Operation: Coffee Tea or Me?

33 0 0
                                    

Abi's  POV

"Anak o, It's so beautiful. Bagay na bagay sayo itong dress na binili ko!" mukang excited na excited si Mama sa nabili niyang dress habang ipinapakita saakin. Ako naman, parang diring diri. 

"Ma naman, I already told you, I won't wear a daring dress. Kita mo nga halos makita na kaluluwa ko diyan. Baka gusto mo pa ako ipagahasa niyan? Ah basta! Ayaw ko niyan ma." pagsasalungat ko sakaniya. 

Paano ba naman kasi? Ang igsi igsi ng dress na binili niya. Makalagpas tuhod na. Tapos backless pa. Red dress. Diba super daring ng pagkakagawa ng damit? Damn it! It's not my freaking style.

"Anak naman pagbigyan mo na si Mama please? Hmmm papayag na yan." mapilit talaga si Mama eh no? Yumakap pa nga ito at para bang nagpapacute. 

"Hay nako Mama. Bahala ka diyan. "  tumayo ako at pumunta sa walk in closet ko. Andito kasi kami ngayon sa kwarto ko. Tumingin ako kay Mama na nasa kama ko at nakaupo habang hawak parin ang dress na pula.

"Look Ma, How many times do I have to tell you, It's not my style ok? " sabi ko.

"Just look at me Ma, Do I look like a girly girl to you? You know me ma, I'm a boyish girl." binuksan ko ang closet ko at tsaka iyon tinuro.

"See?" proud talaga akong ipakita 'yon.

" Eh anak anong gusto mo? 'Yan ang isuot mo sa darating niyong prom? No way anak. Gusto ko ikaw ang pinakamaganda sa pro-" 

"Eww Ma, Maganda? Me? Baka gwapo" natatawa kong sabi at nagtaas baba pa ng kilay. She sarcastically laughed.

"Ah basta sa ayaw at gusto mo ito ang sususutin mo for the prom." napanganga nalang ako. 

Never in my life  pa akong nagsuot ng dress. Since I was young I know I'm not a girl. Tibo! 'Yan ako. At proud ako. 

"Ugh! Whatever Ma. I'll wear what I want." 

"At tsaka isa pa, wala akong kadate for sure. So ano pang silbi ng pagsuot ko ng dress?" 

"Hmm.." umakto si Mama na para bang nagiisip.

"Gusto mo ba ng kadate anak?" nakangising tanong ni Mama. Ish! She's creeping me out.

"Uhh.. I don't know. Maybe? Para naman hindi ako magmukang kawawa do'n no" nagpagulong gulong ako sa kama ko dahil sa stress. hay nako.. ang tagal pa ng prom pero prinoproblema na agad. I still have 1 month. 

"Oh, I Change my mind. I don't need a date. Me myself is my date. " nakangiti kong sabi habang nakatingin sa taas. 

"No. We'll have a deal." napabangon ako sa sinabi ni mama. Deal? What kind of deal? I just look at her with a ' What do you mean' face. Gulo gulo ang buhok ko at nakakalat sa muka ko ang iba. Inayos iyon ni Mama at tsaka hinawakan ang muka ko. Para bang iniiscan 'yung muka ko? Anong trip ni Mama?

"Hindi ako papayag na wala kang kadate sa prom niyo. First time mo iyon anak." tinanggal ko ang pagkakahawak ni Mama sa muka ko at tsaka nagsalitang muli. 

"And so?" ano naman kung first prom ko 'yon? Pwede namang walang kadate 'diba?

"Operation: Look For Abi's Date." Napakunot ako ng noo sa taka. I don't get it.

"Ha?" 

"Within 30 days you'll find your date. Understood? " hindi makapaniwalang nakatingin ako kay Mama. 

"Within 30 days?! Ma, ni wala ngang may gustong makipag date saakin sa school. Saan naman ako hahanap ng kadate ko?" nababaliw na ata si Mama. 30 days? 

"It's not my problem anymore" isa itong malaking kalokohan. Tell me it's a joke right?

"Anong mangyayari saakin kapag hindi ko nagawa ang 'Operation: Look For Abi's Date'?" 

Love OperationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon