Chapter 25

2.8K 82 0
                                    

"So, Riley was right. You knew all along. From the moment you saw me before I even enter the main building." Sabi ko. Sinamaan niya ako nang tingin na para bang sobrang sama ng ginawa ko sa kaniya. "Kamusta ka naman, best friend?" Tanong ko sa kaniya para lalo siyang magalit. Hindi ko gets kung bakit galit siya sa akin, wala naman akong ginawa sa kaniya. If there's anyone who can be angry, that's me.

"Alright, everyone go to the training room. Kayong lima, magstay." Sabi ni Hiro. Agad namang sumunod ang mga gang members at tahimik na umalis ng meeting room. I crossed my arms over my chest when everyone left.

"Sinasabi mo bang si Sella ay si Bella?" Tanong ni Stan. Muka siyang litong lito sa nangyayari. "At alam mo simula palang tapos hindi mo sinasabi sa kahit na sino sa amin?" Sabi niya pa habang masama ang tingin kay Janessa.

"Bakit ko naman sasabihin? She left you! She's gone!" Sabi niya. Napataas naman ang kilay ko dahil sa rason niya.

"Are you still jealous of me?" Tanong ko sa kaniya. Am I still a threat to her? I was gone for years and she didn't manage to build up her confidence?

"Shut up! Wala kang alam!" Sigaw niya. Alam ko naman, Janessa. I clearly know that you are still mad.

"Alam ko na rin simula palang, ako lang ang nakilala niya agad." Sabi naman ni Riley.

"I knew about it when Riley told me to keep an eye on her." Sabi ni Geoffrey. Napanganga naman ako sa gulat. Kaya ba biglang nagbago ang pakikisama niya sa akin?

"If you can't still rememver me, I'm Ivan." Sabi niya pa at nginitin ako.

"Kanina ko lang nalaman na siya si Sella." Sabi naman ni Hiro. He was so awkward about it because we started as enemies as Hiro and Bella. Ofcourse, it would be so awkward.

"Wow, so ako lang ang walang alam tungkol dito?" Sabi ni Stan. Para pa siyang trinaydor dahil doon kaya tinawanan lang siya ng mga lalaki.

"Ley, if I told you first, baka ibroadcast mo lang sa lahat." Sabi naman ni Riley sa kaniya. Napangiti naman ako dahil sa nakikita ko. They're talking like before. Pero parang may kirot sa puso ko na makasama sila at makitang parang walang nangyari sa akin.

"That's it? You're just going to accept her again?! Just like that?!" Napatingin kaming lahat kay Janessa na gait pa rin. She was glaring at me. Ano bang problema niya?

"Ano bang meron sayo? Pinagmumuka mo namang masama yung paghohomeschool niya." Sabi ni Riley. From the four of the boys, si Riley ang laging nakakagalit ni Janessa kaya hindi na ako magugulat kung magsasagutan sila. He isn't careful with his words when it comes to her. Basta sinasabi niya lagi na ang dramatic at problematic faw ni Janessa dahil nagseselos siya sa wala.

"She always ruins everything!" Sigaw ni Janessa.

"The only one who ruins something is you, Janessa. Bakit mo ba ginagawa to?" Sabi ni Geoffrey. Nakita ko ang pagbuntong hininga ni Hiro dahil sa sinabi ni Geoffrey, ni hindi siya makakontra dito. Hindi rin ako sumagot dahil hindi ko naman alam ang nangyayari sa kanila noong nawala ako.

"Shut up! Hindi ko deserve ang ganitong treatment mula sa kahit na sino sa inyo when I did everything to keep you apart from her! I even hid her letters for each and everyone of you!" Sabi niya. Natigilan naman ako bigla.

"You did what?" Tanong ko as if I didn't hear what she just said. Gusto ko lang maging sure na tama ang naririnig ko at hindi ako nagkakamali. Baka mamaya ay iba ang sinabi niya.

"What letters?" Tanong ni Hiro na may pagkalito. My face started to heat up because of anger. That's why I didn't hear back from them.

"Kaya ba hindi sila nagrereply sa akin?! Tinago mo sa kanila?! Lahat?!" Sige ko. I am so annoyed. I want to kick her real hard!

Spade University: Who Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon