Epilogue
Ang pag-ibig hindi yan nadadaan sa pilit.
Kapag pinilit mo, lalong hindi mapupunta sa’yo at lalong hindi ka sasaya.
Ang kapalit nito ay sakit.
Gaya ng sinabi sakin ni Aling Cora ang gayumang ginawa namin tatlong buwan na ang nakakalipas ay hindi tatagal ng isang buwan.
Wala na si Kevin.
Nagalit sya nung nalaman nyang gayuma lang pala ang lahat.
Sinaktan nya ako, ang dating tahimik na si Kevin ay malaki na ang pinagbago.
Kasalanan kong lahat.
Hindi ko dapat pinilit iyon.
Pinili kong magpakalayu-layo muna at makipagsapalaran sa Maynila para makalimutan ko sya. Ang nais ko nalang gawin ngayon ay ang mamuhay ng masaya kasama ang isang paslit na nabubuhay sa aking sinapupunan. Oo nagdadalang tao ako at si Kevin ang ama. May nangyari samin nung mga araw na ako lang ang nakikita nyang babae.
Pinipilit kong mamuhay ng normal para sa magiging anak namin.
Pinili kong lumayo para hindi nya malaman ang tungkol sa sitwasyon ko ngayon. Ayoko nang bumalik sa kanya kasi ayoko nang masaktan. Tama na yung nangyari dati, baka hindi ko na kayaning muli.
Ang tanging nakakaalam lang ng sitwasyon ko ay ang aking inay at si Cholay, sila lang dalawa.
“Ma’am Sir. Bili po kayo nitong make-up. Siguradong gaganda kayo kapag ginamit nyo ito.” Isa ako ngayong saleslady sa isang mall, medyo sanay na akong magingles at magtagalog ng maayos dahil sa training na ginawa namin. Pwede pa naman daw akong magtrabaho sa sitwasyon ko kasi hindi pa naman daw ganun kalaki ang tyan ko.
“Miss may kasiguraduhan ba yan?” May biglang nagtanong saking isang lalaking matangkad at gwapo.
“O-opo naman s—Kevin?” Nagulat ako sa nakita ko.
Dugdugdugdug
Naramdaman ko nanaman yung pagbilis ng tibok ng puso ko na matagal ko nang hindi nararanasan.
Bakit sya nandito?
“A-anong ginagawa mo dito?” Umiwas ako ng tingin sa kanya.
Kung dati gustong gusto kong tinitingnan sya, ngayon hindi na kasi nahihiya ako sa mga ginawa ko sa kanya dati.
“Bibili?” Sinagot nya ako habang nakangiti.
“P-pero pamba-b-bae lang t-to noh!” Iwas pa rin ang tingin ko sa kanya.
“Marieta.”
“Ke-k-kevin?” Humarap ako sa kanya at nabigla ako sa sumunod na nangyari.
Hinawakan nya ako sa magkabilang pisngi at hinalikan sa aking mga labi.
Ilang sigundong tumigil ang mundo ko sa ginawa nya.
1..
2..
3..
4..
5..
“Bakit hindi mo sinabi?” Bigla nyang hinawakan ang tyan ko.
“H-ha? Anong sinasabi mo?” Nagkunwari ako sa kanya na hindi ko alam ang sinasabi nya.
“Marieta, wag kang mag-alala hindi mo na kailangang itago sakin. Alam ko na.”
“Ang ano?” Hindi nya ako sinagot ang ginawa nya lang ay itinapat ang tenga nya sa tyan ko na parang may pinapakinggang kung ano.
“Baby, yung nanay mo kasi masyadong malihim. Ayos ka lang ba dyan ha? Hayaan mo nandito na si daddy. Aalagaan ko kayo ng nanay mong mangkukulam.” Nagulat ako sa sinabi nya kaya nahampas ko sya sa balikat.
“Anong mangkukulam ha?!”
“Simple lang, gumamit ka ng gayuma para mapamahal ako sayo.”
“K-kalimutan mo na yun. Nagsisisi na ako.” Napayuko ako sa sinabi ko.
“Alam mo bang parang panghabangbuhay ang talab nung gayumang yun sakin?” Napaharap ako sa sinabi nya.
“Pa-panghabangbuhay?” Nagtaka ako sa mga sinabi nya at naguluhan.
“Eh kasi hanggang ngayon ikaw lang ang babaeng nakikita ko at hinahanap ko. Marieta nung umalis ka parang nawala ang sigla ng buhay ko. Oo, nagalit ako kasi ginayuma mo ako pero ewan ko kung papaano ako napamahal sayo.” Mas lalo akong naguluhan sa sagot nya.
“Na-n-napamahal? Anong ibig mong sabihin Kevin?” Napakamot sya sa ulo nya at natawa.
“Mahal kita Marieta kahit walang gayuma. Nalove at third sight ako sayo.” Sagot nya sakin at muli, niyakap nya ako.
LOVE AT THIRD SIGHT… written by ThereYouAre
Nagustuhan nyo ba ang kalokohan ko? >___< HAHAHA. Votes, likes, comments, and be my fan okay?
Thanks for reading!
♥ThereYouAre
BINABASA MO ANG
Love at Third Sight
Short StoryPaano kapag nalove at first and second sight ka? Pero yung gusto mo, ayaw sayo? Anong gagawin mo sa pangatlong beses na pagkikita nyo?