Rule 2: The Acquiantance

43 2 0
                                    

A/N I'll try updating as soon as I can so you must better be patient.

Xen's POV

"Xen, Nagi hanggang dito ko nalang kayo mahahatid." sigaw ni Terrence.

Renshuu ni Terrence ang sinakyan namin. Taga Lavender Town din sya. Sya ang tagahatid ng mga bulaklak na isinusuplay namin sa merkado.

" Salamat sa libreng pasakay Terrence ha!" - ako yan

" Anong libre? Wala na atang libre ngayon, may bayad kaya toh!" -sya yan.

Alam ko na kung anong iniisip nito. Ako pa lolokohin nito, kababata ko rin kaya toh.

" Oh magkano bah?"

" Kiss lang, pwede nah!" sabi nya sabay wink. Eeh! pangilabutan naman sana sya.

" Sapak gusto mo?"

" Ito naman eh, parang di mabiro."

"Sige na at aalis na kami."

" Sige, mag ingat kayo ha. Balik kayo minsan sa nayon!"

Alam nyo pinairal na naman nitong kasama ko ang pagka silent type nya. Kanina lang habang nakasakay kami sa Renshuu, di mapigil ang pang-aaway sakin. Oo, walang ibang nangyari kanina sa loob ng sinakyan namin kundi nag away lang kami nang nag away. Bakit kaya natahimik na naman toh?

"Oy" pindot ko sa braso nya. " Natahimik ka ata?"

"Di kana nasanay sakin." tahimik nyang sagot.

(A/N ano yun? tahimik na sagot, naintindihan nyo? ako hindi eh)

Wag ka na ngang epal otor. Pero alam nyo, ang laki pa talaga ng mundo noh? First time kong makarating dito sa bayan na ito.

Dito kami ibinaba ni Terrence sa isang bayan na may maraming tao. Dito siguro inihahatid ni Terrence ang mga bulaklak na inaani namin.

Ang Lavender Town kasi ang pinagkukuhanan ng halos lahat ng suplay ng bulaklak sa Midos. Dito galing ang mga bulaklak na ibinebenta ng halos lahat ng flower shop sa Midos. Yun ang sabi ng mga kanayon ko.

"Aray!" nabangga kasi ako sa likod ni Nagi. Bakit naman kaya huminto tong babaeng ito?

"Hoy, ano nangyari sayo." Ay ang g*ga, di ako pinapakinggan. Nakatingin lang sya sa taas.

Ha? Ano tinitignan nya? Tumingin ako sa taas. Ahh, yun palang karatula ang tinitignan nya. May nakasulat na "Hinoe Town".

" Xen san na tayo pupunta?" tanong ni Nagi na nakatingin pa rin sa karatula.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon