A/N Okay i'll name every chappie as Rules of the Queen. Why? I dunno, I just love the way it is.
Magsisimula and kwentong ito sa lugar na tinatawag na "Midos".
Ang Midos ay isang lugar kung saan ang paggamit ng kapangyarihan ay isang normal na bagay lamang sa mga tao. Ang mga taong gumagamit ng mahika ay tinatawag na "Wizards".
Ang Midos ay binubuo ng 85% ng mga normal na tao at 15% ng mga wizards.
Naninirahan ng payapa ang mga tao at wizards ng magkasama. At sa isang lugar sa Midos na tinatawag na Lavender Town ay may isang babae na may normal na buhay ang nakatira.
Xenex's P.O.V.
Grabe naman yang third person's point of view mo otor ha! Makapagtagalog wagas. Wizard lang ata ang ingles na ginamit. Ay, oo nga pala. I'm Xenex Skylar everyone! 17 years of living na sa Midos and I'm about to take my journey na around Midos.
"Xen, Hintayin mo naman ako! Tong babaeng to, masyadong eksayted!" sigaw ng magaling kong bespren.
"Hoy Nagisa! Andito pa kaya ako sa likod." sabay pindot pindot ko sa likod nya.
Alam nyo tong bespren ko nagtataka ako minsan. Masyadong tahimik sa harap ng ibang tao pero pag ako nakaharap, napakadaldal naman. Ito nga palang kaibigan ko ay si Nagisa Stellar. She's still 16 years old. Oy! alam ko iniisip nyo sa pangalan nya ha! hahaha. Natawa din ako sa pangalan nya nung nagpakilala sya sa akin. Kaya maiintindihan ko kayo kung matawa din kayo.
" Sure ka ba dito sa gusto mong gawin natin, Xen?"
"Eh di din naman tayo mabubuhay habang buhay kung pag aalaga at pag susuplay lang ng mga bulaklak ang magiging trabaho natin hanggang sa mamatay tayo, Nagi!
" Alam ko naman yun, pero sa tingin ko mas mamatay tayo nang maaga dito sa plano mo. Di pa natin alam kung saan tayo kukuha ng pera pag naubos na itong dala natin. Paano nalang kung mamatay tayo sa gutom sa paglalakbay natin kung wala tayong makuhaan ng pera?"
"Di lang naman pera ang paraan para makakain tayo. Pwede tayong mamalimos, kung hindi naman pwede tayong mamitas ng mga prutas sa gubat na madadaanan natin. Pwede din tayong mangisda sa bawat lawa at dagat na ating matatagpuan. Ano ka ba naman, maraming paraan dyan."
" Eh, paano kung may mga masasamang loob na mabangga natin sa labas ng Lavender town. Pwede nila tayong patayin, pagnakawan kahit wala naman silang mananakaw o kaya ang pinakamasaklap, gahasain pa tayo, pareho pa naman tayong babae. Di lang sila ang pwedeng tumapos sa mga buhay natin. Meron pang mga hayop at halimaw na mababangis na pwedeng kumain sa atin sa ating paglalakbay." takot nyang sabi. Minsan din ang OA nitong bespren ko.
" Ano ka ba Nagisa? Mga salamangkero tayo. May laban tayo sa mga masasamang loob na pwedeng manakit sa atin."
" Pero---"
"Wala nang pero pero. Halika na, wag ka nang maraming palusot pa. Sige ka baka maubos laway mo." hinila ko na sya palabas ng bahay namin.
BINABASA MO ANG
Queen
Teen FictionIn the land where great magic is a mystery. A legend will rise! Pero di sya babangon tulad ng mga patay (>_<)! A powerful being will hold the destiny of the world. And she will hide by the name as " THE QUEEN"