5 - Impormasyon

20 7 9
                                    

Una nilang pupuntahan ang pingtatrabahuan ni Analiza Santos na isang lending company kung saan isang clerk ito. Kinausap namin ang manager ng kompanya at napag-alaman naming tahimik na tao si Anna. Hindi mahilig sumama sa mga grupong lakad ng ibang ka-opisina maliban sa mga lunch out tuwing sahod.

"Mahilig ba siya mag-overtime Sir?" biglang tanong ni Budz sa kaharap na lalaki na nagpakilalang manager ng kompanya.

"Minsan lang pero usually we do overtime a week before month end." sagot ng manager na si Mr. Buenaventura.

"Ayon dito sa record na binigay niyo sa amin, bandang alas otso nakalabas ng opisina si Analiza. Nakumpirma yan ng guard on duty dahil binati siya ni Anna pagkalabas nito." wika ni Max na tinanguan ng manager.

"At hindi na siya nakita uli pagkatapos ng gabing 'yon." dugtong ni Budz

"Magkasunod silang umuwi ni Myrna Gomez that night. Ilang minuto lang ang pagitan ng paglabas nila." saad ng manager sa dalawang pulis.

"Pwede ba naming makausap itong Myrna Gomez na sinasabi niyo?" tanong ni Max

"Sige. I'll ask her to join you here in the conference room." saka tumayo at lumabas ang manager at naiwan sina Max at Budz habang pinag-aaralan ang daily time record na binigay sa kanila.

Ilang saglit lang ay may pumasok na may katabaang babae. Nasa late twenties ang tantiya ni Max sa edad nito base sa hitsura nito. Kasunod nito ang manager na tahimik lang na naupo sa pwesto nito kanina.

''Ako po si Myrna Gomez.'' wika nito pagkaupo sa silyang tinuro ni Max sa harap nito.

''Pwede mo bang ikwento sa amin ang huling pagkikita niyo ni Analiza Santos?'' si Budz na nakatuon ang atensiyon sa babaeng kaharap.

''Sabay kaming nag overtime nang gabing 'yon. Magkasunod kaming lumabas ng opisina.'' simula ni Myrna.

''Ate Myrn, di ka pa ba uuwi?'' tanong ni Anna sa kasamahang si Myrna na kasalukuyang abala sa pagtipa ng keyboard ng kaharap na computer.

Ilang araw nalang ay deadline na ng month end report nila sa kompanyang pinapasukan.

''Malapit na akong matapos, Ann pero kung tapos ka na pwede ka nang mauna. Baka nag-aalala na ang nanay mo't hindi ka pa nakakauwi.'' sagot ni Myrna sa dalaga.

''Okay ka lang ba dito mag-isa, 'Te?'' tanong ni Anna sa kasama.

''Ako pa! Okay lang ako. Sige na mauna ka na. Patapos na din ako dito. Ingat ka ha.'' bilin nito sa kaniya.

''Ikaw din 'te. Ingat sa pag-uwi. Mauna na po ako.'' paalam ni Anna sa kasamahan bago tuluyang tinungo ang pinto ng opisina at tuloy-tuloy nang lumabas.

''Mga ilang minuto lang mula nang makaalis si Anna nang matapos ko 'yong ginagawa kong report at magpasya akong umuwi. Sa harap lang ng entrance ako nag-abang ng masasakyang taxi pauwi dahil wala ako kasama at gabi na. Pasakay na ako ng taxi nung mapansin ko si Anna sa may kanto.'' dugtong ni Myrna.

''Ituloy mo lang ang kwento.'' wikang utos ni Budz na matamang nakatitig sa babae.

''Nung una hindi ko siya nakilala kasi nakatalikod siya pero nung may humintong itim na kotse at sumakay siya, dun ko na nakita 'yong mukha niya. Sigurado akong si Anna 'yon.''

''Itim na kotse? Hindi mo ba natatandaan ang plate number ng sasakyan?'' tanong ni Max na napukaw pa lalo sa mga impormasyong narinig.

Lumobo na ang hinala nilang kilala ni Anna ang may-ari ng kotse kung ganung kusa itong sumakay sa sasakyang 'yon.

''Hindi ko binigyang pansin ang plate number ng kotse kasi naisip ko na baka boyfriend 'yon ni Anna na sumundo lang sa kaniya. Tinted 'yong glass ng kotse kaya hindi ko makita kung sino 'yong may dala ng kotse.''

''Madalas bang may sumusundo sa kaniya dito o may nabanggit ba siyang may boyfriend siya?'' dagdag na tanong ni Budz.

''Tahimik na tao si Anna. Sa tinagal naming magkasama mulat nang ma-hire siya ay wala naman siyang naikwento pero ang alam ko marami ang nanliligaw. First time ko din nakita 'yong kotse na sumundo sa kaniya nung araw na 'yon.''

''Maraming salamat sayo Ms. Gomez. Malaking tulong na 'yong mga impormasyong binigay n'yo. Sana mahanap namin si Analiza Santos sa lalong madaling panahon.'' pasalamat ni Max sa babae na ginawaran ng isang mapang-unawang ngiti.

''Sana walang masamang nangyari kay Anna. Sobrang bait ng batang 'yon.'' malungkot na wika ni Myrna.

''Sana nga po. Sana okay lang siya kung nasaan man siya ngayon.'' usal ni Max na kita ang lungkot sa mukha.

''Pwede na po kayong bumalik sa trabaho niyo, Ms. Gomez. Maraming salamat sa mga ibinahagi mo sa amin.'' wika ni Budz sabay abot ng kamay kay Myrna na sinundan ni Max.

''Walang anuman po Sir basta makakatulong sa kaso ni Anna.'' wika ng babae bago lisanin ang silid.

''Maraming salamat, Mr. Buenaventura. Malaki ang maitutulong ng salaysay ni Ms. Gomez.'' pasalamat ni Max sa kaharap na manager.

''Anything, basta makakatulong sa kaso ni Analiza. She's a good employee at nalulungkot kami sa pagkawala niya.''

''Mauuna na kami, Sir. Maraming salamat ulit.'' paalam ni Budz kasabay ng pakikipagkamay sa lalaki na ginawa din ni Max bago sila sabay na lumabas ng conference room.

Pagkalabas nila ng building na 'yon ay minabuti nilang iconfirm sa guard na nakaduty sa entrance ang tungkol sa itim na kotse sa pag-asang baka may maidagdag pa itong impormasyon. Ayon dito ay hindi pa niya nakitang may sumundo kay Anna sa opisina. Nagtataxi ito pauwi o di kaya ay sumasabay sa isang ka-opisinang may sasakyan.

Pero hindi niya napansin 'yong sinabi ni  Myrna Gomez na itim na sasakyang di umano'y sinakyan ni Anna nung gabing  huli itong makita.

''Opps! I'm sorry. . .'' paghingi ng paumanhin ng lalaking nakabangga kay Max habang papasok ito ng pintong nilabasan nila.

Napahawak si Max sa nasaktang balikat.

''I'm really sorry, Miss. Nasaktan ba kita?'' paghingi ulit nito ng paumanhin kasabay ng pag-angat ni Max ng kanyang paningin.

Isang pares ng kulay abong mga mata ang sumalubong kay Max.

Mga matang nakatitig sa kagandahang nakalatag sa kaniyang harapan na animo'y nilalasap ang bawat himaymay nito.

Pagbaling ni Max sa di kalayuan ay tumambad sa kaniya ang nakaparadang itim na sasakyan.

May gumapang na kilabot sa kaniyang katawan na nagbigay ng kakaibang kaba sa kanyang dibdib.

                        🚔🚔🚔🚔🚔🚔🚔
Yay! Nakaupdate din sa wakas. Pagpasensiyahan niyo na itong handog kong update sa inyo. Medyo maikli lang pero susubukan kong bumawi sa susunod.

Siya na ba 'yong hinahanap na salarin?

Matunton kaya nila si Anna at ang ibang mga babae?

Mas intense ang next update promise!

Huwag kalimutang iboto at sana'y mabasa ko ang mga komento niyo.

Mwaaah!

Ate Bel

Casanova's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon