It's been almost 1 and a half month simula nung nagsorry sakin si Michael. Okay na kami. Madaming nangyare. Nagsimula na ding pumasok si James the week after that event. Araw araw sabay sabay kaming maglunch. Ako, si Anna, si Michael, si Max, at syempre si James.
Pag minsan kami lang dalawa ni Anna ang sabay kasi syempre bff bonding na din. Hihi.
Nang matapos ang 1st quarter exam ay mas naging busy kami dahil sa mga pa projects na binibigay ng mga teachers namin. Araw araw din kaming pinapaalalahanan ni Mr. Vasquez na magisip na daw kami ng course na gusto naming kunin pag pagdating ng 4th yr ay hindi na kami mahirapan pa.
Thursday ngayon at naisipan kong yayain si Anna na sabay kaming dalawa na maglulunch.
"Anna! Sabay tayo mamaya ha?" Sabi ko habang nakangiti. Pero hindi pa din niya ako pinansin. Anong problema nito?
"Huy!" Sabay hampas ko sa braso niya. HAHAHA. >:)
"Aray! Ano bang problema mo girl?! Makahampas ha!" Sabi naman niya at halatang medyo naiirita.
"Kanina pa kita kinakausap jan, di moko pinapansin eh. Sabi ko sabay tayo maglunch mamaya." Ulit ko.
"Oo na. Oo na. Basta ikaw magisip kung san tayo kakain." Haay. Ibang klase talaga tong babaeng to. -.-
"Sige. Mcdo na lang. Nag ccrave ako sa fries eh. HAHAHA"
Nang maglunch na ay hinanap agad ng mata ko si Anna sa room pero wala na ito. Asan na yun? Di man lang ako inintay eh.
Naglalakad ako sa corridor ng school namin ng magvibrate ang phone ko at nakitang may isang text si Anna. Dali dali ko itong biinuksan at binasa.
Fr: AnnaBanana. :)
Girl! Kita nlang tayo sa Mcdo. Bigla kasi akong inutusan ni Sir Tom eh. Sang mcdo ba?
Haay. Kaya pala biglang nawawala. -.-
To: AnnaBanana. :)
Sgesge. Bayan na lang.
Pagkasend ko noon ay naglakad na ako palabas ng school namin at sumakay ng trycicle. Malapit lang naman dito ang Mcdo Bayan at maaga pa.
Nang makarating nako ay tinext ko ulit si Anna para masabing nandito nako at sumunod na siya. Naghanap na din ako ng pwedeng maupuan.
To: AnnaBanana. :)
Hoy. Asan ka na? Dito nako. Bilisan mo.
Haay. Antagal naman nun. Halos 10 minutes nako dito. 1hr lang ang lunchbreak namin.
Habang nagiintay kay Anna ay naisipaan ko munang bummili ng fries since kanina pa naman ako dito at talagang gutom na gutom na ako. -.-
Pagkabili ko ng fries ay pumwesto nako dun sa inupuan ko kanina. Halos mangalahaati nako sa kinakain ko ay wala parin siya. Ano ba yan. -.-
Maya maya pa ay nagtext na ulit si Anna at sinabing hindi daw siya makakarating dahil andami daw pinagawa sa kanya ni Sir Tom at dinalhan na din siya ni James ng lunch.
Ano ba yan! Napaka talaga nito. Huhuhu. Instant loner tuloy ako dito. Nakakainis ha. Inuna pa niya si James kesa sakin. Bwisit talaga!
"Mukhang masarap yan ah?" Napalingon naman ako sa lalaking nagsalita at biglang kumuha ng fries ko.
"Huh?! Huy! Akin yan!" Sabi ko sa kanya sabay agaw at tingin ng masama." Asar to. Bv ako ngayon kaya wag siya mangugulo."

BINABASA MO ANG
LoveHate Relationship
Romancemaganda.matalino.may pagkasuplada,at malakas ang boses. Siya si Elle Kirstina Gonzales.isang estudyanteng sikat sa school nila dahil sa kalakasan ng boses at kakapalan ng mukha. Gwapo.Mayaman.SIKAT. siya naman si Michael Angelo Tan,isa sa magkakapat...