Chapter 2

12 1 0
                                    

Annoying

The next day, nagising ako ng maayos na yung ngipin ko. Sa wakas, nakakagood vibes. Tulog pa sina Janelle at Ira. Nagpuyat pa siguro tong mga 'to. Ako naman, ang bilis ko nakatulog ang sakit kasi ng ngipin ko.

Lumabas muna 'ko ng room. Mamaya na siguro ako magbbreakfast. Nagtokong pants lang ako kasi ayokong lumabas gamit yung pinangtulog kong shorts kasi manipis. Gusto kong maglakad lakad lang. Sumakay ako ng elevator. Nasa 18th floor ang room namin tapos nung dumating sa 10th floor, ay swerte may pumasok na gwapo. Matangkad na lalaki na mejo malaki ang katawan na naka polo shirt at khaki shorts. So, titig titig muna. Bihira lang ang opportunity na magkaroon ka ng kasabay na gwapo at kayong dalawa lang. Bigla akong napangiti dahil sa iniisip ko. Nang makarating sa 8th floor, Jusko namang buhay ng mga buhay o. Pumasok si Hartwell may kasamang mga lalaki, eto siguro ang mga kaibigan niya. Sa mga oras nato, nafeel ko na parang ang liit ng mundo kasi ang lala naman, ang laki ng earth tapos makikita ko pa siya. At bilang ako yung siraulo kahapon, nagtago ako dun sa likod nung gwapo ng kumakabog ang dibdib. Lalong lumakas yung kabog ng dibdib ko nung nagring yung phone nung gwapo.

"Hello babe? Oo malapit na. 2 floors na lang. Intayin mo na lang ako jan, wag ka munang bumangon.Hintayin mo na ko."

May girlfriend na pala yung lalaki nakakatuwa naman at loyal siya and caring pa. Pero ako na nasa loob ng elevator na'to at makakasama yung hambog kahapon at ang mga kaibigan niya ay hindi nakakatuwa.

Konti na lang sasabog na yung puso ko sa sobrang kaba. Nagdasal nako sa lahat ng diyos kaso sawi talaga. Bumaba si gwapo at napansin ako ng mga kabarkada ni Hartwell. 

Infairness naman sa mga kabarkada niya, mga gwapo. Kung sabagay kung alam mong gwapo ka, sumama ka na dun sa mga kapwa mo gwapo para sikat di ba pero siyempre hindi ganun magisip ang mga lalaki kaya siguro itong mga 'to mula pa noon magkakaibigan na kasi may ichura silang lahat. 

"I did not recognize you kanina. Kanina ka pa ba nandito?" sabi nung nakavneck na violet

"Stop the moves bro. Miss can I get your number" sabi naman netong naka black sando 

Hindi ko sila pinapansin kasi hindi ko alam ang sasabihin ko. Ewan ko, kainin na sana ako ng lupa. It's awkward and intimidating.

"Oh. she's a snob" sabi nung isang naka white vneck shirt. 

"Nastarstruck ata satin bro" Sabi uli nung isa pang lalaki

"Gray pagsalitain mo nga 'to" Hindi pa kasi lumilingon yung Gray na yun naka focus lang siya sa phone niya. 

Mothersheep. Yari na. Wag kang lilingon. Wag kang lilingon Hartwell Wag! Di ba ayaw mo akong makita. Wag pls. nagdasal nako sa lahat ng diyos ng Lingon pero lumingon pa din siya at sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at dahil sa kaba 

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH" mejo napasigaw ako. Nakakahiya pero wala nakong magawa, di ko napigilan, Nakakatakot sila na hindi ko maintindihan kasi wala naman silang ginagawa.

"Wtf. Ang ingay mo" -sabi ng antipatikong lalaki na naka loose sando na nagngangalang Gray. 

"Akala ko pipe, nakakapagsalita din pala." -sabi nung naka vneck na violet

Ang annoying ng barkada nila ah. Anim lang sila.Ang dadaldal parang hindi grupo ng mga lalaki. Pero ang gwapo ng dating ng halakhak nila at boses nila. Gwapo na nakakaintimidate na nakakainis. Minsan talaga kahit naiirita ka na, kapag gwapo papansinin mo padin yung kagwapuhan niya no. Mapapa 'gwapo nga pero annoying naman' ka pero sa huli 'Gwapo pa din' tapos sa isa pang huli uli 'Annoying padin'.

May mga sumakay padin dun sa elevator. At yung mga lalaki ni Gray, tumabi na sakin. ayokong magsalita. Hindi ko alam kung bakit. Pero naiilang ako na naasiwa. Ano ba naman 'to. Ang ingay padin nila. Ano bang problema ng mga ito. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not an Ideal ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon