EPILOGUE
Minsan, kahit gaano natin kagusto ang isang bagay. Kahit gaano tayo kapursigido para lang makuha ito. Kahit gaano pa tayo katiyaga huwag lang mawala ito sa atin na labis nating iniingatan, di mu parin ito mapipigilan dahil sa bandang huli, ang nasa taas na ating diyos parin ang siyang magpapasya kung ano at sino ang para at hindi para sa atin. Laging walang kasiguraduhan ang bukas. Maaaring ngayon masaya ka, pero bukas malungkot kana. Maaaring ngayon tumatawa ka, pero bukas umiiyak kana. Maaaring ngayon nasa'yo ang lahat ng bagay na mahalaga at importante sayo, pero bukas wala na. Hindi mu masasabi kung kelan ito mananatili at mawawala. Para din 'yang pag ibig at mahal mo sa buhay. Ngayon masaya ka dahil umiibig at iniibig ka. Ngayon minamahal at nagmamahal ka. Ngayon kasama at nakakasama mo ang mahal mo at nagmamahal sa'yo. Pero pag dating nang bukas, sa isang iglap, maaaring mawala at maglaho lahat ng 'yan na parang bula.tulad ko, dati lagi ko siyang kasama at lagi akong masaya. Pero ngayon, hindi na. Sa kinahinatnan ng love story namin ni louie. Walang happy ending. Dahil lahat ng bagay sa mundo, hindi permanente. Pero kahit hindi naging kami sa huli, di ko pinagsisisihan na minahal ko siya at naging parte siya ng buhay ko. Hindi mu naman kasi alam kung anung mangyayari sa hinaharap di ba? Ang kailangan mu lang gawin eh umayon sa takbo ng buhay mo. Kung umibig ka noon at nasaktan ka lang sa huli, sumubok ka ulit. Hindi nauubos ang chances. Sumubok ka lang nang sumubok hanggang sa makamtan mo ang kaligayahan at pag ibig na inaasam asam mo. Ako, sa ngayon, masaya na sa buhay ko. Hinihintay ko nalang yung tamang panahon para magmahal at muling buksan ang puso ko para sa pag ibig. Ayokong madaliin ang lahat. More than one year na after nung incident naming tatlo. Di ko pa man sila napapatawad ng lubusan, alam kong darating din ang tamang panahon para don. Sabi nga nila time heals all wounds. Oh pano, hanggang dito nalang ako. Sana yung lovestory nyo may happy ending.
THE END
