Chinito 1/5

501 11 0
                                    

1/5

                                                                                 Chinito

                                Date Written: August 14, 2013 (5:40PM)/ April 11, 2014

                                                ♫♪♫♪♫♪♫♪♫

                        Napapansin mo ba, kaya ang tulad ko?
                        Kahit nasa sulok lang ng iyong mga mata..
                        Mahuli mo kaya ang pagsulyap sa’yo..
                        Kahit hindi naman ako ang iyong kaharap..
                        Oh chinito!
                        Balang araw ay, malalaman mo rin.

                                                ♪♫♪♫♪♫♪♫

 

                                               

                                   

   I. Christian

“AAAAAAAAAAAHHH! AAAAAAAAAAHHH! CHRISTIAAAAANN! ANG GWAPO MO! AAAHHHH! AHHHHH! AHHHHH!”  napupuno na ng sigaw ko ang buong boarding house namin. Pero ganon pa man, wala akong pakialam. Ikaw kaya makita mong naka topless ‘yung crush mo slash future husband slash future father ng mga future sons and daughters mo? Tignan natin kung hindi ka kikilitiin sa tuwa slash excitement slash kilig. Emegesh! Ang gwapo niya talaga eh!

“Hoy! Adelina! Masyado ka nang adik dyan sa crush mo oh! Ano ba ‘yan!” aniya Zai habang nag- aayos ng gamit niya sa kabilang kama. Inirapan ko lang siya at ipinagpatuloy ang ginagawa kong pagpapakilig sa sarili. Siyempre, kahit anong sabihin ng iba, wala akong pakialam. Adik na kung adik, daig pa nga  talaga ni Christian ang facebook kasi like na like ko siya to the ultimate power of square root of two multiplied by two hundred eighty one and a half. Dejoke. Ano? Nag compute ka? Hahaha!

Punong puno na ng heart ang mga mata ko nang magsalita naman si Ethel, “Kasi nga, obsessed dba?” naku! Sinabi niya pa. Pero ewan ko lang talaga sa mga kaibigan kong ‘to, masyadong KJ pagdating sa Christian my honey dear loves. “Tse! Pabayaan niyo na nga lang ako.” pag singhal ko sa kanila. Umiling lang silang dalawa.

Ibinalik ko ang aking mga tingin doon sa iba pang pictures na nasa albums niya sa fb sabay sabing “AHHHHH! ANG GWAPOOOOOOOOOOOOO! AKIN KA NA LANG PLEEEEEASE? PLASE? PLEASE? PLEASE?”

Itinulak ako ni Ethel papalayo at nagsalita siya ulit, “Huuy! ‘Wag mo ngang ma halik halikan ‘yang laptop ko! Tigilan na nga natin tong kabaliwan mo Del.” tss. Sadista nga talaga ‘tong babaeng ‘to. Kung sabagay, wala din naman siyang crush kasi abnormal daw kasi siya. Haha.

“O nga, ba’t ba tayo sumasali dito sa pa stalk stalk nitong si Del? Hahahaha!” at nagsalita na nga ang pinaka tahimik slash nerd sa aming apat, si Stela.

 

“Pahinga pahinga din pag may time ano po? Di masyadong halata na adik na adik ka na e.” si Zai ulit.

Chinito [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon