Plot Template: Discovery
Unique Ideas: THE SECRET OF THE PAINTING/ARTIFACTMia's POV
"Good Morning, honey" napalingon ako sa may pinto ng kusina namin. Napangiti ako nang makita ko ang pinaka mamahal kong asawa.
"Good morning" I replied. Ibinaling kong muli ang aking atensyon sa aking nilulutong almusal.
"It smells good. Anong niluluto mo?" Lumapit siya sa akin at saka niyakap ako mula sa likuran.
"Pancake for my beloved husband and children!" Masaya kong sagot sa tanong niya.
"Ang sweet naman ng asawa ko!" Aniya saka nag simulang halik halikan ang leeg ko.
"Hey stop that! Nag luluto ako at saka baka mamaya bumaba na yung mga bata!" Singhal ko sa kanya kaya naman kinalas niya ang pag kakayakap niya sa akin. Nakasimangot siyang umupo sa isang upuan. Napangiti ako dahil nag seselos nanaman ang asawa ko. Ang cute niya lang kasi kapag nag seselos.
Nang matapos akong mag luto ay hinainan ko na siya.
"Wag ka ng mag tampo, ok? You know I love you" napangiti siya nv mapakla. Ayan nanaman ang ngiting yan kapag nag sasabi ako sa kanya ng I love you, para bang ayaw niya pang masabihan ng ganun. Umupo ako sa harap niya.
"You know what Erick? Gusto ko na talagang bumalik ang mga ala-ala ko" nakahalumbaba kong sabi sa kanya. Napatigil siya saglit sa pag kain pero makalipas lang ang ilang segundo'y sunod sunod na ang pag subo niya.
"Ang sarap naman nitong luto mo" napabuntong hininga ako dahil sa sinabi niya. Ito nanaman siya, binabago nanaman ang topic namin. Sa tuwing sinasabi ko yon sa kanya lagi lang niyang iniiba ang usapan.
Five years ago ng maasikdente ako. Nahulog sa isang bangin ang sinasakyan naming kotse at pag gising ko nasa isang hospital na ko't walang maalala kundi ang mapait na nangyari sa akin. Nang pag gising ko ding iyon ay parang may isang taong mahalaga sa akin na nawala pero ang sabi naman sa akin ni Erick ay guniguni ko lang daw yon. Ang sabi pa ni Erick ay siya ang kasama ko't papunta daw kami noon sa isang party. Noong una nag taka din ako kasi bakit ako lang ang nag karoon ng amnesia sa aming dalwa pero ipinaliwanag naman sa akin iyon ng doctor kaya nawala ang pag tataka ko.
"S-shempre ako nag luto eh" nakisakay nalang ako sa kanya. Lagi naman kasi kaming ganito. Laging ako yung nag aadjust para sa kanya.
"Good morning mommy, daddy!" Patakbong lumapit sa amin ang dalwa naming anak. Si Angelo at Angela. Kambal sila at ang sabi ni Erick ay 6 months palang daw ang mga bata noong naaksidente kami.
"Good morning my dear" hinalikan ko silang pareho sa kanilang noo. Napapawi ang lahat ng sakit sa puso ko kapag nakikita ko ang dalawa kong anak, para bang isa sila sa mga makakatulong para mapabalik ang ala-ala ko.
"Mommy! Gusto ko pong gumala!" Sabi ng makulit na si Angela.
"Saan mo naman gustong gumala? Hmn" pinat ko ang kanyang ulo. Sasagot na sana siya ng biglang sumingit si Angelo.
"Gusto ko pong pumunta sa isang art museum mommy" napangiti ako sa sinabi niya. 6 years old palang itong si Angelo pero hilig na niya ang pag do-drawing or pag pe-painting, basta related sa art lagi siyang gora.
"No! Museum is boring! I want to go to a restaurant and park!" Napabaling naman ako kay Angela. Ibang-iba si Angela sq kambal niya dahil ang gusto ni Angela ay ang kumain at mag laro katulad ng iba pang bata.
"Well then, pupunta muna tayo sa museum bago sa isang restaurant at park ok?" Napangiti ang dalawang bata dahil sa sinabi ng kanilang daddy.
"Yey!" Tuwang tuwang sabi ni Angela at nag tatatalon pa samantalang si Angelo naman ay naka ngiti lang na kumakain ng pancake.
YOU ARE READING
Heart breakers (One Shot Compilation)
Teen FictionShort stories or one shot stories compilation that can break your heart in pieces. Stories that can make you forget about your selfless imagination.