chapter9

747 14 2
                                    

Aila Caroline Cervantes POV

Halos isang linggo ng hindi nagpapakita sa akin si Jason, ang sabi niya lang magpapahinga siya.

"Ready! tingin sa camera Aila , one, two, three! good!!" nandito kami ngayon sa isang resort, pictorial para sa Movie namin ni Yael

"Umayos ka kasi, dapat ganito oh!" O.O nagulat ako sa inakto ni Yael, bigla niya kasing kinuha ang right hand ko at inilagay sa kanyang batok na sana ay naka hawak lang sa kanyang kamay, at ang kaliwa naman ay inilagay niya sa kanyang dibdib, pagkatapos ay humawak naman siya sa bewang ko, sobrang lapit namin sa isat isa, 

nakatingin lang kami sa mata ng bawat isa

"Ganyan nga! tamaa, dapat love talaga, with feelings!! look each other with desire!!"-photographer

mas lalo niya akong inilapit sa kanya, nakatitig pa rin ako sa kanyang mga mata, 

"o sige , 'yan muna ngayon , Mag Break muna tayo!"

binitawan na namin ang isat isa. hmmm medyo nailang ako sa kanya pero hndi ko ito ipinakita,

"Hoy Caroline!" --.-- "ano?" walang gana kong sagot sa kanya ,

"Ang panget mo!!"

"HOY! MAGANDA AKO!! IKAW ANG PANGET!!" kainis tatawagin lang ako upang sabihin na, Panget ako?? ang Ganda ko kaya!!

"Ang panget mo talaga kahit saang anggulo!!" sabi niya sabay hawak sa baba ko, na parang kinikilatis. inalis ko ang kanyang pagkakahawak sa aking baba

"MAGANDA AKO!! ANG PANGET LANG TALAGA NG TASTE MO!!" inirapan ko siya at umupo muna sa sofa, kinuha ko ang mineral, nakaka uhaw sobra, kaya ayaw ko ng ganito mapapagod lang ako

Umupo siya sa tabi ko --.^?? napataas nalang ang kanang kilay ko,

"Maganda ang taste ko! pang high standard!" hindi ko nalang siya pinansin, ma bwebwesit lang ako

"Uy! Caroline!!" hwag mong pansinin Aila, Huwag!! 

"Caroline!!"

"Uy!!!"

"Ano ba!" hindi ko parin siya pinansin, bahala siya

"PANGET MO TALAGA!!" bigla akong napatingin sa kanya ng sabihin niya 'yan

"CHE!! MAGANDA AKOOOOOOOOO!!!" sigaw ko na nagpatingin sa lahat ng staff.

"Ingay mo!!" bulong niya, bubulong nalang maririnig pa!!

Tinignan ko siya ng masama pero parang wala lang sa kanya, naku!!!!

bigla siyang tumayo at umalis. mabuti naman at wala ng asungot

Tumayo na rin ako at pumunta sa CR.

Nang makalabas na ako ay tinawag na ako para sa Pictorial 

habang naglalakad ako ay nakita ko si Yael sa isang gilid at kumakain ng Lollipop.tsssk parang bata

"Anong tini-tingin-tingin mo diyan?"

"Para ka talagang bata!!"

"ano??" tumayo siya bigla

"Hindi ako bata!!! Patunayan ko pa sayo ngayon oh?"

"AILA HALIKA NA!!"- photographer

dinilaan ko nalang siya at tumakbo

*

Nandito ako sa bodega ngayon, kahit na wala si Jason kaya ko naman.

Let's Play: The Revenge GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon