Isang malaking gate na gawa sa bakal ang bumukas sa kanilang harapan habang sakay pa rin ng kotse. Mga ilang metro din ang distansya mula sa gate papunta sa mismong mansion. Di mapigilang mamangha ni Barbara sa kanyang nasisilip sa bintana. Nadaanan nila ang nagkumpulang sunflower, island rose, at bellflower na mas lalo pang pinaganda ng magandang pagkasalansan at pagkakadisenyo. May mga puno at pines din sa loob ng hardin na siyang nagbibigay ng lilim sa kapaligiran. Bigla naman siyang napangiti nang makita ang isang batong cherubin na umiihi habang nagtatalunan ang mga tubig sa inaapakan nitong nililok na bato.
Ilang saglit lang ay mas lalo niyang nakita ang kabuuan ng mansion ng sila'y bumaba ng kotse. Apat na palapag ang gusali na inspired ng Oriental old world at binubuo ng kulay elegant brown, white at grey. Mula sa pintuan ay napansin niyang may kumakaway na isang babaeng nakauniporme. Papalapit ito sa kanila at malugod na bumati.
"Ate Aida, siya na ba ang bagong katulong dito," nakangiting tanong nito.
"Oo siya na nga," pagkarinig n'on ay nanginig ang kanyang kalamnan. Anong
pinagsasabi ng mga ito?
Pumasok na sa mansiyon ang dalawa at sinamahan si Barbara papunta sa maids' quarter. Doon ay may napansin siyang isa pang maid na nakahiga at nagbabasa ng pocketbook.
"Hi ate Aida, narito na pala kayo," ani Lorna na pansamantalang itinigil ang pagbabasa. Humarap din ito sa kanya. "Welcome to our kingdom madam," pasambulat nitong salubong sa kanya. "What is your name?"
"My name is Barbara Bersabe galing po ako sa Leyte," nakangiting pagpapakilala niya.
"Naku day magkakasundo tayo sa lagay na 'yan dahil ako'y taga Quatar. Taga Quatar-man Northern Samar ako," sabay – sabay silang lahat na nagtawanan.
"Ay oo nga pala, nakalimutan ko. Barbara eto nga pala si Lorna, galing siya ng Batanggas. Ito naman si Fe na nagkataong kababayan mo pala," pagpapakilala sa mga ito ni Aida.
"Oh, Barbara magpahinga ka muna. Pagkatapos ay itotour kita sa buong mansion para alam mo naman kung saan ka pupunta kung sakaling mautusan ka, okay? Sa ngayon, babalik muna kami sa aming mga trabaho," pabirong pagtataray ni Lorna.
"Tama 'yan day," paningit naman ni Aida.
"Teka, hindi ako ka..." naputol ang pagsasalita niya nang dagli itong nagsialisan. Bumalik naman si Fe na may dalang meryenda.
"Heto kumain ka muna ng keyk at may dala rin akong juice. Pagkatapos mong kumain ay pwedi ka munang matulog. Gamitin mo nalang ang nakahandang kumot at unan diyan. Para talaga 'yan sayo," dagdag pa nito.
"Uy teka lang Fe, kailangan kong makausap si Ken..."
"Boss Kaeser, Barbara," pautos ang tono nito.
"Kailangan ko kasi siyang makausap agad," nakakunot ang noo niya.
"Aba'y demanding ang lola. Hintayin mo kong kailan ka ipapatawag ni senyorito. Oh siya, magpahinga ka na, aayusin ko lang ang kwarto ni sir."
Naiwang mag-isa sa maid's quarter si Barbara. Hindi niya maipaliwanag ang mga nangyari pero wala siyang magawa. Ipinagpatuloy niya ang pagkain ng nakahaing meryenda. Napabuntong – hininga siya sa kanyang sitwasyon pero naging panatag din naman kaagad ito dahil sa ipinakitang hospitality ng mga kapwa-katulong.
*****
Kadalasan ay umuuwi si Kaeser ng alas nuwebe ng gabi. Mag – aalas – siyete pa lamang at oras na para kumain ang mga katulong, security guards, hardinero pati na rin ang mga alagang chiuaua ni Kaeser.
May dining table sa loob ng maid's quarter at doon sila kumain.
"Barbara, pagkakain natin ay ililibot kita sa buong mansion para alam mo naman ang pasikut-sikot dito," paanyaya ni Fe.
"Ay naku day, mansion tour part I kamo. Akala niyo ba'y matatapos ninyong lahat na libutin ang mansion ngayong gabi?"
"Ano ka ba Lorna, siyempre dun ko lang siya itotour sa mga lugar na palagi nating pinupuntahan. Alangan naman dalhin ko pa siya sa mga attics at mga bodega," nakataas ang kanyang kilay habang nagpapaliwanag.
"Ay naku, 'wag mo na siyang itour sa kwarto ni Boss Kaeser baka masindak siya sa mga kalat."
Sabi ko na nga ba, hanggang ngayon ay spoiled pa rin ang taong 'yon.
Maya – maya lang ay natapos na silang kumain. "Tara na kumilos na tayo baka dumating na si Boss Kaeser," utos pa ni Fe.
Niligpit nila ang kanilang pinagkainan. Nagsimula namang magsara ng mga pintuan at bintana si Aida. Isinagawa na nina Barbara, Fe at Lorna ang paglibot sa buong kabahayan.
"Alam mo palaging walang tao dito sa mansion kaya walang masyadong problema. 'Yun nga lang pagdating ng mga may-ari ng bahay, kailangang maayos ang lahat."
"Ay naku lalo na 'yang si masungit – ngunit – cute na si Boss Kaeser na 'yan, di mo maintidihan ang ugali. Minsan mabait, minsan nama'y sukdulan ng sungit," pagsingit pa ni Lorna.
"Ano ka ba? Malilintikan ka talaga 'pag narinig ka ni boss diyan sa mga sinasabi mo. Ituloy na nga natin ang paglilibot."
Hindi pa rin makarecover si Barbara mula sa pagkakalula sa mansiyong kanyang tinutungtungan. Mas lalo pang lumitaw ang ganda nito sa may living room kung saan makikita ang mga Kenneth Cobonpue pieces. May sectional sofa na nagpupuno sa kalagitnaan ng sala. Sa corner table naman ay nakabalandra ang mga authentic na three hundred year old- antiques na galing pa ng India at Sri Lanka. May elegant lamps din na interestingly came from Palawan and of course kung mayroon mang nagrereyna sa sala, ito ay ang giant chandelier coming from Paris France.
"Alam niyo bang nahihiya pa rin akong tumungtong dito. Para akong nasa ibang bansa. Ni sa panaginip ay di ko akalaing mapupuntahan ko ang lugar na ito," pasimpleng papuri ni Barbara sa lugar.
"Ganun din kami noong first time namin. Kahit saang sulok ng mansion ay kamangha-mangha."
"Ops correction, hindi po lahat! Take note, magulo ang kwarto ng Boss Kaeser natin," pagkontra na naman ni Lorna.
"Ay naku, andiyan ka na naman Lorna. Tara punta naman tayo sa lanai."
Tuluyan ngang pinuntahan nilang tatlo ang mga mahahalagang parte ng mansion at pagkatapos ay nagpahinga na. Si Aida naman ang nakatuka na magbantay sa pagdating ni Kaeser.
BINABASA MO ANG
Patayin sa Kilig si Barbara
RomanceUmiiyak at nagdadabog si Baby Ken habang sinisigawan siyang pangit, pangit, pangit! Tumatak iyon sa isipan ni Barbara (na anak ng tsimay ng spoiled na bata) hanggag sa siya ay nagdalaga. Pagkalipas ng ilang taon, muling magtatagpo ang ka...