Chapter 4:The Hallway

153 18 3
                                    

HELLO!!  OKAY 4TH CHAPPIE NA!!

ENJOY READING!!

________________________________________________________________________________

S H U N'S  POV

Pangalawang araw na namin ngayon dito, nag-lalakad ako ngayon sa hallway, gabi na nga pala, buti nalang at walang curfew dito pero wala ng mga estudyante dito, gabing-gabi na kasi, kung bakit ako nandito, tss, nag-pakuha ng mga libro yung mga babae, ako ang nag-iisang lalake dun kaya ako na ang kumuha, oo nasa iisang dorm lang kami, yun nga lang mas malaki kesa sa iba, para na nga bahay yun eh, pero nag-tataka ako kay ate Chiari parang hindi siya komportable dun sa dorm namin eh. Nga pala pabalik na ko sa dorm ng may naramdaman akong nag-mamasid sa'kin, hinanap ko yung taong yun hanggang sa napadaan ako sa tapat ng isang puno at may nakita akong paalis na tao, siya kaya yun? pero hindi eh, nararamdaman ko parin yung presensya ng nag-mamasid sa'kin, tumingin ako dun sa isa pang puno at may nakita akong pigura na nakatingin sa'kin, ano namang kailangan nito sa'kin, ngumiti lang ito ng nakakapangilabot at umalis na. tss sino naman yun?, bahala na nga dumeretso na ako sa dorm pero hinarang ako ng tatlong babae na sina Miyuki,Michelle at ate Chiari.

"tara, mamaya mo na ibigay yan"sabi ni Michelle at hinila ako paalis dun sa tapat ng pinto ng dorm namin at dumereto sa isang pinto at duon pumasok.

"okay, nakita rin namin yung nakita mo kanina"pag-uumpisa ni Michelle

"paano niyo nakita?"tanong ko sa kanila

"sinundan ka po namin kuya Shun kasi alam namin na may nag-mamasid sa'tin, may nakita rin po akong nag-mamasid sa'kin kahapon, kaya hindi po ako naka-pasok sa first,second at third subject kasi po may sinundan akong lalaki"sabi ni Miyuki

"kami naman nakita namin yun nung papunta tayo dito nung nakaraang araw, naka-kita rin kami ng taong nasa gilid ng puno at kahapon din may nalaman kami hindi lang kami sigurado sa pinag-uusapang nila eto oh pakinggan mo"sabi naman ni Michelle at may pina-rinig sa'kin si ate Chiari

voice 1:ano ng plano natin sa mga 'to?

 voice 2:hindi alam ng magulang nila na nandito sila, pwedeng patayin na sila

voice 3:wag muna, kailangan natin yang mga yan

voice 4:masters kailangan na po nating kumilos, mas malakas ang pakiramdam ng mga 'to kaysa sa mga magulang nila

voice 1:hindi, hindi tayo kikilos hanggat hindi niya sinasabi,hayaan niyo sila masyado pa silang mga bata para maka-hanap ng solusyon sa ganitong sitwasyon

voice 4:okay po, papasundan ko nalang po muna sila---

"bakit putol?"tanong ko sa kanila at sinagot naman ni Miyuki yung tanong ko

"eh kasi po, ano ihh, natulak ko po yung pinto tapos hinabol nila ko, kaya tumakbo ako, pero sa tingin ko naman po narecord lahat ng plano nila"pag-papaliwanag ni Miyuki

"ahh, ganun ba? buti naman at hindi ka nahabol nung mga yun"sabi ko naman

"oo nga po eh, pero alam niyo may feeling ako na hindi lang apat yung nandun sa kwarto, hindi ko lang po alam kung ilan sila"sabi ulit ni Miyuki

"tara na, umalis na tayo dito, baka makita pa nila tayo--"hindi natapos ni Michelle yung sasabihin niya dahil may narinig kaming mga yabag at boses ng nag-uusap, sa ngayon na-uuna si ate Chiari at nirerecord yung pinag-uusapan nung mga lalaki

voice 1:boss, sa tingin mo sino yung nags-spy sa'tin kahapon?

voice 2:hindi ko rin alam ni hindi man lang natin siya naabutan sa bilis tumakbo

voice 1:tara na po hinihintay na nila tayo hayaan na natin yun

voice 2:sige

pag-tapos nun humuhina na yung mgayabag kaya binuksan na ni ate Chiari 'tong pinto pero dahan-dahan lang para hindi nila marinig, nakita naming nag-lalakad sila papuntang library ano namang gagawin nila dun?

"galing ka sa library di'ba?"tanong sa'kin ni ate Chiari, tumango ako

"may nakita ka bang ibang tao bukod sa'yo?"tanong niya ulit

"wala akong nakita mag-isa lang ako dun"sabi ko yung library kasi dito walang librarian at 24 hours bukas kaya pwede kang pumunta dun kahit anong oras mo gusto

"kung mag-isa ka lang saan sila pupunta? may iba pa bang mapupuntahan na ito ang daan?"tanong naman ni Michelle, umiling naman si ate chiari

"walang ibang pwedeng puntahan gamit ang daan 'to bukod sa dorm natin at sa library, yun lang ang pwede mong puntahan kapag ito ang dinaanan mo"sagot naman ni ate Chiari

"tara na nga, hayaan na natin sila"sabi ni Michelle at lumakad na papuntang dorm namin, sumunod naman kami, habang nag-lalakad kami sinabihan nila ako na wag na wag sabihin kahit kanino yung nalaman ko, um-oo nalang ako kahit medyo naguguluhan ako sa mga nangyayari dito

S O M E  O N E'S  POV

"pakawalan niyo na 'ko!!"sigaw nitong babaeng 'to

"hayaan niyo malapit ng matapos ang pag-hihirap niyo *smirk*"sabi ko sabay ngisi

"ikaw, sabihin mo ang nalalaman mo, anong nangyari matapos ang nangyari 15 taon na ang nakakalipas, alam kong nandun ka nung nangyari yun"sabi ko

"wa-wala p-o a-kong a-a-alam"sabi niya, tsh, napipikon na 'ko dito ah, tinutukan ko 'to ng baril

"hahahahaha, kumalma ka lang diyan kailangan natin yan"narinig kong sabi niya

"tssh, ikaw na bahala dyan baka kung ano pang magawa ko diyan"inis na sabi ko at lumabas na para mag-pahangin

malapit na silang mag-dusa, mas mapait pa sa dinanas namin ang mararanasan nila..

________________________________________________________________________________

HELLO!!

ANO KAYANG NANGYARI 15 TAON NA ANG NAKARARAAN?

SINO YUNG MGA TAONG NASA LIKOD NG MGA NARINIG NILANG BOSES?

AT SAAN SILA PUMUNTA?

{PARAMDAM KAYO HA!! :D}

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>SILENT_DEMON<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<

Twins Academy~ON-HOLD~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon