She had no choice but to stay with Jasper in one roof. Kahit ayaw nya wala syang magagawa. Ang hindi nya maintindihan ay kung bakit ba pumayag si Jasper sa kagustuhan ng ama nya.
Hindi sya bumababa ng kanyang silid. Magkikita lang sila ni jasper sa umaga kapag ihahatid sya nito tapos ay sa hapon kapag susunduin na sya nito.
Sa sariling silid na rin sya kumakain, at nagpapahatid na lamang sa kasambahay nila.
Pero iba ang araw na ito ngayon. Nagprisinta si Jasper na sya na lamang ang magluluto ng pagkain nito at maghahatid sa itaas, ng hindi nalalaman ni Nick.
Hawak ang tray na puno ng pagkain. Kumatok si Jasper sa pintuan ng silid nito.
"Pasok." Ani Nick sa loob.
Napangiti sya dahil na rin siguro hindi alam nito na sya ang kumatok.
Nang makapasok sya. Natagpuan nya ito sa kama na nakadapa habang may kausap sa harap ng laptop.
"You know what! Nakakainis talaga sya! Ayoko syang makasama sa loob ng isang bahay! He's getting to my nerves!" Anito sa kausap nya.
Nangunot ang noo ni Jasper dito at alam nyang sya ang tinutukoy nito.
"Gail paki lapag na lang dyan." Sunod na sabi niyo ng hindi tinitinignan ang taong may dala ng pagkain nya.
"Baka naman sa sobrang ayaw mo sa kanya e mainlove ka! May kasabihan nya the more you hate, the more you love!" Ani Mary na kausap nya.
Napaupo ito at hinawakan ang laptop pataas sa tapat ng mukha nya.
"No! Never! Hindi ako makakagusto sa isang katulad nyang driver lang! Itaga mo yan sa bato! Hinding hindi mangyayari yun!" Mariing pagtanggi nito at bawat salita ay madidiin.
Tila nasaktan namam si Jasper sa sinabi nito. Ganoon ba sya ka di gusto nito. Kung ganon ano pang pag asa ko sa kanya? Ayaw nya sa akin. Why should i let myself to stay? Tanong nya sa sarili nya.
Napalingon sa kanya si Nick at nanlaki ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
"A..anong... Tawagan kita later Mary bye!" Anito at agad na isinara ang laptop..
Tumayo sya at lumapit kay Jasper. "Hoy! Ikaw---
Naputol ang sasabihin nya ng makitang walang emosyon ang mukha nito na nakatingin sa kanya.
"Ba--teka----
Tinalikuran sya nito at lumabas ng kanyang silid. Alam nyang narinig nito ang mga sinabi nya. But as she look at him face, parang may kung anong kumurot sa puso nya.
Napatingin sya sa pagkain na dala nito, nakaramdam sya ng gutom sa ganda ng itsura non.kinuha nya iyon at inilapag sa kama.
Nagugutom sya pero hindi nya iyon magalaw at magawang kainin. Pumasok kasi sa utak nya ang itsura ni Jasper kanina, maybe hindi lang ako sanay na ganun sya! Yun lang yun! Kastigo nya sa sarili.
Bumaba sya dala ang tray na may lamang pagkain na hindi man lang nya ginalaw. Binuksan nya ang ref at inilagay iyon doon.
Malakas na buntong hininga ang pinakawalan nya nang maisara ang ref. Lumingon sya sa cupboard at doon naghanap ng makakain.
Panay ang buntong hininga nya habang sumusubo ng instant noodles. She don't know what's in her. Para syang walang gana, na hindi naman. Panay ang litaw sa utak nya ng itsura ni jasper kanina.
"Ahhhhrrggg!" Napasabunot sya tsaka tumayo at hindi na tinapos ang pagkain. Umakyat sya sa taas sa kanya silid tsaka pabagsak na nahiga doon.
Nangunot ang noo nya habang nakatitig sa puting kisama.
BINABASA MO ANG
Necessitated to ba a Personal Driver
Ficción GeneralRated spg (TLKSHD) MATURE content... Dahil sa hirap ng buhay, ay napilitan si Jasper na maging peronal Driver ng babaing kalaunan ay magpapatibok din ng puso nyang wasak na wasak dahil sa panloloko sa kanya ng dating kasintahan. ang babaing kinaiin...