chapter12

803 10 8
                                    

chapter12

Nasa labas ng Resort si Aila, ayaw niyang pumasok sa sa loob dahil baka nandoon si Vernon. "akala mo kung sinong gwapo!!" bulong niya sa sarili.

Naaalala niya nanaman ang mga nangyari kanina

*FLASHBACK*

Prenteng naka-upo si Aila sa couch habang nagbabasa ng isang Magazine.Kahit na busy siya ay napapansin at nararamdaman niya may nakatitig sa kanya,

Ibinaba niya ang binabasang magazine "Excuse me, Mr. Bautista, It is not good to stare to someone" inis niyang pahayag.

Napangisi naman si Vernon at napasandal sa couch na kanyang inuupuan, magkaharap na sila ngayon ni Aila, tanging ang maliit na lamesa at konting space ang pagitan ng dalawa sa isa't isa.

He crossed his arms across his chest and said "Excuse me Mss. Cervantes, are you sure na ikaw ang tinitititigan ko?"    "Oo ramdam ko e, at nahuli pa kita!" 

Tuluyan ng inilagay ni Aila ang Magazine na hawak sa lamesa , she crossed her arms and legs at itinaas ang kanyang kanang kilay.

Napa-ubo ng mahina si Vernon, na ikinainis ni Aila, "Hindi ka naman masydong nag-assume Mss. Cervantes" 

"hindi ako assumera!!!" medyo napalakas na sabi ni Aila na lalong nagpangisi kay Vernon.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Lalong nainins si Aila sa pagngisi ni Vernon. "how dare him!!" isip niya.

"Ahem ahem, alam mo Mss. Cervantes, I was just staring at the cover of the Magazine" Agad na napatingin si Aila sa over ng magazine. 

Isang napakagandang Bahay ang cover ng magazine, isang simpleng bahay na may magandang disenyo, ito ang tipo ng isang taong gusto ng magkapamilya, isang bahay na kung saan hindi malaki, hindi rin maliit, may magandang kapaligiran at may pwedeng paglaruan ang magiging mga anak.

"Tinititigan ko ang cover, dahil maganda siya, the house is simple, and i wanna look for it and buy it!" Napatingin si Aila ng Diretso kay Vernon.

Napahiya siya, OO nga ano, napaka assumera niya nga naman!! bakit ba sa tuwing nandiyan si Vernon e, natataranta siya?

Biglang tumayo si Vernon sa kanyang kina-uupuan, inilagay niya ang kanyang kanang kamay sa bulsa ng kanyang shorts, pumunta siya sa harap mismo ni Aila.

Kinakabahan si Aila "Ano kaya ang pinaplano ng lalakeng ito? Bwesit ang tanga-tanga ko naman!!!!"   sa loob loob no Aila ay gusto niya ng pukpukin ang sarili.

Yumuko si Vernon and he lean forward, itinukod niya  ang kanyang kaliwang kamay sa couch, habang ang kanan ay nasa kanyang bulsa parin.

Konting-konti nalang ang pagitan ng kanilang mukha. Hindi makagalaw si Aila "Hoy! tanga gumalaw ka!!!"  sigaw ng kanyang isipan.

Pero hindi talaga siya makagalaw dahil sa nakakatunaw na titig ni Vernon. Napalunok nalang siya dahil hindi niya alam ang kanyang gagawin at hindi siya makilos.

Sobrang titig na titig si Vernon sa babaeng kaharap niya, those adorable eyes, the pointed nose, those pinkish cheeks, the long beautiful hair, the soft skin and of course the kissable lips that he couldnt resist.

Inilibot niya ang kanyang paningin sa mukha ni Aila, hinawi niya ang iilang hibla ng buhok nito gamit ang likod ng kanyang kanang kamay , na kanina ay nasa kanyang bulsa lamang.

Hindi niya alam pero parang isang magnet ang mga labi ni Aila na hinihila siya. Unti-unti lalong lumalapit ang mukha niya kay Aila.

It's like a fireworks when their lips met. Nung una ay nagulat si Aila pero ng tumgal ay parang ginanahan siya kaya napapikit nalang siya.

Hindi sila Aware na may mga pares ng mata ang nakatingin sa kanila, kanina pa nagmaman-man.

It was a long soft kiss that full of mystery. Mystery because of the fact that Vernon has a Girlfriend which is Selene and Aila is in the middle of her revenge thing.

Nang Lumayo si Vernon ay tinititigan niya muna ang babaeng nasa kanyang harapan bago tumayo ng tuwid.

Parang isang kidlat na napatayo si Aila, ng maramdamang nakatayo na si Vernon. Nagkatitigan muna sila bago tuluyan siyang lumabas.

*END OF FLASHBACK*

Pinupuk-puk niya ang sarili, gamit ang kanyang kaliwang kamay "Tanga Aila tanga!!"

"HOY!!!" halos mapatalon siya sa gulat dahil sa pagsulpot ni Yael, tinapunan niya ito ng masamang tingin.

"sa susunod pwede huwag kang mang-gulat!!" inis niyang sambit.

"Hahaha!!, nakakatuwa ka kasing tignan!"

"At bakit naman ha?" tanong niya habang nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang bewang.

"pinupukpuk mo kasi ang sarili mo! mukha kang ewan!"

Inirapan niya nalang si Yael. Isang mahabang katahimikan ang namayani sa dalawa. nandoon lang sila at nakatayo.

"Magkaano-ano kay ni Janny?" basag ni Aila sa katahimikan

"were friends" simpleng sagot ni Yael, saloob loob niya ay nagiguilty na siya. Kailangan niyang gawin ito dahil may mga matang nakatitig sa kanila.

Napatango si Aila sa sagot ni Yael "Bakit wala kang boyfriend?" nagulat si Aila sa tanong ni Yael, kaya muli ay tinapunan niya ito ng masamang tingin

"It's none of your business Mr. Parker" she said then crossed her arms.

"Hindi ba nanligaw sa iyo si Jason?" binalingan niya si Yael ng isang nakakatakot na tingin, ngunit hindi ito natinag "Were Friends!"

"Hindi ka ba nahulog sa kanya?"

"ano ba!! nakakapikon ka na!" inis na sambit ni Aila "Were Friends okay? He's like a brother to me! no more no less!!"

Sa hindi kalayuan ay nakikinig si Jason sa usapan ni Aila at Yael. Na-curious siya kanina dahil pagbaba niya sa hagdan ay nakita niyang parehong nakatitig sa isa't-isa at nakatayo si Vernon at Aila, tapos ay biglang umalis si Aila. 

Agad niya itong sinundan, hindi niya pinansin si Vernon at dinaanan lang ito. Nakita niya kung paano pukpukin ni Aila ang sarili.

Anong nangyari? ang kanyang tanong kanina sa sarili. Ngayon naman ay narinig niya ang mga katagang ayaw niyang marinig  "Were Friends okay? He's like a brother to me! no more no less!!" 

Napatango si Yael sa pahayag ni Aila "So pwede pala akong manligaw sa iyo?"

"What? Youre younger than me, oh please!!"

"Age doesnt matter!!"

"Ewww" inirapan ni Aila si Yael sabay lakad palayo dito"Huwag mo akong susundan!!" sabi niya, pero bago pa siya makalayo ng tuluyan ay bigla siyang napatigil dahil sa sinabi ni Yael

"O, baka naman si Vernon lang ang talagang gusto mo!!"

-----

Salamat po sa pagbasa

Zaine_Maria ^__^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let's Play: The Revenge GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon