-Chapter 1-
Talia's POV
Narito ako ngayon sa maliit na harden ng maliit naming bahay, tinitingnan ko lang ang magaganda at kumikislap ng mga bituin, tinitigan ko lang ito, pero may nahagilap akong 'SHOOTING STAR' sabi nila tuwing humihiling karaw dito nagkatotoo daw ito, kaya naman hindi na ako nagpaawat.
"Sana mahanap ko na yung tamang lalaki na mamahalin ko at mahahalin rin ako," sabi ko sabay pikit ng mata.
After ng ilang segundo, dinilat ko na ang mata ko at napabuntong hininga sabay tingin ulit sa mga bituin.
"Siguro masayang masaya kayo kasi, sama sama hindi nagiisa, walang nahihiwalay, walang problema, hayss! Sana bituin nalang ako," sabi ko sa sarili ko, pero pagkatapos kong masabi yun, may nakita akong isang, nagiisang bituin, at malayo siya sa iba. Bakit kaya nagiisa siya? Habang yung iba naman sama-sama?
Hindi ko nalang ito inisip, kundi pumasok nalang ako sa bahay at natulog, may pasok pa kasi ako bukas sa pinapasukan kong sikat na skwelahan, at mayayaman lang ang nakakapasok nito, unless scholar ka? Scholar kasi ako kaya nakapasok ako sa Crown University.
Ayy hindi pa pala ako nagpapakilala, ako nga pala si Talia Suarez, 18 years old, first year college nalate ako sa pagpasok kaya ganon hahaha. Pangalawa sa anak nila Mr. and Mrs. Suarez actually dalawa lang kaming magkapatid kaya ako talaga bunso, hindi kami mayaman, mahirap lang kami, pero nakakaya naman namin kahit papaano. No boyfriend since birth din ako, wala pa sa plano ko yang boyfriend boyfriend na yan, pero ewan, sakaling magkaron man, sana siya na si 'THE ONE'
-Fastforward-
*TIK----TI---LA---OK*
Nagising na ako, diba ang cool ng alarm clock ko? Hahahaha, aray ha? Ang sakit lang sa mata ng araw pero..... "GOOD MORNING WOLRD!" sigaw ko, bagong araw, bagong ahmm... Nakalimutan ko haha, medyo empty pa ang utak ko ngayon, kaya maliligo na muna ako.
Nakalipas ng ilang mga minuto natapos na ako maligo, at nagbihis narin ako, at para makakain na ako.
"Morning nay, morning tay, morning kuya!" bati ko sa kanilang lahat, sabay upo sa mesa, kahit mahirap lang kami, pero walang araw na hindi kami sabay sabay kumain.
"Mukhang masaya ata si bunso ngayon ahh! Anong atin?" sabi ni kuya sabay lamon ng pagkain, baboy talaga!
"Wala naman kuys! Bakit bawal maging masaya?" pabalik kong tanong sa kanya, at tumahimik nalang siya, kasi naman puno ang bibig niya sa pagkain.
"Bilisan mo na jan Talia! Baka malate ka," sabi ni nanay, ihahatid pa naman ako ni tatay sa magara naming tricycle.
"Opo nay!" sagot ko naman.
Ng matapos na ako, agad na akong hinatid ni tatay... "Sige nak, magiingat ka ha! Aral ng mabuti, wag na muna magbo---" hindi ko na pinatapos, araw araw nalang kasi yang habilin na yan, memorize nayan ng utak kong malaki.
"Tay alam ko po, BYE!" sabi ko sabay mano at halik sa pisngi ni tatay, at tumakbo na ako at baka malate pa ako noh?
*BOOGGSSHH*
"ARAY!!/ OUCH!!" sigaw ko, at nakisabay rin ang lalaking toh.
Pinulot ko nalang ang mga nahulog kong libro, ni hindi man lang ako tinulungan ng lalaking toh, pssssssshhh..... Bwesit!! Nilagpasan nalang naman ako, uggh!! Late na tuloy ako ngayon Ng dahil Sa lalaking yun.
BINABASA MO ANG
All Of The Stars
HumorSabi nila "May connection daw ang tao at ang bituin." kasi nga raw "We are all made of stars." So ganun paman, kung may isang bituin na makikita mo, may posible kaya na yung tinitingnan mo ang mamahalin mo pala at ang magpapahirap sa buhay mo. Yung...