Sana
---------
Natatandaan mo pa nung mga bata pa tayo??
Nung masayang-masaya pa tayong naglalaro noon??
Nung ikaw ang lagi kong makikita sa unang pagbukas ng aking mga mata araw-araw dahil lagi kang may sorpresa?
Sana nga natatandaan mo pa ang mga napakasayang mga araw na iyon.
Mahal na mahal kita. Sabi mo mahal mo rin ako, pero dinugtungan mo pa iyon.
Ang sabi mo Mahal mo rin ako...Mahal mo rin ako bilang nakababatang KAPATID.
Kapatid. Malapit na kapatid ang turing mo sakin simula bata pa tayo hanggang ngayon.
Sana hindi lang kapatid ang ituring mo sakin.
Nung nag-aaral pa tayo sa kolehiyo, lagi kang kumokopya sakin dahil takot na takot ka sa professor natin.
Nakakatawa ang mga araw na iyon.
Pero ngayon? Magagawa ko pa bang tumawa..
Sana ganun pa rin tayo hanggang ngayon.
Eh yung pagligo natin ng sabay sa ulan.
At yung pagpunta natin sa mga parties at napagkakamalan tayong magsyota.
Pati yung pagasar mo sakin, at pag nainis ako ililibre mo ako.
Sana magagawa pa natin yun ngayun.
Yung mga kantang cinompose natin?
Yung mga sayaw na tayo ang choreographer?
Eh yung mga painting na ginawa natin.
Sana mapa-alam pa natin sa mundo ang galing natin lalo na pag tayo ay nagsama.
The days we treasured the most.
The plans we made.
The stories we wrote.
Sana nga may ganyan pa ngayun.
Graduation na natin ngayun.
Ito ang araw na kukunin natin ang diploma natin.
Masayang-masaya ka nung kinuha mo ang diploma mo at binigyan mo pa ako ng thumbs up.
Sana nga nakakathumbs-up ka pa ngayun.
Anim na taon din ang lumipas, mahal pa rin kita.
Anim na taon kitang inaalagaan ng patago.
Twenty-four years na tayong magkasama simula nung apat na taon pa lang tayo.
Sana yung mga taon na iyon ay may halaga pa sa iyo.
Kasama mo ako ngayun, papuntang Korea.
May balak ka pa nga magaudition sa isang entertainment company.
Pumasa ka sa mismong araw na iyon, sa pogi mong iyan sa tingin mo di ka matatanggap?
Sana nga nakikita ko parin nang malapitan ang mukha mo.
Bawat fanmeetings, concerts, world tour, guestings sa TV, at kung anu anu pang events pinipilahan ko makita ka lang ulit.
Wala akong pakielam kung maghirap ako, maamin ko lang na mahal kita.
Siksikan ngayun sa fanmeeting ng banda niyo. Magpapasign na ako sayo ng binili kong album niyo.
Sabi mo sakin kamusta na ako, ang sabi Malungkot, malungkot na malungkot.
Sana matatanung mo parin ako kung okay ba ako.
Ilang buwan din ang lumipas nung huling nagcomeback kayo.
May narinig akong balita.
May girlfriend ka daw na mayaman, maganda, maputi at mabait.
Nasa kanya na ang lahat, ako din naman may ganun ah? Bakit di mo ako napansin?
Sana ako na lang ang iniibig mo ngayon.
Tinawagan mo ako.
Sabi mo napakasaya mo ngayun dahil natagpuan mo na ang babaeng nagmahal ng buo sa iyo.
Nagmahal ng buo?? Ako rin naman ah.
Sinabi mo rin sakin na siya ang laman ng puso mo.
Sana ako na lang ang laman ng puso mo ngayon at habang buhay.
Magkikita ulit tayo ngayun.
Magkikita kasama ang Girlfriend mo.
Nung makita ko kung sino siya, bumagsak ang puso ko sa kailaliman ng mundo. Siya ang idolong hinahangaan ko.
Sana ako na lang siya.
Inamin ko ngayun ang pagmamahal ko.
Sabi mo Pasensya na dahil kahit kailan hindi ko masusungkit ang pagmamahal mo.
Masakit.
Sana di na lang kita nakilala.
Nakasuot ka ngayun ng napakagandang tuxedo. At ang girlfriend mo ay nakasuot ng isang wedding gown.
Napakasaya niyo tignan ngayun.
Kung ako ba siya? Mamahalin mo rin ba ako ng ganyan?
Sana ako ang taong susuotan mo ng singsing.
Dalawang taon na ang anak niyo ngayun.
Masayang-masaya na kayo.
Andito pa rin ako nagiisa.
Sana hindi na lang ikaw ang minahal ko.
Teenager na ang anak niyo at isang infant.
Away kayo ng away ng asawa mo.
Bigla ka na lang pumunta sakin at sinabing divorce na kayo.
Sana mababago pa kita.
Sabi mo mahal mo parin siya.
Sabi mo di mo na kaya.
Sabi mo halos mamatay ka na.
Sana hanggang sabi na lang iyan.
Ngayung araw na ito..
Araw na huli kitang makikita.
Nakaputi ka ngayun at itim na pantalon.
Nakahiga ka at hindi na humihinga.
Bakit ka nagpaka-overdose? Bakit ka kumain ng lason?
Sana hindi pa nga ito ang huli.
Ibabaon ka na sa lupa.
Wala manlang ang asawa mo.
Bago nung araw na ika'y namatay.
Sabi mo mahal mo ako.
Sana noon mo pa yun naramdaman.
Punong-puno ng sana, sana, sana ang aking isip.
Kahit alam ko na hindi na ito matutupad.
Mahal pa rin kita.
Pero kailangan ko na maging malaya, at magsimula ng bagong buhay ng wala ka.
Salamat at nakilala kita, pinasaya mo ako.
Hinding-hindi kita makakalimutan.
Ikaw ang taong nagbigay kulay sa buhay ko.
Pagdating ng panahon na ako naman ang kukunin, sisiguraduhin kong nabayaran na kita sa mga mabubuting ginawa mo.
Sana....
BINABASA MO ANG
Sana (One Shot)
Short StoryYehet! May one shot na rin ako :))...gagawa pa ako ng maraming one shot pag natripan ko. Sana magvote and comment kayo. For my cover, I would like to thank @MissAbsolute for making this great cover for me :))..Visit na din kayo sa shop niya na Ey's...