Chapter 1 - Rejection

115 7 0
                                    

*****

AJ's POV*

Nakaset up na ang lahat at dahil yun sa tulong ng mga ka banda ko. 'Mapapasakin ka na rin Cassey!' Sabi ko habang tinitingnan ang singsing na ibibigay ko sakanya.

'Cassey, will you be my girlfriend?' Hindi, masyadong common na to. 'Cassey, will you be mine?' Pwede na kaya to? Teka bigla akong kinabahan. Tiningnan ko kung anong oras na. Bakit ang tagal nila. San na ba yung mga mokong na yun?

"AJ! Sensya natagalan kami bro. Nag over time kasi prof nila Cassey. Pero wag ka mag-alala, papunta na sila dito" Sabi ni Joshua.

"Pare, ginulat mo ko. Konti na nga lang mababaliw na ko sa sobrang kaba ko tapos dinagdagan mo pa ng gulat." Onti onting bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Sensya bro! Wag ka kabahan, andito kami ng tropa mo. Siguradong makakamit mo na ang matamis na OO ni Cassey." Sabay tapik sa balikat ko. Sana nga! Sana talaga.

"Salamat bro." Nagayos na ko, andito na ang mga bandmates ko. Si Drake nalang ang wala ang drummer ng banda. Siya kasi ang nagsundo kay Cassey.

"Pare ayan na sila oh." Sabi ni Joshua ang gitarista ng banda. Nakapiring si Cassey at inaalalayan ito ni Drake. Pagkatanggal ng piring, umakyat na agad ng stage si Drake. kitang kita ko sa mukha ni Cassey na gulat na gulat siya at naguluhan. Nagsimula na kong magsalita. Pero kinakabahan pa din ako sa kung anong pwedeng mangyari.

'Mic test' 'ehem' Nakuha ko na ang atensyon ng karamihan.

"Walang event ang school natin. Pero para sakin espesyal tong araw na ito" Nakatitig lang ako kay Cassey. Ang ganda ganda niya, simple at hindi na kailangang ayusan pa.

"Sandali lang ito. Uhm, Kaya naging espesyal itong araw na ito dahil itong gagawin ko ay para sa taong matagal ko ng minamahal at iyon ay si Cassey Alvarez." Nakatingin pa din ako sakanya at hindi ko maiwasang ngumiti dahil nakangiti rin siya at nakatitig saking mga mata.

"Cassey Alvarez, para sayo ang kantang to." Nagsimula na kaming tumugtog at ang napili kong kanta para sakanya ay CHASING CARS (Snow patrol)

-

We'll do it all

Everything

On our own

We don't need

Anything

Or anyone

If I lay here

If I just lay here

Would you lie with me

And just forget the world?

Nakatitig lang ako sa mga mata niya at parang hindi namin nakikita ang mga tao sa paligid. Parang nasa isang lugar kung san kaming dalawa lang mag kasamang masaya. Habang nakatitig lang siya sa mga mata ko, naiiyak siya. Siguro tears of joy. Tinuloy ko pa din ang pag kanta.

I don't quite know

How to say

How I feel

"Mahal na mahal kita Cassey" Sabi ko at nagsimula ng may magabot sakanya ng mga rose. Mga inutusan ko yun para mas lalong maging espesyal ang araw na ito.

Those three words

Are said too much

They're not enough

It all started with a playful KISS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon