Operation: Kissing Monster

15 0 0
                                    

Abi's POV

Tapos na ang lunch break. Kailangan ko nang pumunta sa next subject ko which is History. Ugh! I can't understand why do they study History? I mean it's already in the past hindi na kailangan halungkatin pa or whatever. Past is past kung baga. I sound bitter right? Well.. a little tss.

Nagtungo muna ako sa CR.  Nauna na sina Amber dahil baka malate pa sila pag inintay pa nila ako. Paglabas ko ng cubicle humarap ako  sa salamin at huminga ng malalim. Naghugas ako ng kamay.  May narinig akong naguusap sa tabi ko. 

"Uy look at this Miranda  oh. Have you try this lipstick? Grabe bagay to sayo! You should  try this  ang ganda niya!" narinig kong sabi n'ong isang babae kay Miranda.  

"Really? I heard that it's very good nga. I'm about to buy that nga later eh. What do you think? Babagay kaya sakin yung light shade, Coleen? " echos pa ni  Miranda kay Coleen. Psh.. puro pagpapaganda lang ang alam. Mabuti sana kung magaling sila sa Science  at Math eh. Palibhasa mga pangit sila. Sabagay, pasalamat sila nauso ang make-up kung hindi baka lumabas  ang tunay na kulay ng kanilang pagmumuka. Atleast ako, 'di man ako magaling sa Science and Math, hindi naman ako naglalagay ng kung ano-anong kolorete sa muka.  Buti pa ako, fresh na fresh kahit walang make up. Well never rin naman ako nag suot ng make up. Yuck lang 'no!  Aalis na sana ako kaso may narinig pa akong usapan nila. Hindi naman sa pagiging chismosa, pero nacucurious lang talaga ako hehe. 

"By the way may party daw mamayang gabi sa bahay ni Riley 'di ba? Are you coming?" excited pa si Miranda habang sinasabi 'yan. Ahh alam ko na, mga may gusto din to kay Riley. Tsk. Tsk. Tsk. Grabe, iba talaga ang karisma ng Unggoy na 'yun. Di ko alam kung anong ginawa n'ong  Unggoy na 'yun sa mga babae dito sa school. Ginayuma ba niya mga babae dito? Buti hindi tumabla sakin. Eww!

"OMG! Really? Open Party ba 'yan?" Kinikilig na tanong ni Coleen kay Miranda. Open Party? Hindi ba ibig sabihin n'on ay lahat invited? Kahit sino? Grabe ganoon ba sila kayaman kaya kahit sino nakakapasok nalang basta basta sa bahay niya? Tsk. Palibhasa nakukuha niya lahat ng gusto niya. 

"Oo! At tsaka may iaanounce daw siya mamaya. Ano? Pupunta ka ba?" I-aanounce? Ano naman kaya 'yun? Tungkol saan kaya 'yung iaanounce niya-- Eh teka nga! Pakielam ko ba? Who cares? Tss.. aalis na nga ako!  Tumingin ako sa relo ko. Nanlaki ang mga mata ko kung anong oras na. OMG! Late na ako! 5 mins late na ako! Waaaaaa!

Tumakbo na ako pataas ng classroom ko sa  History. OMG nasa pinakataas na floor pa 'yun eh! Nagmamadali na akong pumunta sa classroom ko. Baka Kainin ako ng buhay ng Professor ko huhu! Nakakatakot pa naman 'yun. Ayaw niyang may nalelate sa klase niya. 

Nakita ko na ang classroom ko. Nakasara ito. OMG!  Nandun na si Prof! Waa yawko na sa Earth! Bakit ba naman kasi ang chismosa ko? Pahamak! Nandito na ako sa harap ng classroom. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi. Eh kasi naman baka mamaya pag bukas ko ng pinto katapusan ko na. Tsk. Bahala na nga. Nakapikit ako habang dahan dahang binubuksan ang pinto at sinara ulit ito. Waaa mumulat ko ba ang mga mata ko? Eh baka makakita ako ng halimaw! Char hehe. Minulat ko ang isang mata ko at nakitang walang tao. Napanganga naman ako. 

Whuut? Asan na yung mga tao dito? Kinuha ko ang cellphone ko, itetext ko sana si Amber kung asan sila pero nakita ko na nag text na pala siya sakin. 

'Bes. Wala na tayong klase kaya uwian na daw. Umuna na ako ha. Emergency kasi. By the way yung iblablind date namin sayo nasa Quadrangle.. Nagiintay' 

What? Iniwan nila ako dito magisa? Humanda talaga sakin yang Amber na yan! At anong sinasabi nilang nasa Quad daw yung ka blind date ko? Hala eh kung nagiintay siya dun kailangan ko nang umalis dito. Baka makaalis. Sayang naman yumg punta niya pero who cares anyway? Tss, I don't even care.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love OperationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon