First Part

289 15 7
                                    

Magmamahal ka na nga lang doon pa sa taong mawawala

Gaano ba kahirap ang magmahal ng alam mong iiwan ka din nito

Na kailangan mong maging matatag para lang sakanya.

Yung tipong wala kang magawa kungdi pasayahin siya sa natitirang araw niya. 

At sa bandang huli ay ikaw ang masasaktan at maiiwan

Paano ito haharapin ni Eiron Miranda

--

"Julia, kamusta na yung chemotheraphy mo?" Tanong agad ni Eiron pagkapasok sa kwarto ni Julia. Matagal na silang magkakilala dito sa hospital at may nabuong pagkakaibigan sa dalawa. Ilang taon na din lumalaban itong si Julia sa sakit niyang leukemia. At si Eiron naman ay nagpapagaling dahil sa may sakit siya sa puso. 

"Kaya pa." Mahinang sabi ni Julia. Naging madalang nalang ang pagbisita ng mga kaibigan ni Julia sakanya dahil sa nalalapit na finals. Umupo si Eiron sa gilid ng kama ni Julia. Tinignan lang ni Eiron ang mala-anghel na mukha ni Julia. 

"Kaya mo 'yan. Ikaw pa." Ani Eiron habang hinahalikan yung noo ni Julia.

"Paano kung hindi?" Nanginginig ang boses ni Julia, "Paano kung hindi ko malabanan?"

Kumunot ang noo ni Eiron. Alam na niya ang ibig sabihin ni Julia. Alam naman ni Eiron na maaaring mangyari ang sinasabi ni Julia. Pero ayaw niyang isipin iyon dahil masasaktan lamang siya. 

"Ano ka ba, ikaw kaya si Julia! Kaya mo yan!" Ani Eiron. Inaalis ni Eiron ang kung ano mang makapagpapahina ng loob ni Julia. "Hindi mo naman ako iiwan di'ba?" 

Hindi nakasagot sa tanong si Julia. Ayaw niyang mangako dahil hindi naman siya sigurado kung ano man ang mangyayari. Inilayo ni Julia ang tingin niya kay Eiron. "Di ako mangangako."

"Julia naman." Ini-angat ni Eiron ang kanyang ulo at tumingin nalang sa kisame. "Papakasalan pa kita di'ba?"

"A-ano?" Napalingon si Julia kay Eiron na ngayon ay nakatingin sakanya. "Nababaliw kana ba?" Hindi makapaniwala si Julia sa sinabi ni Eiron dahil sa alam naman niya ang kalagayan niya.

Huminga ng malalim si Eiron bago ituloy ang sasabihin, "Matagal na akong may gusto sa'yo Julia. The moment na nagtago ako sa kwarto mo dahil sa tinataguan ko yung nurse, the moment na una kitang nakita, and the moment na una mo akong tinanong."

Bumilis ang tibok ng puso ni Julia. Napahawak sa dibdib ang dalaga dahil hindi niya maintindihan ang nadarama. Tinignan niya ng mabuti si Eiron habang nakatingin sakanya. Hindi padin siya makapaniwala na seryoso si Eiron sa sinasabi. 

"Eiron."

"Ano?"

"Paano kung-" Hindi na pinatuloy ni Eiron ang sasabihin ni Julia dahil nagsalita ito, "Julia, please. Lumaban ka oh."

"Hindi ko kaya na mawawala ka ngayon. Ngayon pa na minamahal na kita. Naiinis ako kasi wala akong magawa para sa'yo. Wala akong magawa. Napakawalang kwenta ko." Pinunasan ni Julia ang mga luha na lumabas sa mata ni Eiron sa pamamagitan ng mga daliri niya. 

"Eiron." Naiyak na din si Julia dahil sa mga narinig niya mula kay Eiron. "Di mo naman kasalanan 'to eh."

"Magpapagaling tayong dalawa ha?" Hinawakan ni Eiron ang kamay ng dalaga habang hinahalikan ito. "Magpapagaling tayo." Ulit niya.

Tumango naman si Julia habang patuloy ang pag-agos ng luha niya.

Nagkaroon ng katahimikan sa loob ng A-143, ang kwarto ni Julia. Tanging puso lamang nilang dalawa ang nag-uusap.

Julia's Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon