1

17 0 0
                                    

Halos mag iisang oras na ata akong naka titig sa kisame ng kwarto ko at dahil sa sobrang tagal ko ng naka titig dito ay halos na bilang ko na lahat ng butiking dumadaan.

Napaka boring- oo, pero mas nakaka boring kung iiiyak ko lahat ng nararamdaman ko ngayon. Lalaki ako, nakaka bakla para saken ang umiyak pero masama bang umiyak kung iniwan ka ng taong mahal mo? Sa palagay ko'y hindi naman.

Sa unang pag kakataon ay pinunasan ko ang tubig na pumapatak galing sa aking mga mata.

Ito ang unang beses na umiyak ako para sa isang babae at ito rin ang unang pag kakataon na nasaktan ako ng todo.

Maureen was my first love. I love her since Elementary at niligawan ko siya noong nasa 3rd year highschool na kami. Nice right? Ilang years akong naging torpe sa kanya bago pa lang ako umamin at manligaw which is pinayagan naman nya ako. Hindi ako nahirapang ligawan siya dahil wala naman siyang ka arte arte. She's simple yet beautiful that's why i love her.

When we graduated high school doon nya palang ako sinagot and God knows kung gaano ako kasaya nung mga panahong iyon. Ang tingin ko nga sa aking sarili noon ay ako na ang pinaka maswerteng lalaki sa balat ng lupa. Sa una ay nag kaka ilangan pa kami-- unting chancing lang nung nga panahomg iyon hanggang sa di rin nag tagal ay naging komportable din kami sa isa't isa. Ang chancing ko noon ay nauwi sa holding hands, akbay at kung minsan ay may nakaw na halik pa mula pa sa kanyang pisngi.

Napangiti ako ng mag balik tanaw ang mga masasayang ala alang nangyari noon.

Naalala ko din nung first anniversary namin. I want to surprise her kaya naman pati sa parents nya ay humingi ako ng payo - yes, legal kami sa mga parents namin. Ang sabi ng parents niya ay mahilig daw iyon sa matatamis kaya naman binilhan ko siya ng chololates at chocolate cakes bumili narin ako ng isang life size teddy bear at pati narin red and pink roses ngunit bago pa man mangyari ang anniversary namin ay nakita ko siyang kinakain ang cakes at chocolate na para dapat bukas kaya naman nasira ang plano ko. Dali dali ko rin siyang isinugod sa ospital dahil baka mag karoon siya ng diabetes.

Sa pangalawang pag kakataon ay napapunas ako ng luha. Napaka sayang balikan ng nakaraan ngunit bakit parang sakit lang ang dulot nito sa akin? Maya maya lang ay may kumatok sa pinto ng aking kwarto pero di ko un pinapasok dahil gusto kong mapag isa, gusto ko muna ng space.

"Anak, lumabas ka na riyan. Diba ayaw ni Mau na makita kang malungkot? Sige na anak wag ka ng malungkot dyan" ngunit di ko siya sinagot dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko sa kanya.

Mau... Maureen that I loved for almost 8 years. Nag iisang babaeng pinapangarap kong mapakasalan, nag iisang babaeng pinangarapan kong mag karoon ng sariling pamilya at mabuhay ng  masaya habambuhay. Maureen na pinag kakaingatan ko na baka makuha sa akin ng iba pero nawala naman ng parang bula at Iniwan niya akong nag iisa.

Ang sabi sa akin ni mama noong nakaraang araw kung kelan niya ako iniwan ay mag move on na daw ako pero tinawanan ko lang ang mga salitang binitawan ng aking ina.

Move on? Kapag ba isinabuhay ko ang salitang iyan ay kayang palitan ng masasayang ala-alang pinag samahan namin ni Maureen? Kaya ba niyang higitan ang pagiging masaya ko sa piling niya ng mahig kumulang walong taon? Kapag ba kinain ko ang salitang yan ay mabubusog ako't makakalimutan ang nangyari sa kanya? Diba hindi naman? Kaya aanuhin ko pa ang walang kwentang salitang yan?

"Anak lumabas ka na please" dama ko ang labis na pag kalungkot sa tonong iyon ni mama. Alam niya din siguro ang pag hihirap ko ngayon dahil siya ang isa sa mga saksi sa pag mamahalan namin ni Mau. Ayakong lumabas dahil kapag lumabas ako'y hindi ko talaga mapipigilan ang mga luhang lalabas sa mga mata ko.

Alam kong hinihintay niya lang ako sa labas pero alam kong bukas ay aalis na siya doon at kapag umalis na siya doon ay hinding hindi ko na siya ulit makikita pa kahit kailan.

"Gusto din kita kyle matagal na. Alam mo kung anong nagustuhan ko sayo? 'Yung pagiging matatag mo, pagiging matapang mo at higit sa lahat ay ang pag mamahal mo sa akin. Sana kahit maging tayo na ay ganyan parin ang personalities mo, sana ikaw parin ang kyle na nakilala ko after this"

"Kyle, sige na please anak ito na ang last night ni Maureen dito kaya sana mapag tanto mo na ito na ang huling sandaling makakasama mo siya" napaiyak ako ng dahil sa sinabi ni mama at hinigpitan ang hawak sa isang picture na nakalagay sa isang itim na picture frame na may itim na kulay.

Minahal ako ni Maureen dahil matatag ako kaya naman kahit na wala na siya ay kailangan ko ring tatagan ang loob ko.

Buo na ang pasya ko.

Tumayo na ako sa hinihigaan ko at saka pinunasan ang mga mata kong punong puno ng luha kanina. Huminga ako ng malalim at saka binuksan ang pinto at pag bukas ko ng pinto ay isang awitin ang sumalubong sa akin buhat ng live band sa labas na kabanda dati ni Maureen.

Ito na ang ating huling sandali
Hindi na tayo mag kakamali
Kasi wala nang bukas
Sulitin natin, ito na ang wakas
Kailangan na yata nating umuwi

Dahan dahan kong nilapitan ang napaka gandang kabaong ni Maureen kasabay nito ang dahan dahan din na pag patak ng aking mga luha.

Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw

Tulad ng inaasahan ko ay ganun parin ang kanyang mukha, napaka ganda at napaka kinis. Ito parin ang mukhang minahal ko - hindi parin nag babago.

Kahit wala ka na sa piling ko aking mahal, ang mga masasayang ala - ala ay laging tatak sa isip at puso ko.

Heart breakers (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now