False Destiny [ONE SHOT]
| J H i O 1 8 |
[All rights reserved 2014. No parts of the story must be copied in any form. Property of Joshua I. Oliveros]
_______
( November 20, 6 AM)
*Kumpirmado, darating na siya. kamusta na kaya siya ? Ok lang kaya siya ? Gwapo pa rin ba sya ? halla, baka hindi lang gwapo, baka super gwapo. Papansinin niya kaya ako? Hmf. baka hindi, baka nga hindi pa ako maalala nun. Atsaka, sino ba naman ako ? Isang hamak na katulong lang naman ako dito sa palasyong bahay nila. Yan ang mga tanong sa aking isipan na masasagot mamaya. Pupunta na sana ako sa banyo upang maligo, dahil may pasok pa ako ng 7 ng biglang ..
"Nika" nakangiting tawag sa akin ng pinakamaid dito sa bahay na si Ate Joy.
"Bakit ate joy?"
"Ah wala naman hija. May itatanong lang sana ako sayo, kung pwede."
"O sige po, ano po ba iyon ? "
"Hija, diba, kababata mo si master Kevin "
"Ah opo, bakit po" si kevin, siya yung darating ngayon mula Canada. Oo, magkababata kami"
"Eh, bakit parang hindi ka excited makita siya ?"
Napatahimik ako ng masambit niya yun. Oo nga, bakit nga ba hindi ako excited ? Marahil na rin siguro, nagbago na ang mga panahon at hindi na ako tulad ng dati. Hindi kasi ako nag-eexpect na maaalala pa niya ako, sa tagal naming hindi nagkita.
"Ah, ako ? hehe, naku, ano eh, hehe" anu ba yan, wala akong maisagot, ang hirap ng tanong eh.
"Anong-ano ? " pag-uusisa nito
"Excited naman po ako, hindi ko lang masyadong ipinapakita" yun na lamang ang naisagot ko sa kanya.
"O sya, maligo ka ng bata ka, at baka malate ka pa. At oo nga pala. Mamaya ha? ah teka, anong oras ka ba dadating mamaya ?"
"Mga alas-dos po siguro"
"Sakto un, baka alas dos din dumating si Master Kevin. Nasundo na kasi siya ngayon sa Airport at bibiyahe na siya ngayon papunta dito. Basta mamaya pagdating mo, magbihis ka agad, at tulungan mo kami sa pag-aayos dito. Ha?"
"Ah, opo, opo"
"O sya, maiwan na kita"
*At naglakad na siya paalis. 6-8 hours kasi ang biyahe, papunta dito sa Probinsya mula sa Airport. Makaligo na nga at nang makapasok na.
--
*Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako kinuha ko yung bag ko at pumunta sa kusina upang kumain. Pagdating ko ay walang tao. Kaya mag-isa akong kumain. Dito sa bahay ng mga cortez, ang mga katulong na gaya namin ay hindi tinatratong katulong talaga, tinatrato nila kaming parang tunay na pamilya, napakaswerte nga namin ni Nanay eh. Pagkatapos kung kumain ay lumabas na ako at pumara ng traysikel.
"Manong, sa may Cortez University" at bumiyahe na kami, mga 10-15 mins ang layo nito mula sa bahay ng mga cortez. Ah teka, oo, Sa kanila rin ung school kung saan ako nag-aaral, pinaaral ako ng libre ni Mrs. Cortez, ang mama ni Kevin. Ewan ko nga, super bait nila saming mag-ina.
Ako nga pala si Nika Hidalgo, 17 yrs old, at 1st year business management college student. Sa mga cortez na ako lumaki dahil simula pa noon ay dito na nagtatrabaho si Mama. Si papa ? Hindi ko alam kung sino sya, hindi ko rin siya nakita. Ang tanging alam ko ay iniwan niya kami ni Mama nuong malaman niyang buntis si mama. Ayon na rin sa kwento ng aking Ina.
Si mama, at si Ma'am Chloe Cortez, ay super close noon pa man. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Marahil sa tagal na rin ng panahong nandito si mama, at dahil na rin sigurong sabay silang nanganak. Oo, sabay kaming ipinanganak ni Kevin.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
PoetryA collection of different variety stories. From the magical and creative mind of writerJHiO.