holy Week makapag-update po ako. Pero let's pray for God during Holy Week and let us appreciate all the things he did, do and will do to us. God Bless to all.

Thanks for reading.

Pls. Vote and comment. They are all highly appreciated.

Mention ko din po sila

KrizzyKeithLegaspi

gurljana

LadyInBlack_16

Thanks for the support at si

ashleybayot

gemjewelpatrice

Elites Academy: The Immortal TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon