Dahan-dahan silang naglakad. Halos nakaitim ang mga tao kung saan siya nakatayo. May mga umiiyak at kinakabahan. Tahimik lang siyang nakatayo doon habang naglalakad.
Hindi pa din siya makapaniwala sa mga nangyari. Tila ba parang isang panaginip lang ang lahat. Sino bang makakapagsabing nangyayari ang lahat ng ito?
"Milka, ayos ka lang?" Tanong ni Ferrero sa nakaupong si Milka.
"Hindi lang po ako makapaniwala." Sagot ni Milka habang nakatingin sakanya.
Ano nga ba ang nangyari noon?
Hinintay ni Julia na dumating si Eiron. Pagod na pagod na si Julia at parang gusto na niyang ipikit ang kanyang mga mata. Nasaan na nga ba si Eiron?
Ngayon pala ang operasyon para sa puso ni Eiron. Walang kaalam alam ang dalaga tungkol sa operasyon ni Eiron.
"Julia." Iminulat ni Julia ang mga nakasara niyang mata ng marinig niya ang isang boses ng lalaki. Ito ay si Eiron.
Lumapit si Eiron sa tabi ni Julia hinawakan niya ang mga kamay nito at niyakap siya. "Eiron." Naiiyak na sabi ng dalaga. Hindi nagsalita si Eiron at niyakap lang ang dalaga. "Eiron, are you okay?" Tanong ni Julia.
"Julia, I love you."
"Eiron."
Nagising si Julia ng walang Eiron sa kanyang kwarto. Nananaginip lang pala si Julia nang oras na iyon. Kinagat ni Julia ang labi niya at parang mababasag siya. She's so fragile at that time.
Nawala si Eiron ng parang isang bula. Nawala ang lalaking palaging bumibisita sakanya. Nawala ang lalaking palagi siyang pinapalakas.
Nasaan na nga ba si Eiron?
Eiron at Julia. Sino bang makakapagsabing magtatagpo silang dalawa? Saya, lungkot, at pagmamahal.
Nag-uundergo padin si Julia sa chemotheraphy. Kahit na alam niya sa sarili niya na wala siyang pag-asa eh nagpapachemo padin siya.
Hindi na hinanap ni Julia si Eiron dahil sa natatakot siya sa malalaman niya. Na baka iniwan lang siya ni Eiron dahil sa mamamatay na din siya. Napakasakit para sa dalaga na iyon nalang ang rason na naiisip niya. Ano pa nga ba ang pwedeng maging rason?
Naging okay ang resulta ng chemotheraphy sakanya. Nanunumbalik ang kanyang lakas
"Are you ready?" Tanong ng mama ni Julia sakanya. Tumango ang dalaga at inayos ang wig na ikakabit niya sa kanyang ulo.
"Ma, samahan mo ako." Ani Milka habang nasa wash room. Nauna ng lumabas si Julia para mag-ikot ikot.
Walang bakas ni Eiron, walang wala. Ngunit hindi pa pala dito nagtatapos.
"Eiron?"
May nakita si Julia na lalaking nakaupo sa isang upuan. Nilapitan niya ito at muling tinawag, "Eiron."
"Sino ka?" Tanong ng binata na hindi naman nalalayo sa edad ni Julia.
Napaatras si Julia ng hindi siya maalala ni Eiron.
Nakakunot ang noo ng binata at parang naghihintay ng sagot. "Kilala mo ba ang kuya ko?"
Natahimik ang dalaga sa ilang sandali. Doon niya naisip na kapatid ni Eiron ang kausap nito at hindi si Eiron. Tumango siya kaagad, ngumisi naman ang lalaki at ngumuso. Napatingin si Julia sa isang salamin. Nandoon si Eiron sa loob. Nasa loob ng isang ICU si Eiron. Halos manlambot ang tuhod ni Julia sa nakita niya.
"Sabi ng doctor hindi padin daw tinatanggap ang puso na ibinigay sakanya." Paliwanag ng kapatid ni Eiron. Nakatingin lang si Julia sa loob ng salamin.