Sarado pa ang office unit ng Fashion Palace Retail Stores Inc. na nasa 29th foor ng Samson Tower sa Ortigas. One of the most promising fashion stores ang Fashion Palace kaya masasabi ko na ang mabigyan ng opportunity to be the Head Visual Merchandiser is a blessing.
“Good morning, Martin Cheon” Masaya kong salubong sa officemate ko. Si Martin Cheon ang pinakasikat na male leading actor sa isang Koreanovela ngayon. Yan ang tawag sa kanya sa office kaya nakigaya naman ako. Actually, his name is Lucas Jocson and we call him Engineer Luke. Or simply Luke. In fairness, may hawig nga sila. Pareho silang chinito, maputi at parang walang pores. Pati cut at style ng buhok nilang ginulo-gulo ay halos pareho. Manipis ang mga labi nyang mamula-mula, obvious na hindi sya naninigarilyo dahil bukod sa color ng lips nya, maputi din ang kanyang mga ngipin.
“Hi. Wala pa sila eh” seryoso namang bati nya sa akin. "Medyo maaga tayo. 6am pa ang call time natin." Naka-schedule kami ng out of town official business trip sa Baguio ng apat na araw para sa nalalapit na pagbubukas ng Fashion Palace doon.
Inilagay ko ang dala kong travel trolley sa tabi ng backpack nya. Inabutan ko syang nakaupo sa sahig, sa tapat ng entrance glass door. It’s only 5:45am. Medyo matagal tagal pa pala akong tatayo sa harap ng office unit na ito. Buti pa si Luke, carry nyang sumalampak sa sahig with his jeans and rubber shoes. I want to join him on the floor pero kamusta naman ang midi skirt and high heels na suot ko?
Napansin kong medyo kumunot ang noo ni Luke, as if he's confused.
"Why?" I asked
"Wala naman, Madam..." sagot nya.
Ang wierd. Una dahil sa tinawag nya akong madam at pangalawa, ano ang ibig sabihin ng pagkunot ng noo nya? Now I feel uncomfortable.
Silence.
I hate silence! Ano ba magandang sabihin sa new officemate to break the ice? I barely know this person since two weeks mahigit pa lang ako sa trabaho at ngayon lang kami magkakaroon ng pagkakataon na magkasama sa isang project.
"Hindi mahigpit sa dress code ang company?" That's what went out of my mouth, sa pag-iisip kung paano magsisimula ng conversation.
"Sakto lang. Pwede naman kasing mag-casual kapag may OB trip. Hindi ka ba na-orient?” May angas na banat ni Luke.
“Na-orient naman, na-miss out ko lang siguro yang part about dress code.” Casual kong sagot. Pero deep inside, nainis ako ng konti. Hello! Effort na nga ako mag-open ng conversation, babarahin pa ako.
Sa wakas, dumating din si Justin, and Company Architect. Mas madalas kong makausap si Justin kaya palagay ako sa kanya. Isa pa, mas may pag-uusapan kami, kaysa kay Luke.
“Nakita mo na ba ang layout ng store natin sa Baguio?” Tanong sa akin ni Justin.
“Yes. Pinag-aralan ko yun retail strategy mix ng store natin. May slight changes ako. Pero mamaya na natin pag-usapan. Ayoko masyadong ma-stress”
BINABASA MO ANG
The Day She Said I Love You (PHR Novel)
RomansaUPDATE: Dream come true. Bucket list checked. Ang nobelang ito ay nai-publish na ng Precious Hearts Romance (PHR) may ilang taon na rin ang nakaraan. Kinumpleto ko po ulit ang chapters. ********* Starring: Kim Chiu as Tanya; Xian Lim as Luke; Ge...