Chapter 2: Goodbye
Athalia
Papunta na ako sa Ravery University sa aking eskwelahan and I am 1st year Tourism college student. Pag dating ko sa school ay nakita ko sina Aina at Imhelda na sabay na nag lalakad papasok sa school. Nag paalam ako kay Kuya Dran—ang aming driver, na papasok na ako. Hinabol ko silang dalawang at inakbayan ng makalapit na ako.
"Uy Thalia!" Bati ni Aina. Si Aina ang pinaka matanda sa aming tatlo, medyo Morena ito pero matangkad. Sa aming tatlo siya na ang nilamon ng sistemang K-POP.
"Annyeong Hasaeyo, Athalia" Ani niya at nag bow pa, ito naman si Imhelda. Pang matanda man ang pangalan pero siya ang pinaka Bata sa amin. Medyo matangkad pero mas matangkad padin ako. Kung si Aina nilamon ng KPOP eto naman nilamon ng Kultura ng Korean.
Ako? Well maganda lang namam ako. Psh small things. Mahilig mag basa ng libro at in love sa mga taong hindi nabubuhay sa reality. Sa gitna ng pag uusap namin biglang humangin ng malakas. Dahilan para mapuwing kame, 'di kalayuan ay nakita ko ang babaeng sobrang pamilyar sakin. Ang tinuring naming kaibigan. Si Koleen Nag lalakad siya patungo sa direksyon namin kasama ang mga aliporea niya.
"Parating na ang demonyita." Ani Aina.
"Oh! Aina, Imhelda and my dearest friend, Athalia." Ngumiti siya sa akin, isang devil smile.
"How are you, Aina?" Tanong nito.
"Maganda padin." Sagot naman ni Aina.
"Hahaha! Pati mata mo din ba maitim na? Hahahaha!" Pang aasar nito. Ngumiti naman si Aina bago niya sinagot si Koleen.
"Hindi. Kung maitim ako sa paningin mo, sobrang itim naman ng pag uugali mo." Halatang nag titimpi lang ito si Aina. Amazona panaman ito, laging nanununtok. Siguro kung ang taong kaharap namin noon ay hindi namin kilala sinapak na niya ito.
"Ikaw naman Imhelda." Ngumisi si Koleen, tinignan ko si Mhel at naka taas ang kilay nito na kahit medyo natakpan ng bangs ay kita mo padin ang kapal ng kilay niya.
"Feeling Koreana." Natawa ang mga alipores niyang mukhang paa.
Nagiging harsh ba ako? Hindi naman siguro, nag sasabi lang naman ako ng totoo so wala naman sigurong masama sa iniisip ko.
"Atleast Maganda." Ani Mhel at hinawi ang buhok nito at humakbang ng kaunti. At medyo pinakita ang napaka expensive na Louis Vuitton niyang shoulder bag. Nako, maldita pa naman itong babae na ito."Ikaw? Maganda ka ba?"
"Ha! Tinatanong paba iyon?"
"Sa tingin mo tatanongin kita kung may gano'n ka? Stupid."
Hindi na lamang sumagot si Koleen na parang naiinis na. Akala ko aalis na siya pero hindi, ibinaling nito ang mata niya sa akin. At naka ngisi. Nagulat ako ng inusog ako nina Aina at Imhelda patalikod at humakbang sila papalapit kay Koleen.
"Ano ba Koleen! Pwede pa? Umalis kana lang Kung wala kang magandang sasabihin." Sambit ni Aina. Wala namang nagawa si Koleen at umalis nalang din.
"Bwisit na babaeng iyon, ako pa lalaitin niya ah. Kala mo ang ganda, ang cheep naman ng bag. Duh." Mataray na Sabi ni Imhelda.
**
"Aina! Tara na Dali! Bagal naman nito." Mataray na sabi ni Imhelda. Sa amin kasing tatlo si Aina ang pinaka maarte kahit madalas napapaaway ito e Hindi padin mawawala ang kaartihan sa kanyang katawan. Mas maarte pa Ito kesa kay Imhelda.
Pag kalabas ni Aina sa CR ay tumungo na kame sa canteen at umorder ng pagkain. Si Aina at Imhelda ay pumila upang bumili ng pagkain at ako naman ay nag hanap ng mesang makakainan. Nang makahanap ako ay agad akong umupo. Nilabas ko ang aking cellphone at nag simulang mag basa ng updates. Sa gitna ng pag scroll ko ay biglang may umupo sa aking harapan , akala ko sina Aina at Imhelda pero si Koleen pala Ito.
YOU ARE READING
After Life
FantasyDeath. The end of the life of a person. Paano masasabing patay ang isang tao kung buhay ang katawan? Tutuldok na lamang ba ang katapusan ng buhay sa pag kamatay? Death overpowers Love. *** Author's Note. Before you read this I would like to remind...