On This Day by Cristina Aller

25 3 1
                                    

     

 

 

     Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon nalang kahalaga kay Mark ang mga kaibigan n'ya para mas bigyan n'ya ng oras ang mga ito kesa saken! Lalong lalo na yung kaibigan nilang babae na dating girlfriend ni Mark- si Lucy...naiinis ako dahil lagi ko nalang nahuhuli si Mark na kausap ang babaeng yun sa cellphone.

Nag-aalala ako...o nagseselos dahil sa katunayan, hindi naman ako kagandahan at hindi din nanman ako ka sexyhan di tulad ni Lucy na parang Dyosa sa ganda. Kaya nga nakakalungkot, ihahanda ko nalang ang sarili ko kung sakaling may magawa man s'yang mali.

Dalawang taon ko nang boyfriend si Mark at ngayon ko lang s'ya nakitang gan'to...wala na s'yang masyadong oras saken, puro nalang sa mga kaibigan n'ya at kay Lucy.Alam ko yun kase nababasa ko naman sa cellphone n'ya na nagkikita sila.Sa ngayon, ayoko munang umimik,ayokong mag away kami, oo nasasaktan ako pero kelangan ko muna 'to tiisin hanggang sa malaman ko kung ano ba talaga ang totoo.

 One time, papunta ako sa condo unit ni Mark para dalhan s'ya ng snack ,pero sarado ito kaya naman pumunta ako sa rooftop dahil alam kong dun s'ya nagmumuni muni palage.

Pero para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko ,mas kausap s'ya sa cellphone at narinig ko:

"Pare sigurado ka na ba talaga d'yan sa desisyon mo?"

sagot ni mark, "oo hindi ko na kasi talaga kayang gan'to nalang kami palage, ang sabi sa'kin ni Lucy, mas mabuti na daw itong gawin."

 

"a sige pre tulungan ka namin sa plano mo, kelan ba yan?"

 

Mark: "sa reunion natin pre,sasabihin ko na sa kanya para matapos na 'tong isipin ko kay Rhea."

 

Dali dali akong bumaba ng hagdan dahil di ko nakayanan,sobrang sakit talaga para sa'kin na may balak pala s'yang ganun, at sa reunion pa talaga ha! at kasama ang mga kaibigan n'ya at si Lucy...;-(

 

3 araw mula ngayon ang reunion namin ng college batchmates namin. At sa 3 araw na 'yon, wala akong ginawa kundi ang umiyak nang umiyak.Hindi ko kayang i-contact si Mark dahil wala akong masabi.

pero kahit ganoon, pinaghandaan ko ang reunion,kakayanin ko 'to kahit pa alam ko ang mangyayari doon.Tatanggapin ko nalang basta masaya s'ya.

 

SA PARTY(reunion):

 

   Down na down ako kaya naupo nalang ako sa isang sulok habang umiinom ng red wine...iniisip ko kung ano kayang pagdidisguise ko ng reaksyon ko ang pinakamagandang gawin para kahit papaano, hindi ako masyado magmukhang tanga sa mata ni Mark,Lucy at mga kaibigan nila...

 

Maya-maya,nakita ko si Mark na papalapi saken at nakita ko ang reaksyon ng mga kaibigan n'ya at ni Lucy, puro sila nakangiti.Pinanghihinaan ako ng loob dahil heto na ang inaasahan kong masamang mangyayari,pinagkaisahan nila ako...at kami ni Mark ngayong gabi ay maghihiwalay na.:-(

 

Naiiyak na ako pero tiniis kong h"wag tumulo ito kaya naman nakayuko lang ako.

 

"Rhea,I'm so sorry kung mabibigla kita,pero ayoko na na maging gan'to tayo...sana pumayag ka..."

Nakita kong may inilabas s'yang maliitna box sa kanyang coat...naguguluhan ako pero...

 

"Rhea,mahal na mahal kita,at gusto kitang makasama habang buhay...will you marry me?"

 

Hindi ako nakasagot kaagad sa sobrang pagkagulat...

 

"Salamat kina Philip ,tinulungan nila ako sa lahat ng paghahanda sa pagpopropose ko sayo, at humingi din ako kay Lucy ng advice para dito."

 

At nagsimula nang itugtog ang kantang On This Day...namalayan ko nalang na umiiyak na pala ako sa sobrang kaligayahan...bigla ko s'yang niyakap at sinabing...

 

"Oo pakakasalan kita."

 

 

 

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

On This Day by Cristina AllerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon