I love you <3

270 10 0
                                    

Marieta's POV

LOVE at 1st Sight

Isusubo ko palang yung kutsarang may kanin at ulam nang...

"Hoy Marieta! Tigil tigilan mo nga yang pagkain mo! Wag mo akong sisisihin kung maging lumba lumba ka ah!" Tinampal ng nanay ko yung kamay ko na may hawak na kutsara.

"Nay naman oh! Paepal ka po! Ambooot!" Sabi ko sabay iling.

Hindi ko na pinansin yung nanay ko saka ako kumain ulit.

"Nakooo! Bahala ka ngang bata ka! Di ka masabihan, kaya walang nagkakagusto sayo eh. Makaalis na nga at nagsasayang lang ako ng oras sayo baka maubusan pa ako ng bagong huling isda, bahala ka nang magbantay sa bahay natin." Sabi ni nanay sabay kuha ng bayong at umalis.

"Bye nay!" Sigaw ko sa kanya habang papalabas na sya ng pinto.

Natapos din ako sa pagkain at napahawak sa tyan ko.

Hmmmm. Ang sarap kumain.

Hinimas himas ko yung tyan ko saka sumandal sa sandalan ng silya namin.

Pumikit ako.. (-____-)

"MARIETAAAA!! HOY!!"

"Ay anak ka ng tatay mo!!" Napabalikwas ako sa kinauupuan ko sa gulat.

Napahawak ako sa dibdib ko.

"Ano ba Cholay! Papatayin mo ba ako? Juicekopo!"

"Pasensya na Marieta, eh kasi si Jing may kasamang dayo eh! Nako! Napakagandang lalaki! Kaya halika samahan mo ako para makita mo sya."

"Wala akong interes sa mga ganyang bagay Cholay." Sabi ko sabay pikit ulit ng mata ko.

"Hoy Marieta! Kaya ayaw sayo ng mga lalaki kaytamad mo eh! Bumangon ka nga dyan." Pilit nyang hinihila yung braso ko at itinatayo sa kinauupuan ko.

“Marieta kapag hindi ka pa tumayo dyan, hinding hindi na kita ililibre ng isaw, ano pa ba paburito mo? Ah oo! Yung dinuguan. Ikaw rin.” Naramdaman kong bumitaw sya sakin.

“Eto na tatayo na nga ako eh. Nasaan ba yung gwapong lalaking iyon ha?” Tumayo ako sa pagkakaupo ko, kasi ayokong hindi na ako ilibre ni Cholay, paburito ko pa naman yung mga sinasabi nya.

“Tara!” Hinila nya ako sa braso at saka kami nagpunta sa bahay ni Jing.

*toktok*

“TAO PO! JING!” Kumatok si Cholay sa pinto nila Jing at hinihintay na pagbuksan kami.

Wala talaga akong interes sa mga kalalakihan, ang gusto ko lang naman ay kumain ng mga paburito kong pagkain. Sabihan man ako ni inay na baka maging lumba lumba ako pagdating ng panahon ay ayos lang basta’t hindi naman ako nagugutom.

Pinagbuksan kami ni Jing ng pinto.

“Oh Cholay, Marieta nandito pala kayo. Pasok.” Pinapasok kami ni Jing sa loob ng bahay nila.

May kalakihan ang bahay nila kesa sa amin kasi dati sa Maynila sila nakatira. Bagong lipat lang din sila dito sa Cebu.

Hindi na rin ako nagulat kung mayroon syang kaibigang dadalaw galing Maynila.

Umupo kami ni Cholay sa upuang kawayan nila at naghintay dun. Sabi nya kasi ipapakilala nya kami sa kaibigan nyang kagagaling lang ng Maynila, naglayas daw ito dahil napagalitan ng nanay nya kaya dito muna raw sya pansamantalang titira.

“Marieta at Cholay ito nga pala si Kevin. Kevin sya si Marieta at sya naman si Cholay.” Nung nakita ko sya…

O//////O

Love at Third SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon