Kourtney's POV
"Hays ngayon nga pala yung audition na sinasabi ni Janina bakit naman kasi sinabi ko pang sasama ako e." Reklamo ni Kourtney sa sarili. "GOOOODD MORNINGGGG Kourtney!" pagsulpot ni Janina. "Hoy Janina ano ba papatayin mo ba ko!" Sigaw ni Kourtney. Agad namang tumawa si Janina at sinabing "Patay agad?! Pwede bang masaya lang ako ngayon dahil eto na yung araw na pinakaiintay ko?" Umirap na lamang si Kourtney at naghanda na para sa pagsama sa kanyang kaibigan.Justine's POV
Nagbibihis na ito ng tumawag si Magnus.
"Oy pre ano handa ka na ba?" Tanong ni Magnus. "Eto na nagbibihis na!" "Osige bilisan mo baka malate tayo e!" Pagmamadali ni Magnus. "Oo na sige na byee. " Binaba na nito ang cellphone at nagayos na ng mabilis.Magnus POV
"Whooo excited na ko pre andaming chickababes dun e!" saad ni Magnus. "Hoy ikaw galingan mo para mapansin ka ng chickababes na sinasabi mo!" Natatawang sagot ni Justine. "Eto naman wala ka bang tiwala sa pogi mong kaibigan?" hirit neto. "Wala!! HAHAHAHAHAH" Sagot ni Justine. Umiling na lamang si Magnus at nagkunwaring nagtatampo pero patuloy pa din sa pagtawa si Justine.Kourtney's POV
Umupo na ito sa isang sulok at hinayaan nya ng magpalista si Janina. Habang nagiintay sya e nahagip ng kanyang mga mata ang isang lalaki na gwapo, maganda ang katawan na mukang papalapit sa kanya. "Miss may nakaupo ba dito?" Sabi ng lalaki. "May nakikita ka ba?" Mataray na sagot ni Kourtney. "Ah e nagtatanong lang naman miss masyado ka namang masungit. Ako nga pala si Justine" iaabot na sana nito ang kamay nito kay Kourtney ng biglang dumating si Janina "Kourtney o number mo! Pang 7 ka", "Anong number? Para san to?" Nagtatakang tanong ni Kourtney. "Ayaw mo kasi pumayag e kaya ako na nagpalista sayo dun sa mga sasali" Sagot ni Janina. "Ano?! diba sabi ko hindi ako sasali?!" Reklamo neto. "E alam kong malaki pagasa mong manalo kaya ako na nagdesisyon." Pagmamalaki ni Janina. Umirap at hindi nalang sumagot si Kourtney.Unknown POV
"Okay guys pumila na dito lahat ng sasali! By numbers tayo okay!" Mabilis na pumila ang mga magauaudition. Nagumpisa na ito at hindi nagtagal e tinawag na ang "7!" tawag ng producer. Agad na lumapit ang babae at pinakilala ang sarili. "Hi Im Kourtney Jenner, 18 y/o", "Okay sige magsimula ka na" Sabi ng producer. "You know just what to say🎤🎤" Umpisang pagkanta ni Kourtney. Napabilib ni Kourtney ang mga judges. "Okay Ms. Jenner job well done pasok ka sa next round."A/N: Guys hanggang jan na muna try ko mamaya mag update.
YOU ARE READING
Famous Lovers
RomanceDalawang tao na nagumpisa bilang magkatrabaho at unti unti naglapit ngunit paano nga ba nila malalabanan lahat ng pagsubok kung lahat ng tao sa kanilang paligid e hadlang sa kanilang pagmamahalan? Magiging masaya pa ba sila o susuko nalang?