Chapter 2

68 12 9
                                    

 

 

Music on the side. Dedicated to you. :)

 

--

 

Chapter 2

 

 

Kailangan kong puntahan ang isa ko pang kaibigan, si Kai. Nasa isang publishing company siya nagtatrabaho at kailangan naming magkita. Dahil, miss na miss ko na siya. Haha. Ganito naman talaga ako kapag nakakamiss ng kaibigan, magagawa kong mag undertime.

 

“Klare? Asan ka na ba DJ Luka?” naglalakad ako sa daan habang hawak hawak ang telepono ko gamit ang aking kanang kamay. Bitbit ko naman ang aking itim na bag sa kaliwang kamay. “Teka teka, maghahanap lang ako ng taxi, inday!” sabi ko.

 

“O sya, sorry talaga ha? Hindi tayo makakapag date ngayon just like before. Alam mo na, busy ako sa ini-edit kong novel dito. Baka pagalitan pa ako ng boss ko kapag umalis ako ngayon. Alam mo na, ang ganda ko naman para hindi niya payagan na mag undertime!”

 

“Okay lang. I understand. Kaya nga ako na lang ‘tong pupunta sa’yo.”

 

-

 

Matapos ang 30 minutes na pagbabyahe ay nakarating na ako sa kumpanya na pinagtatrabahuan ni Kai. Binati pa ako ng guard papasok ng kumpanya, “Hi DJ Luka!” sabi pa nito. Ngumiti ako sa kanya. Nung isang linggo pala ay napakilala sa akin ni Kai itong guard at sabi niya isang malaking fan ko raw ito. Hindi nga ako makapaniwala dahil sa loob ng mahigit isang buwan na pagsasalita sa radio, nagkaro’n na ako ng isang fan.

 

Huminto muna ako sa information desk, “Good morning ma’am, may appointment po kayo?” tanong sa akin ng isang magandang babae. “Uhm, bibisitahin ko lang si Karelle Ynares, editing and copyreading department.” sagot ko in a friendly way.

 

“Okay then ma’am.” tumango lang siya at iyon na ang naging hudyat ko para maglakad papunta sa elevator. Pero siyempre, hindi ko nakalimutang magpasalamat sa kanya.

 

Habang naglalakad ako ay tinignan ko muna ang cellphone ko. Napansin kong malapit nang ma dead battery. Naubos nga pala ang tatlong oras ko sa kakagamit nito kanina. Tinawagan ako ni Delight, maging ni Kai, pati na rin si Kuya Gary. Tinext ko muna si Kai para malaman niyang papunta na ako, “Hoy inday, papunta nako sa department niyo. Maghanda ka diyan ng red carpet ha?” nakabungisngis pa ako habang sinesend ito sa kanya. Sandali lang naman kaming magkikita dahil mayamaya raw ay dadating na ang masungit niyang boss.

 

Nagreply agad si Kai, “Okay ma’am. Okay mahal na reyna. Kaso wala ang inyong hari? Bwahaha.” ang lakas talaga ng trip nitong babaeng ‘to. Siguro nga kaya naging kaibigan ko ‘to kasi baliw rin ang isang ‘to. Lahat naman ng kaibigan ko, baliw eh.

 

“Di na kailangan ng hari, tse. O sge na, sasakay na’ko ng elevator inday. Buhbyeee.”

 

*Ting!*

 

Eksaktong tumunog ang elevator at bumukas ito. Isa isa nang naglabasan ang mga tao na sakay nito. May dalawang lalakeng nakasuot ng polo at may isa na naka corporal attire, may isang janitor, may isang estudyante na naka highschool uniform, meron ding isang babae na naka jeans lang.

When Love Finds YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon