Prologue

218 2 0
                                    

"Barbie, huwag ka ngang makulit!" Dahan-dahan ang kanyang paglakad samantalang tuwid na tuwid ang kanyang mga braso sa pagbitbit ng mga plato mula sa pamingganan.

BLAG!

"Sinabi nang huwag kang maku..." lumapit sa kanya ang kanyang Ate Vilma. May dala itong tsinelas at pinalo siya ng marahan. Pagkatapos ay tinabig siya nito papunta sa gilid ng kusina. Nakapony-tail ang kanyang buhok sa magkabilang gilid at tagaktak ang pawis habang mahigpit na pinipigilan ang maiyak.

"Sinasabi ko na nga sa 'yong wag kang tutulong sa pagliligpit ng mga pinggan..." patuloy ito sa panenermon habang pilit niyang itinatago ang mga sumisilip na butil ng mga luha sa kanyang mga mata.

"Waaaah! Mama..." bigla na lamang siyang ngumawa ng makita ang paparating niyang ina. Ito ang kanina pa nilang hinihintay na paparating mula sa Maynila.

"Oh bakit naman umiiyak itong bunso ko?" niyakap siya ng magiliw na ina at agad – agad siyang kinarga.

"Nay kumusta na po kayo?" pagbati ni Vilma mula sa malayo na patuloy pa ring pinupulot ang mga tipak ng plato.

"Okey lang anak, bakit ba umiiyak itong si Barbie?"Pinahid nito ang kanyang mga luha habang niyuyugyog sa pagkarga pero patuloy pa rin siya sa pagngawa.

"Oh baby ko wag ka nang umiyak, may dalang manika ang nanay para sayo," patuloy na pagsuyo ng kanyang ina sa kanya. Tumigil siya nang iniabot sa kanya ang tumutunog na manika. Pero di pa rin nagimbal ang kanyang pagngangawa. Niyakap niya lang ang manika at pinaliguan niya lamang ito ng luha at sipong dulot ng kanyang pag-iyak.

"Behave na baby ko. May bisita tayo," sambit ni Aleng Linda nang makitang bumaba na mula sa van si Donya Pacita. Ibinaba kaagad siya ng kanyang ina at pinaupo sa pininturahang kawayang sala set. Doon naman niya ipinagpatuloy ang pagngawa.

"Ma'am pasensiya na po kayo sa maliit naming bahay." Kaharap nito ang tatlong taon nang pinagsisilbihang donya. Pangmayaman ang gayak nito at halatang nakaririwasa ang kulay ng balat.

"Ano ka ba, ok lang iyan Linda..." natigil ang pagsasalita nito ng mapansing nakayakap sa mga hita nito ang isang batang lalake. Sinusundan ito ng isang yaya. Nasa anim na taong gulang ang bata. Nakasuot ng mamahaling sapatos at fully clothed ng sikat na brand ng kids apparel. Nakasuot ito ng pambatang baseball cup at moreno man ang balat ay makinis naman.

"Oh baby Ken, pumunta ka muna doon kay baby oh, makipaglaro ka," utos pa ng donya sabay turo kay Barbie na napatigil sa pag-iyak ng makita si baby Ken. Nagulat naman ang mayamang batang lalake ng makitang nanglilimahid na sa sipon ang damit niya. Guray-guray na rin ang kanyang buhok at pawisang pinapahid ng kanyang braso ang sipon niya. Pagkatapos noon ay pinahid naman niya ng kanyang mga palad ang kanyang mga luha. Humihikbi't sinisinok siya habang halos di kumukurap sa pagkakatitig kay Ken.

"Grandma, I don't like her. She's dirty," pakutya nitong sambit at nagtago kaagad sa likod ng grandma nito.

"Be nice to her baby Ken," sambit ng grandma nito habang tinapik ang balikat ng apo. Sumenyas naman si Aleng Linda kay Vilma. Iniuutos ng mga mata nito na ayusan ang bata para makalaro ng mayamang batang lalake.

*****

LUMABAS ng kwarto si Barbie kasama ang Ate Vilma niya. Animo'y dadalo siya sa birthday party dahil sa damit niyang lumulubo sa laki. May raffles pa ang laylayan nito. Hanggang tuhod ang haba at kulay puti. Namumuti rin sa kanyang leeg ang Johnson's baby powder. Cute naman ang suot niyang rubber shoes kaso hindi ito magcomplement sa suot na damit dahil sa kulay at yari nito. Maaliwalas na rin ang kanyang mukha at maayos na ang pagkakatali ng kanyang buhok. Nahihiya siyang lumapit kay Baby Ken habang nginangatngat ang kuko. Sumandal muna siya sa dingding habang nakangiting pinagmamasdan si baby Ken. Ang mga kilos niya'y nagpapahiwatig na sana'y yayain siya nitong maglaro. Nilalaro ng batang lalake ang di-bateryang robot. Kasama nito ang yaya. Pasimple siyang lumapit siya sa yaya nito.

"Ate, tino tiya?" nakangiti niyang tanong kaya't nagsilabasan ang bungi-bungi niyang ipin.

"Ah tiya ti bibi Ken. Anong panalan mo, bibi?" animo'y sinapian ng batang espiritu ang yaya nang gayahin nito ang pagsasalita niya.

"Balbie po an panalan to. Pedi po ato maglalo ng lobot niya?"

"Hindi pedi bibi. Barbie Doll lang ang para tayo kasi babae ta. Understand?"

Hindi na sumagot si Barbie sa halip ay bumalik sa pagkakasandal sa dingding at nakapako pa rin ang mga mata sa naglalarong si Ken.

Maya-maya lang ay napansin ng yaya na pinagpapawisan na si Ken kaya tumayo ito at kumuha ng pamunas pati na rin ng maiinum na flavored water. Naging pagkakataon naman ito para makalapit siya sa guwapong bata. Nakaluhod si Ken habang minamanipula ang remote control ng robot. Mula sa likuran ay biglang sumulpot sa harapan si Barbie. Umupo na parang naglalaba kayat napansin nito ang kanyang panty. Hindi 'yon masyadong pinansin ng batang mayaman sa halip ay patuloy na naglaro na parang di man lang siya napansin. Tumalikod ito sa kanya. Otomatiko namang nakapuwesto siyang muli sa harapan nito. Sa puntong iyon ay umimik na siya.

"Uy bata, anong nilalalo mo?"

"Robot." Matipid nitong sagot.

"Pwede hilam ato?"

"Hindi pwede," pasigaw nitong pagtutol at tumalikod ulit. Maya – maya lang ay nasa harapan na naman siya nito at biglang hinablot ang robot. Pahablot din nito itong binawi kaya nabitawan nito ang remote control. Napansin naman niya ang remote control. Bigla niya itong kinuha at binato sa kaharap na bata. Nasapol ang noo nito. Namula ang buong mukha nito pero sa halip na awayin siya'y umiyak lamang ito ng malakas.

"Yaya, yaya, yaya. Inaaway ako ng pangit na bata."

Namutla naman si Barbie sa mga nagyari. Wala siyang imik hanggang sa dumating ang yaya nito pati si Vilma.

"Ano ang nangyari baby?" tanong ng yaya.

"She hurt me?" patuloy pa rin ito sa pag-iyak habang itinuturo siya. Humarap naman ang yaya kay Barbie.

"Ano gawa mo bibi?"

Walang lumabas na boses sa lalamunan niya sa halip ay umiiling-iling lang. Mula sa pamumutla ay namumula na rin ang kanyang mukha dahil sa takot. Nag-uulap na rin ang kanyang mga mata.

"Barbie, anong ginawa mo kay Ken?" nakapamulagat ang mga mata ni Vilma habang tinatanong ang bunsong kapatid.

"Lalo lang tami," pagkasabi noon ay muli na naman siyang ngumawa ng pagkalakas – lakas.

"She destroyed my toy yaya," mas lalo pa itong umiyak.

"Oh tama na baby, punta tayo kay grandma," sambit ng yaya kay Ken. Habangkinakarga ito palayo ay sumisigaw ito ng pangit, pangit, pangit at nakaturo angmga daliri sa kanya. Malakas pa rin ang pagkakaiyak nito kaya nainis si Vilma.Dumampot ulit ito ng tsinelas at pinalo siya sa puwet. Ngumawa ulit siya nangngumawa.

Patayin sa Kilig si BarbaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon