Adonis ng Modernong Mundo
Prologo
---Sanaysay---
//.//
Makisig. Matipuno. Matikas.
Pilipino'ng Pilipino ang datingan, walang halong banyaga ang hitsura. Tanging purong dugong Pilipino ang nananalaytay sa katawan.
Kilala siya bilang si Adon ng Tribo Zardafa.
Ang Tribo Zardafa ay pinamumunuan ni Hari'ng Danilo Lukwan kasama ang kabiyak at ang kanilang prinsesang hindi naglaon ay tinangay ng mga balbon.
Si Prinsesa Urduja.
Matagal ng tinatangi ni Adon ang kanilang Prinsesa at hindi lingid sa kanyang kaalamang may patingin rin ang Prinsesa sa kanya.
Ngunit sa mundo nila.
Bawal umibig ang isang hamak na nasasakupan sa kaniyang pinuno dahil ang karampatang paratang nito ay-- ang unti-unting pagkitil sa buhay ng nagkasala.
Kaya sikreto ang pag-ibig ni Adon sa Prinsesa at tanging nakaw na sulyap lamang ay kinukumpleto na niya ang kanyang sarili.
Ngunit ng dukutin ng mga balbon ang kanilang Prinsesa, kaagad na nagbulontaryo si Adon para hanapin ang kanyang sinta.
Ayos lamang na hindi niya maipadama ang kanyang pagtatangi rito basta't makita niya itong buhay at nasa maayos na kalagayan.
Hindi siya nagsayang ng anumang sandali at kanyang hinalughog ang kabuuan ng mundong kanyang ginagalawan para hanapin ang Prinsesa.
Ngunit siya'y nabigo.
Hanggang sa kanyang mabalitaan galing sa maharlita ng kabilang tribo ang tungkol sa kakayahan ng mga balbon sa itim na mahika.
Ito ang kanilang ginamit para ikulong ang Prinsesa sa mundo ng kasalukuyan at pinaratangan ng sumpang kapag hindi siya natagpuan ng kahit sino sa kanilang tribo sa loob ng isang dekada, siya'y maglalahong parang isang bula.
Ginawa ni Adon ang lahat kahit pa ipalit ang kanyang buhay, maisalba lamang ang Prinsesa.
Siya'y naglakbay sa modernong mundo upang iligtas ang Prinsesa subalit kapalit ng posibilidad na makatungtong siya sa kasalukuyan ay ang kanyang buhay.
Mayroon lamang siya isang dekada para mabuhay at pagkalipas ng isang dekada, siya ay maglalahong parang isang bula.
Tinanggap niya ang kapalit kaya siya nakatungtong sa modernong mundo.
Sa kanyang paglalakbay at paghahanap.
Akala niya'y natagpuan na niya ang Prinsesa subalit,
Ang Prinsesa'ng kanyang naapuhap ay di hamak na malayo ang pag-uugali sa kaniyang kilala at kabisadong tinatangi.
Ito nga ba ang Prinsesa o kamukha lamang nito?
Hanggang sa umibig siya rito.
Masuklian kaya ng modernong Prinsesa ang kanyang damdamin o,
Katulad sa kanilang mundo.
Ipagbawal rin ang magka-ibigan at magkaroon sila ng relasyon nito?
Paano kung taggap ng lipunan ang kanilang pag-iibigan ngunit dahil sa kabilang dako ng mundo siya tunay na nananahanan, mahahadlangan pa rin ang kanilang pagmamahalan?
"Huy, Adonis! Kain na! Yung paborito mong tuyo ang ulam!"
Adonis ng Modernong Mundo
//.//
BINABASA MO ANG
Adonis ng Modernong Mundo
FantasyMakisig. Matipuno. Matikas. Kilala siya bilang si Adon ng Tribo Zardafa. Mula sa mundo ng mga sinauna. Mga ninunong Pilipino. Na nagtataglay ng mga kababalaghan sa mundo. Doon ang kanyang tahanan, sa kahapon at hindi sa kinabukasan. Ngunit siya'y m...