Chapter I

153 7 1
                                    

Chapter1

-


"Ash, gumising ka na! ikaw na babae ka alam mo namang ngayon ang unang araw ng pasukan niyo" sabi ni mama at inalog alog ang kama ko. "5minutes pa" pakiusap ko at tinakpan ng unan yung mukha inaantok pa kase talaga ako.


"Bahala ka jan. Hindi kita sosoportahan sa pagpunta mong Korea!" pagalit sabi ni mama at dali dali akong napabangon at tiningnan siya ng masama.


"Biro lang, kaya maligo ka na" sabi ni mama ng natatawa at lumabas na ng kuwarto ko. nakalimutan ko kaseng i lock yung pinto. ayoko kase ng basta basta na lang pumapasok.. No choice nagising na ako dahil dun kaya naligo na ako. tapos after ilang minutes nagbihis na ng uniform at kinuha yung bag ko. dali-dali akong bumaba para kumain..


"Mama si Oppa?" sabi ko at umupo na sa upuan para kumain "Tigil-tigilan mo nga yang pag sasalita mo ng Korean hindi ka naman Korean" sabi ni mama at kumuha ng tubig. Kumuha ako ng baso at naglagay ng tubig doon.


"Magiging Korean naman ako eh" lagi kong dahilan kapag sinusuway niya ako. Sinubo ka na yung nasa kutsara ko at pinagpatuloy ang pagkain.


"Nandun pa sa kwarto niya, Ginising ko kanina ayaw niya pa." sabi naman sakin ni mama. teka natutulog pa? himala! kase tuwing umaga nauuna siya saking gumising at pagkagising ko. tapos na siya as in lahat. maaga yun si kuya.


"May sakit ba siya?" nag-aalala kong tanong kay mama kase naman siya eh. naku! nung last time na magkasakit ako. hindi siya pumasok para bantayan ako. diba ang bait ng kuya/oppa ko. binantayan niya lang ako buong araw hanggang sa mawala ang sakit ko.


"Oo, may sakit" sabi sakin ni mama at dali-dali akong umakyat ulit at pumasok sa kuwarto niya.


"Kuya. may sakit ka? gusto mong bantayan na lang kita? kahit di na ako pumasok ngayon kase first day naman" sabi ko at umupo sa may upuan malapit sa kama niya. may upuan kase dito eh.


"Wag na first day mo yun, Kaya pumasok ka na" sabi ni kuya at tinaboy ako. "paano ka?". hinawakan ko yung leeg niya at shocks. napalayo ako bigla grabe ang init niya.. tumakbo ako sa labas at bumaba para kumuha ng planggana. at towel. kahit na malate ako okay lang kahit first day pa lang. nilublob ko sa tubig yung towel at piniga.


"Kuya uuwi ako ng maaga para bantayan ka sorry kung hindi ako magse-stay dito may pasok pa kasi eh. eh ayaw mo naman akong umabsent" sabi ko sa kanya at nilagay ko na sa noo niya yung towel. tapos lumabas na ng kuwarto niya. bumaba na ako at lumabas ng bahay para makapunta na ng school.


--x

"You're 30 Minutes late " sabi ni Prof. sakin hindi pala sabi sigaw sakin. ang ingay talaga ni Prof. parang nakalunok ng megaphone. umupo na ako sa may bakanteng upuan sa gilid. 


"Class. we have a new students" sabi ni Prof. kaya naman napatigil kami sa pagsusulat. oo nagsusulat kami ng schedule. Ngayon lang din pumasok yung new students. Ano to pa vip?!


"Come in" sabi ni Prof. at nung pumasok yung new student napatakip ako ng tenga dahil yung mga kaklase ko nagsisigawan. My precious ears. huhuh


Tiningnan ko yung unang new student si Jungkook lang pala.. --- wait. Jungkook? tiningnan ko siya mula ulo mukhang paa este-- mula ulo hanggang paa.  Weh?! di nga si Jungkook ? tiningnan ko ulit siya. tapos tiningnan ko din itong notebook ko. kase sa notebook ko may picture niya. Oo nga siya nga. wait lahat sila may picture sa notebook ko. Seryoso ba to!! Walang biro?!


"You may sit beside Ms. Choi" sigaw ng teacher ko sa new student. sino pa ba si Jungkook kase yung naunang pumasok. lumingon ako kung sino pa ang Choi ang apilido dito.. wala edi ibig sabihin ako.. tumingin naman siya sakin este sa direksiyon ko at naglakad na eto. napansin kong nakatingin sakin yung mga classmate ko.


Inggit kayo?, Ang swerte ko. Ang pinakagwapong maknae ang nasa tabi ko! Inayos ko ng mabilisan ang buhok at ang sarili ko. Whoo. breathe in breathe out! Hindi ko napansing nakatulala lang ako sa kanya.


"Staring is rude" sabi niya at inirapan ako. wait kinausap niya ako?! Ako ba talaga kinakausap mo? "Ahm. Ako ba kausap mo?" sabi ko sabay turo pa sa sarili ko. "Tssssss" tanging sagot niya. Napangiti ako kahit na ganun dahil kinausap niya ako.


Napansin kong Walang tao sa kaliwa likod at iba lang pwesto malapit saakin, Alam kong dito uupo ang ibang new students pero may isang pwesto rin na malayo saakin. Nakita kong umupo si Jimin sa harap ko kaya napaayos ako ng upo.


Napakaswerte ko at si Jimin ang nasa harap ko at katabi ko sa kaliwa si V
at ang iba ay malapit saakin, Nalalayo si Suga saakin, Ang cold niya pala talaga tingnan. Minsan lang ngumiti gaya ni Jungkook ngayon, "Tsssss" rinig kong sabi ni Jungkook kaya pinagpatuloy ko ang sinusulat kong schedule.


Nagbell na. ibig sabihin tapos na ang unang araw ng klase, Half day lang at late pa ako ng 30 mins, Hindi ko napansin ang paglipas ng oras. Haayy


Nahulog yung notebook ko pupulutin ko na sana nang makita ko ang isang kamay na pumulot din doon, Tiningnan ko ang mukha kung sino. "J-Jimin" nauutal kong sabi ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.


"Notebook mo" inabot niya sakin yung dalawang notebooks tapos nilagay ko na yung gamit ko sa bag, Ang saya ng first day, Umalis na si Jimin at ang naiwan na lang dito ay ako at si Jungkook. Tiningnan ko siya at nakita kong umiling iling lang. Kaklase ko si Jungkook, Jimin, V at Suga at ang tatlong sina J-Hope, Rapmon, Jin ay hindi ko alam kung nasan.


Ako nga pala si Princess Ashlene Choi at ayokong tatawagin akong Princess. Kuya ko lang ang pwedeng tumawag saakin ng ganon o kaya ang mga kaclose ko. Naglalakad ako papauwi na ng bahay namin nang biglang may dumaan na isang magandang kotse sa harapan ko at tumigil.


"Gusto mo makisabay?!" alok ni Jhope pero agad ko siyang tinanggihan. "hindi na jan lang naman yung bahay namin" sabi ko at nagturo ng bahay kung saan-saan


"Wag ka ng tumanggi" sabi ni V. Hinila niya ako at pinaupo sa gitna nilang dalawa ni Jungkook. "Saan ba yung bahay mo?" tanong nung nagdadrive. Kaya sinabi ko na yung address. Nagulat ako at sa biglang pagpreno kaya nalapunta ako sa harap. Pero mabuti na lang hinawakan ako ni V.
"Ah. thanks" ngumiti lang siya.


Matapos ang ilang minuto nakarating na din ako. Nagpasalamat ako sa kanilang lahat kaya lang si Jungkook wala man lang pakialam. Sisiguraduhin ko magiging mabait ka rin sakin Jungkook. Sinarado ko na yung pinto at nagwave sa kanila.



--○--○--○--○--○--○--○--

Mr. Seatmate ft. JungkookWhere stories live. Discover now