Chapter Two

12 0 0
                                    

"Laureeen! Gumising ka na! Dalian mo at aalis na tayo!"

"Grabe, wala na bang ilalakas pa ang boses niya?" Bulong ni Lauren sa sarili.

"Lauuureeen!" Mas malakas na sigaw ni Lory.

"Urgh..." Ungol ni Lauren.

Umikot siya sa pagkakahiga at dumapa. Tinakpan niya ang ulo niya ng unan at ang buong katawan gamit ang makapal na sapin ng kanyang kama.

Ayaw niya pang bumangon. Ayaw niyang makita ang lalaking ipinapakasal sa kanya ng kanyang mama at dalawang araw nalang ay asawa niya na. Ayaw niyang makita ulit ang mukha ng demonyong lalaking ginawang impyerno ang buhay niya. Ang demonyong lalaking pinahirapan ang buhay niya, hindi lang sa high school kundi pati sa college. Lagi niyang kinukuha ang mga baon ni Lauren, nilalock sa janitor's closet, dahilan ng madalas na pagkalate nito sa susunod na klase kaya naman naging suki na ito ng Guidance, itutulak sa daan, lahat. Lahat ng pwedeng gawin para maging miserable ang buhay ni Lauren.

May nag-alok ng magandang trabaho sa mama niya sa Canada kaya naman kinailangan nilang mag-inang lumipat doon, tuwang-tuwa si Lauren dahil makakalayo na rin siya sa wakas sa demonyong lalaking iyon, hindi niya na makikita pa ang 'gwapong' mukha ng demonyong iyon.

Dalawang araw. Dalawang araw nalang araw na ng kasal.

"Hmm... ano bang pwede kong gawin para hindi matuloy ang kasal? Bakit ba kasi ako pa? Bakit sa dinamirami ng babae sa mundo ako pa? Buwisit! Nananadya talaga!" Naabala ang pag-iisip ni Lauren nang may pumasok sa kwarto niya at malakas na sinara ang pinto.

"Lauren!" Umungol lang si Lauren sa sigaw ng kanyang mama pero hindi siya gumalaw sa kanyang pagkakadapa.

"Ayoko 'tong gawin pero pinipilit mo 'ko." Lumakad si Lory palapit sa kama ng anak at tinanggal ang sapin na naka balot dito, hindi parin gumagalaw si Lauren at nakatakip parin ng unan ang ulo niya.

Hinawakan ni Lory ang dalawang paa ni Lauren at hinila siya paalis sa kama. Nanlaki ang mga mata ni Lauren nang bumagsak siya sa sahig. Napangisi si Lory dahil gumana ang plano niya.

"Mabuti naman at gising ka na. Mag-ayos ka na at baka maiwanan tayo ng eroplano."

"Kainis!" Inis na sabi ni Lauren nang makalabas ng kwarto ang ina.

* * * * * * * * * * * * * * *

Pumikit si Lory and huminga ng malalim.

"Sa wakas! Manila... grabe, namiss ko dito."

"Ako, hindi."

"Lory!" Sigaw ng isang pamilyar na boses. Napalingon si Lory at Lauren. Nang makita kung sino ito ay agad-agad na tumakbo si Lory at niyakap ang matangkad na babae. Kilala ni Lauren ang babae pero hindi na siya nag-abala pa na yakapin din ito. "Thank you, Lory! Thank you so much at dumating kayo."

"Ano pa't naging best friend mo ako, diba? Asan nga pala si Raymond?" tanong ni Lory sa kababata.

Ilang saglit lang ay dumating na si Raymond na may dalang isang box ng Pizza.

"Ahh... Lory," tawag ni Raymond sa nanay ng papakasalan ng kanyang anak. "Long time no see. Kamusta? Asan nga pala ang daughter-in-law ko?" Napangiti si Lory sa huling tanong ng kaibigan.

"Okay lang naman. Ayun siya." Tinuro ni Lory ang kanyang anak na busy sa pagtingin ng mga gitara.

"Lauren!" Kumaway si Raymond at sumenyas upang palapitin ang dalaga.

Napabuntong-hininga nalang si Lauren at lumapit sa tatlong magkakaibigan.

"Apat na taon na ang nakalipas nung huli kitang makita. Sobrang ganda mo na. Ang swerte ng anak ko." Ngiti lang ang sinagot ni Lauren sa puri sa kanya ni Raymond.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon