Chinito 2/5

313 11 2
                                    

2/5

“Lalalalaaaaa! Lalalalalaaaaa! Lalalalaaaaa! Lalalalaaaaaa!” pakanta kanta pa akong habang pumapasok sa classroom namin. Konting kembot, kembot to the left, kembot to the right, tsunami walk at konting ariba walk. Ewan ko basta sobrang saya at bongga ng weekend ko. Like OMG OMG OMG to the highest level patungo sa buwan! Aaaaaahh! Nag chat sa akin ang aking buhay, siyempre si Christian Cruz my husband.

*Tok!*

“Araaaaay..” dahan dahan akong napahawak sa ulo ko. Lumingon ako at tumingin tingin sa paligid at hinanap kung sino ang walang modong nilalang ang nagtapon ng eraser sa ulo ko. Walang hiya, tapunan ba ako ng eraser? Psh. Nakita ko si Zai na nakabungisngis sa gilid. Sigurado na akong siya ang nagtapon nito sa ulo ko.

“Hoy Del, umupo ka na raw diyan. Nahihilo na raw si Stela sa kakalakad mo dyan oh. Anong meron teh? Practice teh? Practice para Bb Pilipinas? Kelan ka rarampa?” sarkastiko nitong tanong. Narinig ko na nagtawanan ang iba naming kaklase. Napanguso ako at lumapit na sa kanila. Magkakatabi lang din naman kami ng upuan nitong mga magaganda at hindi supportive kong kaibigan eh.

“Hoy. Hoy. Hoy! OMG OMG OMG OMG!” gumiling giling ako nang nasa harapan na nila ako. “Anong meron?” aniya Ethel at niliitan ako ng mata. Sumayaw sayaw pa ako sa harap ng parang isang uod, pero siyempre, sexy uod noh. “Yeeahh yeaahh baby, omg omg. My love so sweet, yeaaaahh.” pakanta kanta pa ako habang papunta na ako sa upuan mo.

“Ano ba Adelina?! Magsasalita ka o aagawin ko sa’yo si Christian? Ha?!” naiinis na tanong ni Zai at pumwesto na ito sa harapan ko. “Ha ha ha ha.” tawang tawa ako sa sinabi niya. “Ha ha ha ha.” Aagawin niya raw ang Christian ko eh akin na nga ‘yung gwapong ‘yun. Haha. “Sira ka talaga noh? Ayan!” kinuha niya ang picture ni Christian na nakalagay sa workbook ko at naglakad papalabas ng classroom.

“Hoy Zai! Balik mo ‘yang asawa ko! Walang sa’yo! Akin lang si Christian Cruz!” sigaw ko pero napatigil na lang ako nang makita ko ang lalakeng pumasok sa classroom. Sheeeet. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. *Insert slow motion* Dahan dahan siyang naglalakad papunta sa upuan niya at nginitian niya rin ‘yung isa pa naming kaklase.

Mygosh! Mygosh! Hindi ko na kaya ang tanawin na ito. Masyado nang nakakaloka. Mygosh. Kinuha ko ang mineral water sa gilid at agad ko itong ininom. “Hoy Del, ano ba—“ hindi na ako nakinig kay Stela. May ari naman ito ng kumpanya ng Wilkins kaya hindi ‘to mauubusan ng tubig.

Nauuhaw ako. I feel so dehydrated. Char, English noh? Pero seriously, I’m thirsty.  I’m thirsty for his love. My honey bunch Christian myloves, sana tumingin ka dito sa side ko! Walang isang minuto ay naubos ko na ‘yung tubig na iniinom ko. Napaupo ako at napahawak sa dibdib ko.

Dugdug.

Dugdug.

Dugdug.

My heart is beating so fast like it’s in a fun run. Teka ano raw? Ah basta ‘yun na ‘yun. Run, parang tumatakbo ako ngayon dahil hinihingal ako at nakakaramdam ako ng super strong na energy mula sa heart ko. Waaaaa.

-

“Okay class, look for a partner and we’ll have an activity. Ilagay niyo sa ¼ sheet of paper ang pangalan ng partner niyo. First come. First serve.” pagkasabi na pagkasabi ni ma’am ng mga salitang iyon ay agad na lumiwanag ang mukha ko. *Ting!* Partner daw. Partner. Partner! Iisa lang naman ang partner ko. “Del, partner na tayo.” niyaya ako ni Ethel pero hindi ko siya kinibo. Tumayo ako at agad na pumunta sa harapan ni ma’am.

“Miss Fuentes? Adelina, may partner ka na ba? Ang bilis mo ata. Asan ang ¼ mo?” habang tanong ng tanong si ma’am ay nakayuko naman ako na nagsusulat sa papel. “Adelina?” aniya ma’am ulit.

“Ma’am! Ma’am! Eto ma’am! Partner sabi niyo ‘di ba? Partner po diba? Ayan ma’am! Adelina Fuentes at Christian Cruz!” bakas na bakas ang ngiti sa labi ko nang iabot ng dalawang kamay ko ang ¼ sheet kay ma’am.

“Oh! Good. So Mr. Cruz and Ms. Fuentes, ‘youll be the first pair.” para na akong baliw sa kakangiti dito. “Paano na ‘yan Chris? Si Adelina pala ‘yung partner mo eh.” narinig ko si Mike na nagsasalita. Nilakihan ko lang siya ng mata. Bwahahaha. Nasa akin ang huling halakhak!

“Go to your pair and you think of a word that describes your partner.” aniya ma’am.

“Hmm, haaa—haaa—hi Christian!” pangiti ngiti kong sabi sabay dahan dahan na upo sa harapan niya. Nakangiti lang siya. “Hmmpp, gusto mo ng..” napa lipbite ako sabay twinkle ng mga mata ko. Hinawi ko ang buhok ko at inilagay ang isang strand sa likod ng tenga ko. Nakatitig lang sa akin si Christian.

“Okay, first pair. Come here.” sabi pa ni ma’am. Hindi ko siya masyadong narinig dahil kay Christian lang ako nakatitig. “Ms. Fuentes and Mr. Cruz, start now.”

“Ha? Ha? Ma’am?” hindi ko namalayan na nasa harapan na pala kami nakatayo. Kay Christian parin ako nakatingin. “Mr. Cruz, one word to describe your partner?” aniya ma’am ulit.

“Kahit ano ma’am? Adjective, noun, o verb?”

“Yes.”

Nahihiyang kinamot ni Christian ang ulo niya at tumingin sa akin. Naramdaman ko na lang ang pamumula ng pisngi ko. Napansin ko ring pumula ang tenga niya kasabay ng pagliit ng kanyang mga chinitong mata. Ang gwapo niya talaga. Shocks.

“Uhmm.. cute.”

Napatingin ako sa likuran at nag senyas ng ‘yes’ sabay taas ng kamao ko! OMG! Cute raw ako. Ahh! Ahh!

“Bakit naman cute ang one word mo kay Adelina?” tanong pa ni ma’am. Mygosh ma’am! Kung alam mo lang, kung alam mo lang na gustong gusto ko ‘yang ginagawa mo ma’am. Perfect ka na talaga sa evaluation ma’am!

Narinig kong naghiyawan ang mga kaklase namin. “Because, she’s cute. Everything about her is cute.”

“Aaaaamp. I can’t take it anymore. Mygulay!” pabulong kong sabi. Nakayuko na lang ako ngayon pero tinitignan ko pa rin si Christian gamit ang peripheral vision ko. Kyaaaaaa! I wanna scream na talaga like omg. I wanna say rooooooaaaaaar.

“Okay. Miss Fuentes, your turn now. One word about Chirstian.”

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at agad ko ngang sinagot ang sinabi ni ma’am. “Love.” naramdaman kong nagblush ulit ako nang mapansin ko siyang tinignan ako gamit ang chinito eyes niya. Inhale. Exhale. I wanna faint na rin talaga. Mygosh!

“Why love?”

“Ayieeee!” banat ng mga kaklase kong alam kong naiinggit sa akin. Hahaha.

Dahan dahan ko siyang tinignan. I closed my eyes. I opened my eyes. I took a deep breathe and..

“Because  I love him.”

__

Light emotions lang po ang nandito. Sinusulat ko lang kung ano ang naiisip ko. Hahaha. Just for fun lang 'to! XD twitter: @MCSilvertulip

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chinito [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon