Ako si Zerin Fate Pereira.
Isang simpleng babaeng paniwalang paniwala sa destiny.
Bakit?
Kasi sabi nung manghuhula dun sa perya.
Kasi alam kong may fairy tale sa totoong buhay.
Kasi ang dami kong nakuha na signs!
Kasi naniniwala ako na lahat tayo may soul mate.
At higit sa lahat.....
Kasi nahanap ko na siya.
Pero nung nahanap ko siya.....
Akala ko yun na yun.
Akala ko sure na ang happy ending ko.
Akala ko kami na talaga.
Akala ko madaling hawakan ang nasa akin na.
Yun pala, puro akala lang ang lahat ng yon.
Dahil kahit minsan hindi ko naisip, na ang Destiny, Fate at Serendipity na pinaniniwalaan at pinaghahawakan ko, ang siya mismong lalaro sa takbo buhay ko.

BINABASA MO ANG
Chances Are [coming soon]
Roman d'amourDestiny. Fate. Serendipity. Sino ang naniniwala? Sino ang hindi?