Adonis ng Modernong Mundo
Kabanata 1
--- Pagdukot sa Prinsesa
//.//
Abala ang karamihan ng alagad ni Pinunong Lukwan ng Tribo Zardafa para sa gaganaping pagtitipon sa ikatlo at ika-huling kabilugan ng buwan sa taon na iyon. Gaganapin ang mismong selebrasyon sa mga oras na magliwanag na ng todo at kapag natatanaw na ng lahat ang bilog na buwan.
At ang selebrasyong kanilang idadaos at pagtitipunan ay walang iba kung hindi ang kasal ng kanilang natatangging prinsesa. Ang anak ni Haring Lukwan na si Prinsesa Urduja sa Prinsipe ng Tribo Hanjube, si Prinsipe Nobel.
"Adon, tulala ka na naman?" Tapik ng kaibigang si Feriam sa kaibigang si Adon na kanina pa niyang nahahalatang tulala sa kawalan.
Bumuntong hininga si Adon ng lingunin si Feriam.
"Hindi ko maiwasan, kaibigan. Sadyang natutulala ako sa hindi ko malamang kadahilanan." Sagot nito ngunit alam niya sa kanyang sarili kung ano ang kanyang ikinatutulala. Hindi niya nga lamang pwedeng banggitin ito sa kaibigan at baka ito ay mapahamak.
Naiiling na inakbayan siya nito. "Sa mga araw na ito, Adon. Marami sa atin ang abala at talagang pagod dahil sa paghahanda ng puspusan para sa pag-iisang dibdib ng ating Prinsesa Urduja mamayang pagsikat ng husto ng huling bilog na buwan. Lahat ay kung walang tulog, kulang naman o talagang pagod subalit masaya ang lahat na paglingkuran ang ating mga pinuno. Ikaw lamang yata ang hindi ko kinakikitaan ng pagkagalak habang ginagawa ang sariling trabaho. May problema ba, aking kaibigan?"
"Wala naman, ginoo, subalit..." napabuga ng hangin si Adon ng hindi niya itinuloy ang sasabihin.
Gusto niyang sabihin rito ang kanyang ikinasasama ng loob ngunit hindi niya kayang mapahamak ang kaibigan dahil lamang sa kanyang kalapastanganan.
Ang pag-ibig sa kanilang Prinsesa.
Matagal ng tinatanggi ni Adon ang kanilang Prinsesa kahit pa alam niya kung gaanong ipinagbabawal ng kanilang Kataas-taasang Pinuno ang umibig ang isang katulad niyang nasasakupan sa taong katulad ng Prinsesa, may kapangyarihan.
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana at suwail ang puso ng tao dahil kahit pa unti-unting pahirap bago kamatayan ang parusa ng ganitong kalapastanganan, ginawa niya pa ring umibig ng patago sa Prinsesa.
Kaya't ng maulinigan ang balitang ikakasal na ito sa ibang lalake, siya'y nasaktan ng husto at hanggang ngayo'y patuloy pa ring nasasaktan. Hindi niya magawa ang mga bagay na iniatas sa kanya ng matiwasay dahil sa sakit na nadarama. Kanyang trinatrabaho ang mga bagay para sa kasal ng taong kanyang minamahal sa ibang lalaki, hindi niya gusto ang isiping iyon.
"Subalit?" Agaw ng pansin ni Feriam sa kanya. "Natutulala ka na naman, Adon. Hindi maganda iyan, magpatingin ka na siguro sa manggagamot at baka lumalala iyan."
"Hindi naman sa ganoon, Feriam. Marahil ay tama ka nga, pagod lamang ito at kawalan ng pahinga."
"Sigurado ka? Ikaw pa mandin ang paborito ng hari'ng nagt-trabaho para sa kanya, kung hindi mo magawa ng maayos ang iyong trabaho'y magpahinga ka kahit ilang sandali lamang dahil kapag nalaman ito ng hari, maaaring mawalan siya ng tiwala sa'yo."
"Salamat sa paalala, Feriam. Sya at sisipagan ko, pasensya na rin saaking inaasal nitong mga nakaraang araw." Nakangiting paumanhin niya.
Tinanguan siya ni Feriam bilang sang-ayon.
"Maigi iyan, Adon. Pagbutihin mo ang trabaho at ako'y pupunta na sa'king sariling gawain, kailangan ko pang ihanda ang dalawang kabayong sasakyan ng Prinsesa at Prinsipe maya-maya." Paalam nito.
BINABASA MO ANG
Adonis ng Modernong Mundo
FantasyMakisig. Matipuno. Matikas. Kilala siya bilang si Adon ng Tribo Zardafa. Mula sa mundo ng mga sinauna. Mga ninunong Pilipino. Na nagtataglay ng mga kababalaghan sa mundo. Doon ang kanyang tahanan, sa kahapon at hindi sa kinabukasan. Ngunit siya'y m...