Chapter 1: Move on
1 year later
Athalia
Nandito ako sa supermarket para bumili ng aking mga personal na pangangailangan. Kumuha ako ng cart para ilagay doon ang mga bagay na bibilhin ko.
Nag simula ako sa pagkain. Wala na kasing laman yung mini ref. ko sa kwarto dahil nauubos ko palagi kapag gabi. Kumuha ako ng maraming chips, chocolates, at softdrinks. Naapdaan sa mga liquor. Napaisip ako na kumuha ng sampung beers, dalawang hard liquor at Isang wine.
I'm 19 years old now kaya pwede na ako.
Kumuha ako ng dalawang plastic of tissues and two pads of napkins, palabas na ako ng section na iyon ng napadaan ako sa mag kasintahan na mukhang grade 6 palang. Medyo lumapit ako sa kanila at kunwaring may bibilhin.
"Bebe ko pag nag kaanak tayo anong gusto mong diaper ang ipagamit mo sakanya?" Tanong nung babae na kinagulat ko.
What the heck. Seryoso ka bang Bata ka sa sinasabi mo?!
"EQ dry ang gusto ko Bebe." Seryoso kapa talaga kuya dyan ah? EQ dry ang potek.
"Bebe gusto ko Pampers ang gamitin niya." Wika nung babae sabay yakap sa braso ng kasintahan niya.
Punyeta itong Bata na ito diaper agad iniisip, e mukhang hindi pa nire-regla. Napkin muna, bago diaper oy!
Bago ako umalis doon ay nag parinig ako na "walang forever!" Well I don't care kung anong sasabihin nila, I'm just stating the fact her so nothing is wrong.
Napadaan ako sa milk section. Habang namimili ako ay napansin kong puro mag kasintahan ang mga bumibili. Yung isa ay namimili ng gatas kasama ang kanyang asawa na buntis. Yung isa naman ay Isang pamilya, ang mommy, daddy at ang kanilang anak na namimili ng gatas na gusto niyang inumin. At ang huli kong nakita ay ang dalawang matanda at ang caring nila sa isa't isa habang pumipili ng kanilang gatas.
Seriously? Araw ba ng mga may lovelife ngayon?
Umalis na lamang ako doon at pumila sa counter. 6:00 pm na pala kaya medyo madilim na. Halos sampung minuto din ako nag hintay dahil sa haba ng pila. Pag katapos ay umuwi na agad ako.
Pag dating ko sa bahay ay sinalubong ako ni Yaya na nanonood ng K-drama. Nagulat siya sa dala ko at agad niya akong tinulungan.
"Athalia naman dapat sinabi mo sa akin na mamimili ka, Sana sinamahan kita." Aniya habang nilalapag sa mesa ang aking mga binili.
"Nako Yaya baka kase maabala ka pa sa panonood ng K-drama, kilig na kilig ka nga e." Natatawang tugon ko. Si Yaya kase 25 years old palang kaya medyo nag kakasundo kame kase bata pa. Mahilig kase yang si Yaya sa mga Koreano, mag pupuyat siya para makapanood lang ng K-drama.
Sinubukan niya akong impluwensyahan pero hindi ako ganoon na adik. Oo gwapo sila pero hindi ako naadik sa kanila. Tanda ko noon madalas kapag may mga concert or fan meeting dito sa Manila, complete attendance ata si Yaya. Humiga muna ako sandali sa tabi niya at naki nood.
Goblin pala pinapanood nito.
Nasa scene na kung saan ay nasa rooftop silang apat, hindi ko kilala yung pangalan ng babae at yung matanda na mukhang multo at kontrabida.
Umiiyak ang babae dahil hinugot nung goblin ang espada Mula sa kanyang katawan upang paslangin ang matanda na mukha multo, nag laho naman ito na parang abo. Pag kawala ay bumagsak ang goblin, buti nalang ay nasalo siya nung babae.
Nag taka naman ako, bakit ba ito umiyak? Sino ba iniiyakan nito?
Tatanungin ko sana si Yaya pero nagulat ako na humahagulgol ito sa pag iyak. At halatang nadadala ito sa pinapanood.
YOU ARE READING
After Life
FantasyDeath. The end of the life of a person. Paano masasabing patay ang isang tao kung buhay ang katawan? Tutuldok na lamang ba ang katapusan ng buhay sa pag kamatay? Death overpowers Love. *** Author's Note. Before you read this I would like to remind...