Epilogue

372 11 1
                                    


It's been exactly a day bago ang ika-tatlong taon mula nang isuot ko ang singsing. Marami na rin ang nagbago. Nagdecide si Luke na umuwi na ng Pilipinas at magtayo na lamang ng negosyo dito. Sya na ang General Manager ng kanyang sariling construction firm. Maliit man ang kumpanya nya kung tutuusin, pero malaki ang potential.

Ako naman, dalawang linggo nang unemployed. Nagresign ako sa Fashion Palace bilang Junior Vice President for Marketing. Nagkaroon kasi ako ng mas magandang career offer that is just so hard to resist.

Naging magkasundo ang pamilya ko at pamilya ni Luke. Kung minsan nga, sasabihin ni Luke na mas mahal pa ako ng magulang nya kesa sa kanya. Ganun din naman ang pakiramdam ko, kung paano sya tratuhin ni Nanay.

Muling nagkita si Dane at si Luke. Noong nagbakasyon si Dane dito sa Pilipinas,nagkaroon sila ng pagkakataon na makapagbonding. Kami naman ni Nicole, nagbonding din sa pagsa-shopping, kasama ang kanyang baby sister at ang kanyang bagong Canadian mommy.

Nag-ring ang cellphone ko. Si Luke ang tumatawag sa kabilang linya.

"Hi, gorgeous" bati nya.

"Hi there, handsome" sagot ko naman.

"Pwede ka bang sumilip dito sa hotel room ko?"

"Ano ka ba, bawal nga. Sabi sa pamahiin, hindi daw pwedeng magkita ang mga ikakasal a day before the wedding."

"Sobrang nami-miss na kita. I can't wait for tomorrow."

"Hahaha! Ako din, sobrang excited na ako"

"Saan ka mas excited, sa wedding o sa honeymoon?" Panunukso ni Luke.

"Pwedeng both? Hahaha! I so love my wedding gown"

"Ako, I will love you with or without the gown. Pero mas excited ako sa without the gown. Hahaha! Joke lang."

"Hay naku, nagpapantasya ka na naman ha! Di bale, matutuloy na ang pinakahihintay mo after the wedding."

"Kidding aside, I can't wait for tomorrow. Bukas, we will be Mr. and Mrs. Lucas Jocson. Sobrang excited na ako"

"And I can't wait to say 'I do'..."

"I love you Antonia Ramirez..."

"I love you Lucas Jocson..."

---- END ----    

The Day She Said I Love You (PHR Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon