Chapter Three

14 0 0
                                    

Kinabukasan, maaga akong gumising para makapagready na sa school. Naligo ako, nagtoothbrush, nagbihis at kumain. Sinadya ko talagang agapan ang pasok para may oras pa akong makipagkwentuhan kay Anna.

"Agap ah!" Bati sakin ni Anna ng makita niya akong pumasok sa room.

"Syempre! May chika ako sayo eh! Hahahaha!" Sabi ko naman.

"Hay. Kaya naman pala. Ang aga aga, ikaw talaga yan agad inaatupag mo. osige. Ano ba yan?" Haay. rereklamo pa, gusto din naman palang malaman. -.-

"Dumating na ulit si James noong isang araw, infairness, gwapong gwapo pa rin!" Panimula ko sa kanya.

"Eh?! Omygosh! Bakit naman di moko tinext?! Siguro gusto mong masolo si James no! Ikaw talaga! Hmp! Tampo nako. Akala ko ba na friend zone mo na yun dati? HAHAHA." Haay. Napaka bungangera talaga nitong babaeng to. Manang mana saken. -.- 

Kilala din ni Anna si James dahil kababata ko din siya. Sabay sabay kaming tatlong lumaki, at alam ko namang siya talaga ang gusto ni James noon pa. Kaya ko din siya na friendzone noong umamin siya ay dahil narinig kong pinagpustahan nila ako ng kaibigan niya. Noong una hindi ako makapaniwalang magagawa nila yun sakin, pero habang tumatagal ay napatawad ko na din sila. Sabi nga nila, your past experiences made you who you are today. Kung hindi dahil sa ginawa nila ay hindi naman ako magiging mailap sa mga lalaking nagtangkang manligaw sakin dati, oh kahit yung umamin manlang ng feelings. Kaya ayaw ko ng mga relationships na yan. Hindi ka sigurado kung totoo ba ang mga lumalabas sa bibig ng mga lalaki, or tinatakpan lang ng mga sugarcoated words nila ang totoo nilang intention.

"Hoy! Babae. Ano na? Tulaley ka nanaman? Naalala mo nanaman ba yung nangyare sa inyo ni James dati? Ano ka ba girl! Move on! I'm sure matagal ng nakalimutan ni James yun at naguilty na din yun ng matagal. Hahaha." Hayyy. Ibang klase talaga tong kaibigan kong to. Kaya ito lang pinagkakatiwalaan ko sa lahat eh. Kilalang kilala na niya ako. 

Habang nagkkwentuhan kami ni Anna ay hindi namin namalayan na dumating na pala ang ubod ng taray kong baklang adviser na si Mr. Vasquez. 

"*ehem* Ms. Gonzales and Ms. Salcedo, kung magkkwentuhan lang din naman kayo magdamag sa harapan ko, ay maari na kayong lumabas."

Napatigil kami ni Anna ng umimik si Sir. Ibang klase talaga tong baklang to! Umagang umaga. nanenermon, palibhasa menopausal! Hmp!

"Go back to your seats at wag niyo akong matingnan tingnan ng ganyan kung ayaw niyong ipatawag ko ang mga magulang niyo! Now!"

Sabay kaming napabalikwas sa mga pwesto namin at dali daling umupo.

Habang nagkaklase ay may naramddaman akong humihila ng dulo ng sleeves ng blouse ko, paglingon ko ay si Michael na nangungulit nanaman. Haay! Katabi ko nga pala tong isang to. -.-

"Ano ba?! Pwede ba tigilan mo nga kakahigit mo jan sa sleeves ko!" Bulong ko pero sinigurado kong damang dama niya ang pagkairita sa boses ko.

"Sino yun?" Tanong niya na siya namang ikipinagtaka ko. Ano? Sino? Baliw ba to?

"Anong 'sino yun? Sino?" Sagot ko na punong puno ng pagkairita at pagtataka.

"Yun. Yung James Alexander Escudero. Sino siya?" Ha? Bakit naman bigla tong naging interesado kay James?

"Bakit mo tinatanong? Eh diba nakilala mo na siya kahapon? Nagbatian pa nga kayo eh. Psh." Napaka makakalimutin naman pala nitong lalaking to eh. 

"Ah. Oo nga, gusto ko lang malaman kung sino siya para sayo." Nagulat ako sa sagot niya. Seryosong seryoso ang boses niya pero sa harap siya nakatingin para hindi mahalata na naguusap kami.

LoveHate RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon