Secret Admirer [One Shot]

2.3K 35 3
                                    

Secret Admirer [One Shot]

© Kwento Ni Lolo

***

"Dear Altheya Quizon,

Crush kita, alam mo ba yon? Dati pa lang cruah na talaga kita. Pero ngayon, hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko. Mahal na talaga kita, ang hirap kase sabihin sa personal eh, sobrang nakakahiya. Pero wag mon isipin na torpe ako ah. Nakakahiya lang talaga. Pero sana, pag dumating yung time na mag-confess ako sa'yo personally, sana di mo ko talikuran.

~Secret Admirer"

Sino naman daw ito? May pa secret-secret admirer pa siyang nalalaman =_______=

"Ops ano yan love letter?"

biglang dumating si Bryan (best friend ko) kaya bigla kong tinago yung papel sa likod ko.

"Huh? Hindi ah! Bakit naman ako magkakaroon ng lovr letter?"

sabi ko habang hawak hawak pa din sa likod ko yung papel.

"We? e bat tinatago mo sa likod mo? patingin nga!"

Tinry niyang kunin yung papel... and in the end... nakuha niya syempre =_______=

Binasa niya yung letter pero syempre sa isip lang.

"Secret admirer daw oh! Lumalablayp! eh san mo ba to nakita?"

binalik niya sakin yung papel.

"Dito sa locker ko, aba asa siya no! Mamaya mukhang unggoy yan eh!"

binigay ko yung papel kay Bryan.

"Oh yan sayo na yan! Baka sakaling mainLOVE ka diyan! Hahaha!"

Umuwi na ako at nagpahinga.

**Ringtone**

Tinignan ko yung phone ko kung sino yung tumawag. Number lang? eh sino naman daw to.

"Hello?" -ako

"Sana nabasa mo yung letter, yun lang bye!" -siya

"Sino to?? Bakit mo nlaman number - -"

**toooooot tooooot**

aba loko to ah! babaan daw ako ng cellphone =_________=

Kumain na ako at tanghalian at natulog.

Pagkagising ko as usual papasok na ako sa school.

Pagbukas ko ng locker ko....

Teddy bear?! Kahapon love letter tapos ngayon nman teddy bear? =_____= Ngayon alam ko na, torpe talaga siya =_____=

Kinuha ko yung teddy bear at binasa yung nakalagay na tag.

Magkita tayo mamayang uwian sa may ilalim ng puno ng mangga. Magpapakilala na ako sayo. Sana pumunta ka :)

Aba, ang pinagtataka ko lang, paano niya naipasok tong teddy bear sa loob ng locker ko. Eh nasa sakin yung - -

Naiwan ko palang nakasaksak yung susi dito sa locker ko kahapon T^T leche kase si Bryan eh, kinulit pa ako =___= buti di nawala mga books ko kundi patay ako nito, magbabayad pa ako ng wala sa oras T_____T

Iniwan ko yung teddy bear sa locker ko then dumiretso na ako sa room ko.

-

-

-

-

-

"Goodbye class" -sabi nung last subject teacher nmin.

"Goodbye ma'am Alejandro" -bati naman namin sakanya.

Well, this means.... UWIAN NA!! ~^_______^~

Dumiretso ako sa locker ko para ilagay yung mga books ko.

Pagbukas ko ng locker ko ay nakita ko ulit yung teddy bear.

Ay oo nga pala, pupuntahan ko ba to? Baka nman kase wala na yun doon... Hmmm. Pero kawawa naman yung maghihintay siya doon matagal.

Kinuha ko yung teddy bear at hinug (hug) ko habang naglalakad papunta doon sa ilalkm ng puno ng mangga.

Napatingin ako sa gilid ko ng biglang may kumanta ng favorite song ko.

"Take me to your heart.." -kanta nung lalaki.

"Show me where to start.." -kanta nung kasama niyang babae.

"...Let me play the part of your first love..." -kanta nung driver ng tricycle.

"never letting go, they will never know the ways of love..." -kanta naman nung nakasakay sa tricyle.

Aba yan na ba paborito ng mga tao ngayon ?? Chh. Gaya gaya naman tong mga to =___=

"Pitty those who wait, trust in love to faith" -kanta nung tindera.

"Finding out too late, but they've lost it" -kanta naman nung bumibili.

Ano bang meron? Bakit ba lahat ng nadadaanan ko eh kumakanta =__= Baka naman may tao sa likod ko... Wala naman eh! Oh baka siguro trip lang nila yung kanta. Ano to maka-KathNiel sila? ^__^

"All the stars are bright, all the wish is ours tonight my love...."

may lumapit sakin na bata at binigyan ako ng boquet ng rose. Ano bang meron kase!! Naguguluhan na ako!

"Got to believe in magic, tell me how two people find each other, in a world that's full of strangers, Got to believe in magic something strong than the moon above..."

Pagtingin ko sa likod, nakita ko silang lahat na kumakanta. Baka nagkakamali kayo, baka hindi ako yung hinahanap niyo no. =___= putek, pag nalaman ko kung sino may pakana nito, malilintikan siya sakin >___<

"Coz its magic when two people fall inlove..."

Nilingon ko ulit kung sino yung nagpatuloy nung kanta.

At sino naman to, may pa-Maskara maskata pang nalalaman.

Lumapit sakin yung nakamaskara. - - Hindi kaya siya yung secret admirer ko?

"Nagustuhan mo ba yung kanta?" -tanong niya sakin.

Teka familiar yung boses nito ah.

"- - Bryan??"

hindi siya nagsalita nun ng mga 5 seconds kaya tinanggal ko ng dahan dahan yung mask niya.

"Bryan? Ikaw? - - yung secret admirer ko?"

-sabi ko na gulat gulat.

"Uhmm - - oo, ganun na nga"

sabi niya habang nakangiti.

"Pero alam mo naman na best fri - - -"

Natigilan akong magsalita ng bigla niya akong halikan. Nung una ay nanlaki yung mata ko sa gulat, pero habang tumatagal ay wala na akong nagawa kundi ang pumikit.

Naririnig ko yung mga hiyawan ng tao habang magkadikit ang labi namin ni Bryan.

After 20 seconds ay bumitaw na siya sa pagkakahalik sakin.

"Altheya Quizon, will you be my girlfriend?"

Lumuhod siya sa harapan ko habang hawak kawak yung kamay ko.

Bigla nalang may tumulong luha sa mata ko. Siguro dahil first time ko lang maexperience ang ganito no!

-

-

-

-

"Yes"

-tumayo siya sa pagkakaluhod niya at muli niya akong hinalikan.(  ̄3 ̄)( ̄ε  ̄)

[Author's note: 2nd year college na sila, baka kase isipin niyo na bata pa sila, hehe. Yun lang, tnx for reading guys! Mwaah!]

Secret Admirer [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon