Chapter 17 - Expectations

565 12 34
                                    

Hi guys :) it's been awhile. I'm really sorry kasi hindi ko na napag tutuunan ng pansin itong story na 'to. I know I owe everyone an explanation, pero sa totoo lang, wala akong magandang excuse.. I'm really sorry, everyone. Patawad talaga.
Recap ng story :

- Nag bike si Renz papunta kina Kathy to let his pride down and say sorry to Kathy (Kathy saw Sofie and Renz kissed) but he got into an accident because of what he saw. From his point of view, Ryan was hugging Kathy, but what really happened is natisod si Kathy and tinulungan siya ni Ryan.

- One time, when Kathy visited him sa ospital, he pretended that he doesn't remember Kathy. Turned out it was an April Fools Joke for Kathy.

- Sofie (Ryan and Renz' childhood friend) visited Renz and asked if Renz could be her date sa party ng magkapatid. Renz said yes. And Kathy heard everything.

- Now, Ryan and Kathy are in the same Math Class (Kathy's there because she failed her Math course, and Ryan's there to upgrade his classes para makapasok na siya next sem). Last chapter, Ryan took his chance nang iuwi si Kathy para mag meet si Kathy and Renz. But turned out Sofie and Renz are going on a . . . date?

-

Chapter 17 - Expectations

Tumakbo ako palayo sa kanila. Dumiretso ako sa bahay. Gusto kong itago 'kila Mommy ang mugto kong mga mata kaya umiiwas ako ng tingin sa kanila hanggang sa maka pasok ako sa kwarto ko. Tinuloy ko ang pag iyak ko sa kama ko.

Sila Renz at Sofie na ba? 'Kelan pa? Bakit 'di ko alam? Break na ba kami ni Renz? 'Diba cool off palang? Bakit kung umasta si Renz, parang wala lang ako sa kanya?

Renz... anong nangyayari sa'yo? Sa'tin?

"Anak?" Narinig ko ang boses ni Mommy sa labas ng kwarto ko. Kasunod nun ay ang mga katok nya na alam kong nagtatanong kung anong nangyari.

Lumunok muna ako bago ko tanungin si Mommy kung bakit.

"Pwede ba akong pumasok?" Tanong ni Mommy. Napansin nya ba 'yung mugto kong mga mata kanina? O 'yung paghikbi ko? O baka kakausapin nya ako dahil late na ako sa curfew ko?

Isip ng sasabihin Kathy. "Matutulog po muna ako, Ma. Pagod po ako e. Sorry." Sabi ko nalang dahil ayokong malaman ni Mommy ang nangyayari sa'min.

"Sigurado ka, anak? Sige." At narinig ko na ang footsteps ni Mommy palayo sa kwarto ko. Tinuloy ko na ang pag iyak ko, pero syempre, tahimik lang. Wala namang soundproof system ang kwarto ko para umiyak ng malakas dito.

Habang nakatitig ako sa ceiling, naalala ko nanaman ang nangyari kanina.

-

"D-date?" Gulat na tanong ko kila Renz at Sofie. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Sofie. Ano 'to? Joketime nanaman? Ginagawa ba ni Renz ang ginawa ni Hannah noon? Ang magpanggap na sila tapos sa huli pinag seselos lang pala ako?

Sana nga..

Mas ayos na 'yun kesa sa malaman kong totoo 'tong nakikita at naririnig ko.

"Ano?!" Nakangiting tanong ni Sofie kay Renz. "Hindi pa nga kita sinasagot jan, tapos may pa date date ka nang nalalaman!" Kunwaring pinalo naman ni Sofie sa balikat si Renz.

H-ha? N...nanliligaw si Renz?

Nagbabadya nanamang tumulo ang mga luha ko. Ang hirap talaga pigilan kaya kinagat ko nalang ang labi ko at kinuyom ang magkabilang palad ko para mapigilan kahit kakaunti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'M TAKEN [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon