Chapter 12...

104 6 1
                                    

Jaymin POV

"jaymin!" lumingon ako para tingnan kung sino yung tumawag sakin at ng makita ko kung sino yun agad kong inayos yung sarili ko tsaka mahirap na no! baka maturn off XD

"Clarence bakit?" oo si Clarence yung tumawag sakin hihihi

"a-ano sabay na tayong pumasok" totoo ba yung narinig ko? waahh!! agad akong umiwas ng tingin sa kanya tsaka tumango baka kasi namumula ako

"s-sige" nagsimula na kaming naglakad pero mukang mas masaya kung Holding Hands While Walking no? haha

palakpakan! dahil nangingibabaw ang katahimikan!

ako na unang nagsalita "ahm..Clarence pwede magtanong?"

"nagtatanong ka na" sya sabay tawa ng mahina.Sabi ko nga e nagtatanong na ko e

"ano bang itatanong mo?" hindi naman siguro masama yung itatanong ko no?

"ah wag na lang" hindi ko kayang itanong...baka kasi masaktan lang ako sa maririnig ko

"itanong mo na..wag ka nang mahiya" ihahanda ko na yung sarili ko

"ahm..nagka girlfriend ka na ba?" napahinto naman sya sa tanong ko at tumingin sya sa baba..

"aish! sabi na e! dapat di ko na tinanong yun!" sabi ko tumingin naman sya sakin nakita ko yung mata nya na parang anong oras lang may babagsak ng luha..bakit? nagulat ako ng magsalita sya..

"oo..my first girlfriend" sabi na e dapat hindi ko na tinanong e! masasaktan lang ako! at first pa!

Feeling ko nabagsakan ako ng langit at lupa sa sagot nya..

"a-ano tara na baka malate pa tayo" iniba ko na yung usapan ang awkward e hehe.Ngumiti lang sya bilang sagot ako naman ngumiti din sa kanya..a faked smile

Kasabay lang naming pumasok si Sir buti na nga lang at nakaabot pa kami..yung mga kaibigan namin nandun na rin

Umupo na ko at ang iingay nanaman po nila promise!

'kasi~margarette pakopya na pls..'

'manahimik ka nga dyan ken! mag aaral ka kasi ng hindi ka nangongopya! at wag ka ngang nagpapacute! kinikilabutan ako e!'

'sino ba kasing nagsabing nagpapacute ako! ayiee~aminin~ nacucutan ka sakin no? amin amin din~'

'yuck! mahiya ka nga sa sarili mo!'

At tuloy tuloy pa rin po sila sa bangayan nila wala nga silang pakielam sa guro na nasa harap at kanina pa sila sinasaway tss..ang sweet nila no? ang sweet nila magbangayan! hahah

Hindi ko maiwasan na magtaka kung bakit nung tinanong ko sya kung bakit parang maiiyak na sya..mahal nya pa kaya yung ex gf nya? iyan lang ang iniisip ko buong klase hanggang sa mag lunch na

Lunchbreak...

Kumakain na kami--sila lang pala wala pa kong balak galawin yung pagkain ko e hehe

sino kaya yung ex gf nya?? "jaymin" may pag asa pa ba ko sakanya? "kim jaymin!" aishh! bakit ko ba kasi iniisip yun!? sasakit lang ang--" KIM JAYMIN SANTIAGO!" o_o

"ay putspa!" gulat na sabi ko

"bakit ka ba lutang ngayon?" tanong ni Claire sakin

"lutang? nako hindi ako lutang!" mabilis kong sagot

"talaga? e bakit tatlong beses na kitang tinawag e tulala ka pa rin?" bakit nga ba? napatingin naman ako kay Clarence..nakatulala sya at nakatingin sa kawalan problema nito?

"kumain na lang tayo" sabi ko

"kumakain na kami ikaw na lang ang hindi pa" sabi ni Zeke

Clarence POV

Naalala ko nanaman sya..masaya na kaya sya ngayon sa lalaking yon?

tss..bakit ko pa ba sya iniisip? hiwalay na kayo Clarence! hindi ka na nya mahal! sya na mismo ang nakipaghiwalay sayo!

Natigilan lang ako sa pag iisip ng may sumiko sakin

"bakit?" tanong ko kay Lance

"iniisip mo nanaman ba sya?" natigilan ako sa sinabi nya..pano nya nalaman?

"hi-hindi" deny ko..

"kilala kita Clarence..ng maghiwalay kayo lagi mo syang iniisip nun..katulad ngayon,ganyan ka nanaman..hindi ka parin ba nakakamove on?" hindi pa nga ba ako nakaka move on? sa tingin ko

hindi pa nga...

~~~

A/N: hala!! pano si jaymin?!

kayo guys?! ano masasabi nyo?

vote or comment po!!

gomawo!!

My Dream BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon