Spring
It's been 3 months simula nung naging kami ni Kim. Stay strong pa rin hanggang ngayon, kahit nagkakaroon minsan ng problema, nananaig pa rin yung pagmamahalan namin, dahil maya maya onting lambing lang wala ng tampuhan. Dannielle Kim Zaragosa, I love you and nothing can make us apart.
"Busy ba kayo?", tanong ko sa mga katropa ko, "Patulong naman sana..."
Pinaliwanag ko sa kanila yung plano ko. Ngayon kasi ay February 8, 2008, at ngayon ang pangatlong monthsary namin ni Kim.
"Pwede na siguro to... Salamat ha."
"Okay lang, malakas ka samin eh. Hahahahaha!"
Alam ko nakakahiya na naman tong gagawin namin, pero okay lang, ganun talaga kapag mahal na mahal mo ang isang tao.
To: Babe.<3
Babe! I love you! Happy monthsary satin! Sorry, may gala po kami ngayon ng mga tropa ko. Sorry po Babe. :'(
Sana patawarin niya ako kung magsinungalin man ako, pero gusto ko talaga siyang surpresahin. Kaya tinext ko rin yung bestfriend niya...
To: Zoey
Zoey! Mamayang uwian niyo, ilabas mo si Kim sa gate ng school niyo. May surpresa ako. Wag mong sabihin ha. Salamat!
May klase pa sila ngayon kaya hindi pa siguro makakapagreply yun.
"Tara na...", at isa isa kaming kumuha sa mga ginawa namin.
Magkaiba kami ng pinapasukan ni Kim, pero hindi naman kalayuan, at mas maaga ng onting minuto lang ang uwian. Nang nakarating na kami kanila Kim, lahat kami huminga ng malalim, hahahaha, tsaka bumaba na ng jeep. Pagbaba pa lang namin, may mga ibang nakatingin na rin samin.
Fr: Babe.<3
Okay lang po Babe. Naiintindihan ko naman po. Ingat na lang po kayo, umuwi po ng maaga ha. I love you too. Happy Monthsary din po satin...
Lumakas lalo ang loob ko sa text niyang yan...
Fr: Zoey
Oh sige, sige. Eto na, palabas na kami...
Bigla naman akong kinabahan...
"Oras na...", sabi ko sa kanila...
Luminya na kami sa harapan ng gate at may kanya kanyang hawak, at ngayon talagang pinagtitinginan na kami. Nung nakita ko na si Kim...
"BAAABE!!!", sigaw ko para makuha ang atensyon na.
At isa isang tinaas ng mga katropa ko yung mga 1/4 illustration board na hawak nila na may letters at nagform ng "HAPPY MONTHSARY!". Sa huli tinaas ko yung hawak kong 1/2 illustration board na may nakalagay na "I LOVE YOU!". Pagkatapos nun, lumapit ako sakanya at nagabot ng rosas.
"Mahal na mahal na mahal na mahal kita...", bulong ko.
"At mahal na mahal na mahal na mahal din kita...", at ngumiti siya, na kahit kailan hinding hindi ko pagsasawaan.
I hugged her so tight. I really am in love with this girl. So much.
"Salamat Babe..."
BINABASA MO ANG
Even Seasons Change
Short StoryLove at first sight? I don't actually believe in it, not until I've experienced it. But you, do you believe in it? Let me share my story as I met a girl, a girl that became my love, my dream, my life, my everything.