chapter 9...

121 7 0
                                    

Jaymin POV

"nasan na ba kasi sila?" kanina pa ko paikot ikot dito pero hindi ko parin sila makita.Humanda talaga sila sakin pag nakita ko sila arrghh!!

takbo na ko ng takbo dito mahanap ko lang sila.Nasan na ba kasi yung mga yun? narandamYman ko na lang na nag vibrate yung cp ko sa bulsa ko..may tumatawag sasagutin ko na sana ng

BOGSH

aray! masakit yun promise!

"ahh miss ok ka lang?" titignan ko na sana yung mukha nya ng may biglang

BOGSH

agad akong napadilat ng may parang biglang bumagsak na gamit tinignan ko naman yun at o_o

"a-anong ginagawa NYO dito?!" sigaw ko sa kanila

"a-ano k-kasi...hmmm..tanong mo sa kanya" sabay turo ni Ken kay Clarence?..opo,nandito po ang BTS at sila chrislene tsaka si best

"teka nga lang!pano nyo nalaman kung saan ako nakatira? hindi ko naman sinabi sa inyo yun huh? stalker ko ba kayo?" pagbigyan nyo na ko nag aasume lang heheh..

"you wish..."rinig kong bulong ni Ken..narinig naman yon ni Margarette kaya binatukan sya nito actually pati ako narinig ko

"manahimik ka na lang nga!" bulong nito kay Ken inirapan naman sya ni Ken..yung totoo,mas magaling pa to mang irap kaysa sakin ha!

nagsalita naman si Clarence " gusto daw kasi nila kasama ka" ay ganon? sya ba? ayaw nya kong kasama? tss

nagulat naman ako sa bigla nilang pagsasalita maliban kay Clarence "anong kami? ikaw kaya ang may pakana nito!" putcha! check nyo nga ako baka namumula na ko ngayon

"tss oo na!" putcha! pwede na ba akong tumalon talon dito sa kama ng dahil sa kilig! kyaahh!!

"o sige na nga!sasama nako sa inyo! hintayin nyo na lang ako sa baba" sabi ko sa kanila

"kyaahh! geh bilian mo ha! huwag mong tularan si margarette na halos 3 oras na nag aayos! hahahh" sinamaan naman sya ng tingin ni margarette

"sige na guys baba na kayo" bumaba naman sila at ako naman nag ayos na pagkatapos ko bumaba na rin ako naabutan ko nalan sila na nagtatawanan sa baba na..kausap si mommy? wow! close agad sila?

"oh! Jaymin nandyan ka na pala?!" sabi ni Clarence

'ay hindi! picture ko lang sa instagram tong nakikita mo!' gusto ko sana yang sabihin sa kanya e pero nakakaturn off naman yun diba?

"ah aalis na ba tayo?" tanong ko

"oo tara na?" sagot ni chrislene

"geh"

"ma alis na po kami" paalam ko

"ok..mag iingat kayo ha!"

pagdating namin sa Mall..

"Waahhh!! MOA! MOA!"  Margarette...bata lang ang peg?

"putcha! manahimik ka nga margarette! nakakarindi na!" asar na sabi ni Ken kay Margarette na mas lalo pang nilakasan ang sigaw at nagtatalon pa sa harap ni Ken..haha.. Perfect Couple ha? (smirked)

Nagpasukan na kami sa Mall at take note ha! sari sariling bili wala man lang nanlilibre tss.. yung iba humihiwalay na hanggang sa ako at si Clarence na lang ang natira..wew~.. hahah

"a-ano.. geh una na ko" sabi ko hindi man lang nya ko pipigilan..ka sad naman.. :(

Matagal tagal narin akong naglalakad dito sa Mall..wala naman akong ginagawa e.. text ko na nga sila kung uuwi na..kinuha ko yung cp ko sa bag at tinext si Chrislene..

'hoy! nasan na kayo? uuwi na ba?'

makaraan ang ilang minuto pero wala parin akong natatanggap na txt galing kay Chrislene

kaya napag desisyonan ko na hanapin na lang sila..

"nasan na ba kasi sila?" kanina pa ko paikot ikot dito pero hindi ko parin sila makita.Humanda talaga sila sakin pag nakita ko sila arrghh!!

takbo na ko ng takbo dito mahanap ko lang sila.Nasan na ba kasi yung mga yun? narandaman ko na lang na nag vibrate yung cp ko sa bulsa ko..may tumatawag sasagutin ko na sana ng

BOGSH

aray! masakit yun promise!

"ahh miss ok ka lang?" nung tumingala ako..putspa! bakit may Anghel dito? nasa langit na po ba ako? GOSHH!! ang gwafu!! >o< pero parang ganto rin yung nangyari sa panaginip ko..

"ahh..miss ok ka lang ba? miss?" nabalik lang ako sa realidad ng magtanong sya ulit..it's his fault! ang gwafu kasi nya! napapatulala tuloy ako (landi mo! nagtataksil ka kay Clarence!) pssh!

"a-ano..oo okay naman ako.." hehe

"ok..sorry nga pala..?"ay hindi papala ako kilala nito

"Jaymin.." sagot ko

"sorry Jaymin..ako nga pala si Steven.." pakilala nya

"ahh ok St---" hindi ko naituloy yung sasabihin ko ng may biglang humawak sa kamay ko sabay sabing..

"Babe,let's go they are waiting for us" o_o boom! >_<

~~~

My Dream BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon