Chapter One

72 0 0
                                    

I gave you everything baby,

Everything I had to give.

Girl, why would you push me away?

Lost in confusion like an illusion.

You know I'm used to making your day.

But that is the past now.

We didn't last now.

I guess that this is meant to be.

"Kylie, please! Please, wag mong sabihin yan. Wag mo 'kong iwan, please. Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka," pakiusap ni Andrew.

Kitang-kita ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang mga mata na puno na ng luha.

"Patawarin mo 'ko Andrew. Alam mong mahal din kita. Mahal na mahal. Pero hindi pa 'ko handang magpakasal." Niyakap ni Kylie si Andrew pero nagpumiglas ito.

"Hindi ka pa pala handa pero umoo ka! Kung hindi ka pa handa dapat hindi ka umoo nung nag-propose ako!" sigaw ni Andrew, dahilan ng pagtingin ng mga tao sa airport sa direksyon kung nasaan sila.

"I'm sorry. Alam mo namang pangarap ko 'to diba? Atsaka ikaw rin ang nagsabi sakin na tuparin ko ang pangarap ko. Sabi mo─"

Bago pa matapos ni Kylie ang sasabihin niya ay nagsalita na si Andrew.

"Hindi sapat yang sorry mo! Ang sabihin mo makasarili ka lang talaga! Wala kang ibang inisip kundi yang sarili mo, yang kasiyahan mo!"

"Alam mong hindi totoo yan."

"Kung hindi yun totoo hindi ka aalis, hindi mo 'ko iiwan."

Hindi na napigilan ni Andrew ang sarili. Hinayaan niya nang tumulo ang mga luha na kanina niya pa pinipigil. Pakiramdam niya ay sobrang bigat ng dibdib niya. Sumandal siya sa pader sa likod niya at dahan-dahan na umupo. Pinatong niya ang dalawa niyang braso sa kanyang tuhod at yumuko upang itago ang kanyang mukha at tuluyan pang umiyak. Umupo sa tabi niya si Kylie at niyakap siya.

"Wag mo 'kong hawakan," mahinang sabi ni Andrew, bakas pa rin sa boses nito ang pag-iyak. "Nakakahiya... sinabi ko na sa lahat ng taong kilala ko na ikakasal na 'ko. Tatlong araw nalang kasal na natin! Tatlong araw nalang, Kylie! Nahanda na ni mama at papa ang lahat-lahat! Ano nalang ang sasabihin ko sa kanila?"

Hinawakan ni Kylie ang baba ni Andrew at inaangat ito upang makita ang mga mata ng kasintahan.

"Andrew, ganito nalang, hindi natin ikacancel ang kasal pero ipopostpone natin. Pag balik ko, promise, handa na 'ko."

Huminto sa pag-iyak si Andrew at tinignan si Kylie.

"Pagbalik mo sikat ka na, hindi mo na 'ko maaalala. Pagbalik mo 'di mo na 'ko mahal."

Ngumiti si Kylie, "Pagbalik ko mahal pa rin kita. Pagbalik ko magpapakasal na tayo. Yun ay kung hihintayin mo 'ko, kasi ako hihintayin kita kahit gaano pa katagal."

"Promise?" sabi ni Andrew sa tono ng naglalambing na bata.

Hinalikan siya ni Kylie sa pisngi.

"Promise."

* * * * * * * * * * * * * * *

"No, Andrew! Hindi natin pwedeng i-postpone ang kasal!"

"Pero kailangan," sagot ni Andrew. "Hindi pwedeng ituloy ang kasal kung wala yung bride."

"Yes we can." Nagtaka si Andrew sa sinabi ng papa niya.

"What do you mean we can?" tanong ni Andrew.

"Itutuloy natin ang kasal. May kilala akong pwede mong pakasalan. Maganda siya, magalang, simple, and I'm one hundred and one percent sure she's better than Kylie. Sigurado ako magugustuhan at mamahalin mo siya."

Nabigla si Andrew sa mga sinabi ng kanyang papa. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan.

"You can't do that! Hindi naman pwedeng basta-basta nalang kayo kukuha ng kung sino-sinong babae dyan tapos ipapakasal niyo sakin!" tutol ni Andrew.

"Magulang mo kami, Andrew! Pwede naming gawin kahit anong gusto namin! Alam mo ba kung gaano kami mapapahiya kung sasabihin namin sa lahat na postponed ang kasal which is in three days! Three days, Andrew! Sobrang laki ng ginastos namin para lang maging perfect ang kasal mo! Wala akong pakialam sa kung ano man yang iniisip mo. Matutuloy ang kasal sa ayaw mo't sa gusto!" bulalas ni Mr. Perez, tumayo ito at lumabas na ng kwarto.

Naiwan si Andrew sa loob na tila na pipi na sa mga sinabi ng kanyang papa.

* * * * * * * * * * * * * * *

"Hindi, ma! Ayoko!" sigaw ni Lauren.

"Lauren, please? Niligtas ng pamilyang yun ang buhay ko. Kung hindi dahil sa kanila wala ako dito ngayon. Utang ko sa kanila ang buhay ko," pakiusap ng mama niya.

"Hindi ba pwedeng linisin nalang natin buong bahay nila? Sobrang laking bagay ng pagpapakasal, ma! Wala pa nga akong nagiging boyfriend tapos magugulat nalang ako ikakasal na ako nang wala akong alam?! Ayoko! Yung taong yun ang nasa pinakahuli sa listahan ng mga gusto kong pakasalan. Ma, please? Sinira niya ang buhay ko. Siya ang dahilan kung bakit wala akong naging kaibigan sa school. Demonyo ang lalaking yun, ma," pagmamakaawa ni Lauren.

"Bakit? Anong ginawa ko para mangyari 'to sakin? Bakit siya pa? Bakit yung taong kinamumuhian ko pa?" tanong ni Lauren sa sarili niya.

"Please, Lauren, pwede mo naman siyang i-divorce pagkatapos eh. Pero ngayon gawin mo muna 'to para sakin, anak. Please?"

"Pero hindi ko siya mahal! Ni hindi ko nga siya gusto eh!" sabat ni Lauren.

"Alam ko, anak. Pero kung mahal mo ako pakakasalan mo siya," pilit na pakiusap ng mama niya, umiiyak na ito ngayon.

Nilapitan siya ni Lauren at niyakap.

"Wag ka nang umiyak, ma. Okay, sige na. Pakakasalan ko na siya para sayo. I love you, ma. Pero makikipagdivorce din ako sa kanya pagkatapos."

"Salamat, anak," nakangiting sabi nito at hinalikan ang anak sa noo.

Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon